(Note: Erors ahead. Happy reading!)
Two
WALANG PAKIALAM SI Faye kahit na kanina pa niya napapansin ang paninitig ni Luci sa kaniya. Ang importante ay gumagaan na ang pakiramdam niya matapos ng kaniyang ilang minutong pag-iyak.
Nasa loob sila ng convenient store at kasalukuyang kumakain ng ice cream na inilibre ng binata kanina. Pareho silang naka-corporate attire — minus the black coat — kaya ang ilang teenagers na nasa loob ay pinagtitinginan sila. Natatawa na lang si Luci kapag nakakarinig ito ng bulung-bulungan tungkol sa kanila.
"Bakit ka ba inaway ni Kuya?" tanong ni Luci nang magsawa na ito na titigan siya.
Nilunok muna ni Faye ang ice cream na kinakain bago sumagot. "He demanded an apology."
"And you gave it?"
"Yeah... But it's late," Faye said. "nasigawan muna ako bago ako humingi ng tawad."
Napailing si Luci. "Bakit kasi hindi ka na lang nag-sorry agad?"
"Iniinsulto niya kasi ako," Faye defended. "Kung humingi ako agad ng tawad, mas gagamitin niya lang iyon para ipamukha sa akin lahat ng maling nagawa ko."
"Hay..." Luci stretched her arms. Ipinatong nito ang kanang kamay sa kaniyang ulo at marahang tinapik iyon. "Hayaan mo na. Ganoon talaga si Kuya. Masyadong mainitin ang ulo kapag naka-boss mode."
Hinayaan lang niya ang binata na guluhin ang buhok niya. Faye was pouting her lips while eating the rest of her ice cream. Masaya naman siyang pinagmamasdan ni Luci na tapos na sa kinakain nito.
Faye can't help but to compare Luci to his older brother. Magkaibang-magkaiba talaga ang dalawa. Luci was too outgoing and laid back. Hindi gaya ng kuya nito na pinaninindigan talaga ang pagiging istriktong boss sa trabaho.
Even in their physical appearances, sobrang layo ng dalawa sa isa't-isa. Lucas has that intimidating aura and strict face na akala mo hindi marunong ngumiti. While Luci, on the other hand, has a very bright and charming aura. Kaya nababansagan itong playboy ng karamihan ay dahil simpleng pag ngiti lang nito ay marami na itong nahuhumaling na mga babae.
Tinitigan ni Faye ang binata. Luci's face has a softer feature than his brother. They both have black eyes that can make your heart swoon everytime you stare at them. There's his pointed nose, and red, wet lips. Then his very sexy jaw line that moves everytime he chuckled. Mas maputi rin ang balat nito kay Lucas.
Napaangat ang kilay ni Faye nang may mapansin sa kaibigan.
"You colored your hair... Blue?" she said, a little confused.
Lumawak ang ngisi sa labi ng binata. "Bakit ngayon mo lang napansin?"
"And you have a face to enter your company. Hindi ba bawal iyan doon?"
"I'm their boss so..." Luci shrugged his shoulders. "Wala namang sinasabi si Kuya at Daddy tungkol dito."
Pinalo ni Faye ang braso ng kaibigan. "'Di ba sabi ko sa 'yo noon na ibalik mo sa itim? Naging COO ka nga ng kumpanya niniyo, ikaw naman ang B.I."
Stressing!
Kung noon ay si Nicolai lang ang nagpapainit sa kaniyang ulo, pakiramdam niya ay mas dumoble iyon nang makilala niya si Luci.
Noong huling kita niya kasi kay Luci ay kulay pula ang buhok nito. Nakilala niya ang binata sa restobar ng kaibigan niyang si Nicolai. Pinsan ito ni Luci at partner naman niya sa trabaho. Pinakilala siya ni Nicolai rito and they clicked.
Noon ay nagtataka pa siya kung bakit si Luci lang ang laging tambay sa bar ni Nicolai. In fact, may sarili nga ring bar na pag-aari si Luci. Iyon ang alam niyang pinagkakaabalahan nito. Pero noong nagpunta na siya sa Manila ay doon niya natanto na hindi lang pala simpleng bar owner ang binata. He's the current COO of Savirino Enterprises. She asked him kung bakit COO lang. Doon niya nalaman na may kapatid pa pala ito at sa maling pagkakataon pa niya nakilala ang sinasabi ng kaibigan na mabait na Kuya.
BINABASA MO ANG
Heartbeats and Mistakes (Mistake Series #5)
RomanceTHIS STORY IS EXCLUSIVELY AVAILABLE ON DREAME APP! Mistake Series #5 (Completed) "I wanted to stop my heart from beating because of you. Because it feels like it is a mistake. Falling for you is a mistake." *** Contradictory to what other people kno...