DIECISÉIS [16]

627 13 4
                                    

Chapter Sixteen


KNIGHT'S QUEEN

LIMANG ARAW.

Limang araw na ang nakakaraan simula ng pumayag si Maxine na tumira dito si Knight. At sa limang araw na iyon ay sobra-sobra ang pagtitimpi niya para lang huwag sumabog sa inis dahil sa lalaking iyon.

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ang kasama mo sa bahay ay napaka-balahura dahil kung saan-saan lang iniiwan ang mga gamit nito. Katulad na lamang kaninang umaga ay nakita ng dalaga na pakalat-kalat ang sapatos ng damuho sa may puno ng hagdan na muntikan niya pang maapakan at ikatalisod.

Noong nakaraang araw naman ay muntik na siyang madulas dahil sa mga nagkalat na patak ng tubig sa tapat ng common CR nila na malapit sa kusina at ang salarin ay walang iba kundi ang loko niyang housemate. At ang malala ay noong unang araw pa lang nito sa bahay nang maisipan niyang maglinis ng CR at makita ang  pakalat-kalat na boxer brief ng mokong sa tiled floor ng CR. Imagine her shock that time dahil doon, ni hindi man lang nakaabot sa hamper na malapit lang. Nakakainis talaga! He already violated her first rule for God sake!

That Greek God personified housemate of her is such a slovenly person. Nabawasan tuloy ang kagwapuhan nito ng mga two percent lang naman. Ugh! Tumigil ka nga, Alejandra.

Idagdag pa na palagi siyang napupuyat sa kakahintay sa binata tuwing gabi dahil palagi na lamang itong late kung umuwi. Wala pa raw kasi ang duplicate key ng bahay na pinagawa nito dahil hindi pa raw iyon tapos gawin, kaya nagtitiyaga siyang hintayin ito kahit pa antok na antok na siya kasi ayaw niya namang iwanang hindi naka-lock ang pinto dahil baka may pumasok na mga masasamang loob at siya naman ang mapahamak.

Nasa punto na nga siya ng kanyang buhay na parang gusto na niyang magsisi na pinatuloy niya ang binata dito sa bahay dahil sa mga pinaggagawa nito.

Ang mahirap pa ay parang wala lang dito ang effort niya sa paghihintay na ni isang simpleng thank you ay hindi man lang nito masabi bilang pakonswelo na lang sana. That bastard is such an insensitive asshole.

Ayaw ko na sa kanya. Hindi na siya ang knight ko, nakaka turn off.

Nakakaturn off pero heto ka't nakatunganga at hinihintay siyang dumating. Hmp! Saad na naman ng malditang bahagi ng isip niya.

Napanguso na lang siya dahil doon kasi tama ang pesteng superego niya.

Heto na naman kasi ang sistema ni Max, waiting for him to arrive dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang gago niyang housemate.

My God! What time is it na ba, it's almost one in the morning na pero ni anino ng lalaking iyon ay hindi niya maramdaman. May balak pa bang umuwi iyon? Ano ba ang pinagkaka-abalahan nito at kung umuwi ito ay umaga na? Alangan naman iyong client nito 'di ba? May meeting ba na inaabot ng hatinggabi? Hindi kaya nangbabae ang mokong na iyon?

Natigilan si Max dahil sa naiisip. Kapagkuwan ay napakurap-kurap siya nang parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa isiping iyon. Pero agad niya ring sinuway at ipinagsawalang bahala.

Kaya ba mag-uumaga na ito kung umuwi dahil nangbabae ito kasi hindi nito pwedeng dalhin dito sa bahay ang mga babae nito because of the rules na sinabi niya.

Hmp! Pake niya ba kung mangbabae ito, eh hindi naman sila close. Yes, they're civil to each other, nagkakaroon din ng mga small talks paminsan-minsan pero hanggang doon na lang iyon. Kaya dapat ay wala siyang pakialam sa mga pinaggagawa nito sa buhay because it's his privacy at siya na rin ang nagsabi na they should not meddle with each others personal and private life.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now