Chapter 1

6.9K 163 9
                                    

" Tapos kanang mag-ayos ng gamit mo, JM? " tanong ko sa kapatid ko.

"Yap! Kanina pa " sagot niya naman as akin.

" Hali kana, labas na tayo" yaya ko sa kanya.

Umalis na kami ng bahay at pumunta sa ilang mga fastfood chain. Wala na kasi kaming time na magluto ng hapunan namin dahil sa kakaayos namin ng mga gamit sa bahay. Kaya sa labas nalang kami kakain.

Ako nga pala si Louise Yllana Torres, kapatid ko naman si JM, kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay kasi namatay ang mga magulang namin sa isang trahedya. Kaya kailangan naman suportahan at tulongan ang isat-isa.

Matapos naming kumain ni JM umuwi na kami, para makapagpahinga at ihanda ang sarili para bukas.

*****

Maaga kaming nagising ng kapatid ko, tapos narin kaming kumain at mag-ayos ng sarili..ang hinihintay nalang namin ay si Tito, siya kasi yung maghahatid sa bagong school namin.

Maya-maya may narinig na kaming busina ng sasakyan sa labas kaya lumabas na kami ng bahay, panigurado si Tito na yan.

" Good morning, Tito " bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya, ganun rin si JM.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at sinimulan na ni Tito mag drive. Si Tito Ben siya na yung nag-aalaga sa amin ngayon simula nong nawala sina papa at mama, nangako kasi sila ni Tita sa puntod nila papa na sila ang mag-aalaga sa amin, kaya ito tinupad ni Tito ang pangako niya, matalik din kasi silang magka-ibigan.

Unang hinatid ni Tito si JM, malapit lang kasi ang school nito.

" Ingat JM, huwag gagawa ng kalokuhan ha  " sabi ko sa kanya

" Sige na pasok kana sa loob " sabi ni Tito sa kanya.

Nag wave lang siya sa amin, at pumasok na siya sa loob ng campus nila...tapos ako naman ang hinatid ni Tito. Magkaiba kasi kami ng school na pinapasukan, college na ako at siya naman ay high school palang.

" Hindi na kita masasamahan sa loob Louise..malelate na kasi ako" sabi ni Tito ng makarating na kami sa school ko.

" Okay lang po Tito, kaya ko na po ang sarili ko." nakangiting sabi ko sa kanya.

Bumaba na ako ng sasakyan, hinintay ko munang makaalis si Tito bago ako pumasok sa loob ng campus.

Pagkapasok ko sa loob ng campus. Wow! sobrang nagulat ako na nasa harapan ko, hindi sa laki nito kundi ayos nito. NAPAKADUMI ng paligid..maraming nakavandilism sa mga pader tapos marami pang nakakalat na kung ano-anong bagay.

Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy nalang sa paglalakad para hanapin yung prinsipal office.

Pumasok na ako sa loob ng building nila at tsaka ko naman hinanap yung principal office nila. Madali lang naman hanapin kasi merong nakalagay na nameplate sa labas.

" Good morning po " bati ko sa lalaking nakaupo sa harap ko ng makapasok ko sa loob.

"Oh! Good morning, ikaw ba yung sinasabi akin ni Ben na bagong transferee namin dito? " tanong nya sa akin.

" Opo, Sir " sagot ko naman sa kanya.

Pinaupo nya naman ako at sinimulan nya na yung tungkol dito sa eskwelahan nila pati na rin yung rules and regulations nila, unfortunately wala talaga silang mga rules sa school na toh hindi naman sinusunod ang mga patakaran dito. Halata naman e, sa pagpasok ko palang kanina.

Si President at Si OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon