Chapter 2

4.7K 126 1
                                    

Nandito na ako sa school napaaga yata ang pasok ko kasi wala pang masyadong tao..kaya naglibot-libot muna ako dito sa campus, seens hindi ko naman ito tinour nong unang pasok ko dito.

Sa bawat daan ko sa mga hallway ang dumi tingnan as in wala kang makikitang kahit kunting bahagi lang ng building na malinis. Pero yung mga C.R nila dito sobrang linis...ang pangit naman siguro tingnan na madumi na nga yung school niyo madumi pa yung C.R niyo...nakakadere na yung tingnan noh.

Habang pabalik na ako sa classroom ko dahil malapit ng magtime..napatingin ako sa harapan ko dahil binabastos ng dalawang lalake yung isang babae. Napahinto muna ako para marinig ko yung pinag-uusapan nila.

" Sige na miss kahit isang gabi lang. " rinig kung sabi ng isang lalake.

" Maawa na po kayo sa akin..iba nalang po yung biktimahin niyo huwag na lang ako. " sabi nung babae na naiiyak na.

" Sige na kasi Miss huwag na kasing maarte..alam kung gusto mo rin eh.. " pagpipilit parin nila

Hindi ba sila nakakaintindi na ayaw niya sumama sa kanila.

Nang hindi ko na matiis yung naririnig ko lumapit na ako sa kanila lalo ng marinig ko yung malakas na pag-iyak ng babae.

" Aya..nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. " sabay hila ko sa kanya para makaalis kami don.

Pero bago pa kami tuluyang makaalis may humawak na sa isang kamay ko. Tiningnan ko yung humawak sa kamay ko yung isang lalake pala na pumipilit sa babae.

" Huwag kang bastos miss." seryusong pagkasabi nong lalake saka tiningnan ako ng masama.

" Hmm... Sorry po malelate na kasi kami ng kaibigan ko. " pagsisinungaling ko sa kanila.

Nagsmirked lang silang dalawa sa amin. Tsk! akala mo kung sinong mga gwapo hindi naman bagay sa kanila ang pagsmirked.

Lumapit sa akin yung isang lalake at may sinabi sa akin.

" Kung ayaw mong masaktan umalis kana..iwan muna sa amin yang kaibigan mo at umalis na sa harapan namin. " pananakot niya sa akin

Ngumiti muna ako sa kanya at sinabing...

" Sorry, pero hindi ako natatakot sa mga ganyang salita lang. " nakangiting sabi ko sa kanya .

Mukhang nagulat yata siya sa sinabi ko.

Dahil nga madali lang mapikon ang hambog na gangster sasampilin niya sana ako. Pero hindi na tuloy kasi nagtime na..kaya tumakbo na ako kasama yung babae papalayo sa kanila. Pero bago pa ako makalayo sa kanila dinilaan ko muna sila na may halong mapang-asar kaya ayun hindi maipinta yung mukha nila.
       
Huminto na kami ng malapit na ako sa classroom ko. Napatingin ako sa babae na nakatingin din sa akin.

" Okay ka lang miss? tanong ko sa kanya.
       
Tumango lang siya sa akin...hindi pa siguro nakakarecover kanina.

" Una na ako sayo ha! " lalakad na sana ako ng pigilan niya ako.

" Sandali! " napatignin naman ako sa kanya.

" Salamat pala kanina. "

" Wala yun. " saka umalis na ako sa harapan niya.

Si President at Si OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon