Chapter 4

4.4K 125 4
                                    

Kahit ilang araw na akong pumapasok sa bago kung school ganun parin ang mga ugali nila. At ang tanong ko sa aking sarili kung bakit hindi parin ba ako umalis sa school na toh...Talaga bang nababagay ako dito?

Gusto kung umalis na dito pero hindi ko magawa...baka nasasanay na ako sa mga ugali nila. Ngayon lang din ako nakakita ng ganitong school, may naglalaro ng cards kahit nasa harapan na yung prof. namin, may nagsusuntukan at yung mga babae todo paganda...tulad ngayon.

" Class...makinig naman kayo, sayang ang binabayad ng mga magulang niyo kung hindi naman kayo interasado sa lecture ko. " pagmamakaawa ng prof. namin.

Sigaw siya ng sigaw pero wala naman epekto sa kanila..ako lang yata ang nakakarinig sa prof. namin. Mga bingi siguro sila.

" Class " naubos yata ang pasensya niya kaya napalakas na talaga ang sigaw niya.

Nabigla yata si Dylan kaya napamura...masamang magalit ang taong bagong gising. Natutulog lang kasi sa upuan niya. Nabigla yata sa sigaw ni prof.

" Who's that fucking man " galit na sigaw ni Dylan.

Tinutukoy niya siguro yung sumigaw.

Yung mga kaklase ko naman..lahat sila nakaturo kay prof.

Kawawa ka ngayon prof.

Lumapit si Dylan sa kanya at hinawakan niya si prof. sa kwelyo.

" Bastos kaba ha! Alam mong natutulog ako..bigla ka nalang sumigaw. " nakakatakot naman toh.

" Sorry Mr. Dylan..gusto ko lang naman na makinig sila sa nilelecture ko " -prof.

" You can choose one. Die or Resign " -Dylan

Grabi naman tong lakake na toh, tiyak na resign ang pipiliin niyan..alangan naman magpakamatay siya.

Nakatingin lang ako sa kanila, ayaw kung makialam baka madamay pa ako sa away nila. Mahirap na.

" Tomorrow...dapat wala kana dito, kundi malalagot ka "

Aalis na sana si Dylan, umepal pa kasi si prof. e, yan tuloy lalong uminit ang ulo ni Master.

" Wala kang karapatan na paalisin ako dito, kayo nga ang may-ari pero yung Tatay mo ang nagpapatakbo nito, kaya siya lang- "

Ayun sapol si Sir sa mukha, hindi man lang pinatapos magsalita.

Kawawa ka ngayon Sir, nakihabol pa kasi.

" Ayusin niyo yang pananalita niyo. " -Dylan

" Kawawa naman ang mga magulang niyo, nagkaruon ng mga anak na barumbado. Kaya siguro dito kayo nila nilagay dahil dito talaga kayo nababagay, wala na- "

Ano bayan hindi ba talaga siya titigil, hindi ba sapat ang isang suntok lang, ayan tuloy maraming suntok ang nakuha niya kay Dylan.

Dumudugo na yung mukha niya sa kakasuntok sa kanya. Hindi ko na gustong makita ang ginagawa nila.

Kaya bago niya pa mapatay si Sir tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa kanila para pigilan siya.

Bago niya pa mapalo kay Sir ang bat na nakuha niya sa kaklase namin, nahawakan ko na yung bat, baka mapatay niya si Sir ng hindi oras.

Si President at Si OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon