Five

1.7K 54 12
                                    

(Note: Unedited chapter. Errors ahead.)




Five






HINDI MAKAGALAW SI Faye habang nanatili siya sa mga bisig ng binata. Her eyes were wide with shock and her lips were parted. The seriousness of Lucas' face made her insides quiver.

"May kasama ka pala? Hindi ka man lang nagsabi." Napabaling siya sa asawa ng kaniyang Ina na tuluyan ng binuksan ang pinto ng apartment. "Pumasok na kayo. Magbibihis lang ako."

When the man finally went inside, tuluyan na siyang pinakawalan ni Lucas. Muntik pa siyang matumba dahil sa biglaan nitong paggalaw. Mabuti na lang at naka-kapit siya sa sa dingding.

"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal niyang tanong.

Pinasadahan ni Faye ng tingin si Lucas. He was wearing a business suit. Unlike her who only wore a plain green v-neck shirt and jeans. Aakalain mong katulong lang siya ng binata.

"Let's go home," Lucas said with his deep voice. Nanunuot pa rin ang titig nito sa kaniya.

Faye shook her head weakly. Imposibleng nandoon ang binata para lang sunduin siya. Alam niyang hindi nito kayang aksayahin ang oras nito sa trabaho para lang puntahan siya sa Ilocos.

It's an eight-hour drive, for God's sake!

"Ano ang ginagawa mo rito, Lucas?" tanong niyang muli. She wanted to know why is he there. Of all places, bakit ito napadpad sa napaka-gulong lugar na iyon?

"Hindi pa ba malinaw sa 'yo, Faye?" iritado ng tanong nito sa kaniya. "I'm here to fetch you. Iuuwi na kita. Hindi ka dapat nandito."

Her eyes widened. "Excuse me, Mr. Savirino. Ikaw ang hindi dapat na nandito. This is my place... My home. Ikaw ang dapat ng umuwi. You shouldn't be here!"

Umigting ang panga ni Lucas habang madilim ang mukhang nakatitig sa kaniya. If looks could kill, kanina pa siya walang buhay.

Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit nito. She just wanted him out of danger. Ang lugar kung nasaan sila ngayon ay hindi ang klase ng lugar na kinasanayan ng binata. Okay, she can tell that he has the body and strength to protect himself. Pero sa dami ng masasamang loob sa lugar na iyon? Hindi iyon sapat.

Plus, he's a walking target! Baka nga sa oras na iyon na nagtatalo sila ng binata, natangay na ang sasakyan nito.

With that in her mind, mas pinilit ni Faye na pakiusapan si Lucas para umalis na. Pero sadyang matigas talaga ang ulo nito at hindi pa rin gumagalaw sa puwesto.

"My gosh! Mas matigas pa ang ulo mo kaysa kay Luci!" Napahilamos siya ng mukha dahil sa pagka-irita. Bakit ba kasi minamasama nito ang pagtataboy niya? She just wanted him safe!

"Ay! Bakit nandiyan pa rin kayo?" Muling sumilip ang kaniyang Ina mula sa pintuan. Nakabihis na ito ng simpleng spaghetti strap sando at maikling shorts. "Kyle! Tanga ka ba? Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo?"

"A-ah..." Faye looked at Lucas. Nakakunot ang noo nito at parang mas nairita pa.

"Hindi na po kami papasok. We're leaving," he said in a cold tone before helding her hand. "Good night."

Tuluyan na siyang hinila ng binata papalayo sa kaniyang Ina. Nasa may hagdanan na sila nang muli niyang marinig ang Ina na nagsalita.

"Hindi mo man lang ba sisilipin ang mga kapatid mo, Kyle?"

Faye stopped on her tracks. Natigil din sa paghila sa kaniya si Lucas saka siya takang tinignan. Faye gritted her teeth before pulling her hand away from Lucas' grip.

Heartbeats and Mistakes (Mistake Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon