Stay

639 29 3
                                    

Stay

Hanggang ngayon kinikilabutan ka sa narinig mo sa telepono. Inisip mo na lang na baka may nangloloko lang sa’yo.  Bumalik ka na kasama sila Ash at Sam.

“Sino yun?” mausisang tanong sa’yo ni Ash.

“Ah wala lang. Wrong number,”

“Na-try niyo ba yug Omegle? Ang saya!” sabat ni Sam

“Talaga? Sige nga, try natin!” Hinikayat mo na ang kalokohan ng best friend mo para makalimutan mo yung mga nakakahilakbot na naranasan mo kani-kanina lang.

“Ganito lang yun, susulat lang natin kung ano ang common interest mo tapos yun magkakaroon na tayo kausap” Tahimik lang si Ash na nakikinig sa usapan niyo ni Sam. Para bang ayaw niyang ipagpatuloy yung gagawin niyo.

Sinulat ni Sam sa common interest ang pangalan ni Ely Saluria at sabay pindot sa Chat. Nakaramdam ka ng panlalamig sa batok dahil sa ginawa ni Sam. Sa’yo na nanggaling na hindi totoo si Ely Saluria pero bakit parang alam mo na ang mangyayari.

Di kinalaunan gumana na ang webcam ng laptop at lumabas na din ang makakausap niyo. Mukhang pamilyar ang kinaroroonan ng kausap niyo.  Di mo lamang maaninag ng maayos ang kinaroroonan ng kausap niyo pero parang alam mo na nakapunta ka na doon dati pa.

Stranger: hi

Maagap na sinagot naman ito ni Sam

You: Hii po! Fan din ba kayo ni Ely Saluria

Stranger: oo

You: Yehey! #Saluyot

Stranger: hehe

“Teka lang,” bumulong si Ash sa inyong dalawa. “Hindi niyo ba napapnsin,”

Stranger: mukhang alam na ng isa sa inyo ah

“Parang nasa kwarto mo yung kausap natin,” sabi sa’yo ni Ash. Namumutla na siya at nakatingin sa pintuan ng kwarto mo.

Ginulantang kayo ni Sam sa sinabi niya, “Guys tignan niyo!”

Pagtingin mo sa laptop, agad mong nawari na gumagalaw ang kamera. Doon mo nakumpirma na nasa kwarto mo nga ang kausap niyo. Hinawakan mo na ang dibdib mo sa kaba nang nakarinig ka ng malakas na kalabog mula sa iyong silid. Alam mo na narinig din nila Sam ang nakakatakot na tunog na iyon dahil namumutla na ang dalawa. Dahang-dahang tinuro ni Ash ang pintuan ng kwarto at nakita mong unti-unti itong bumubukas. Mabilis mong binaling ang iyong sulyap sa laptop mo at doon mo napansin na nakatutok na sa inyo ang kamera ng kausap niyo. Gusto mo nang sumigaw dahil alam mong nakadungaw na ang kausap niyo mula sa iyong silid. Gustong gusto mo na talaga sumigaw pero di mo magawa dahil mas kinikilabutan ka sa nakikita mo sa screen. May binatang lalaki kayong katabi ngayon at tinatakpan niya ang iyong bibig. Sa screen mo lang siya nakikita. Sa screen mo lang  nakikita na kasama niyo na si Ely Saluria. 

Gusto mo nang tumakbo at iwanan sila Sam at Ash ngunit natigilan ka nang may marinig kang bumubuong sa gilid lang ng iyong taingga. 

"Nasa bahay niyo ang kumuha ng kamay ko," malalim ang boses nito at naisip mong agad na si Ely Saluria ang bumulong sa'yo. "Tumakbo na kayo," 

Ngunit huli na ang lahat. 

Story Over. 

Read & Choose (Story Over)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon