(Note: Unedited version. Errors ahead.)
Three
WALANG KASALANG MAGAGANAP. Faye cheered mentally. Thank God! Hindi nasira ang tiwala niya sa Ama at kapatid.
"But we have to twist some facts and hide some truths," wika ng Ama ni Lucas saka ito sumimsim sa red wine nito.
Nasa kalagitnaan pa rin sila ng dinner at kasalukuyan ng pinag-uusapan ang tungkol sa merging ng dalawang kumpanya. Naantala kasi iyon saglit dahil sa biglaang wedding proposal ni Agathon kay Xhyraine noong dumating ang dalawa.
It wasn't easy making plans about the meeting of the two companies without marriage involved. Iyon lang kasi ang pinakamadaling paraan para pagkatiwalaan sila ng mga investors and shareholders para magpasok ang mga ito ng pera sa kumpanya. Pero ngayong hindi kasali sa plano ang kasal, kailangan nilang mag-isip ng ibang paraan para mapaniwala ang lahat na hawak na ng mga Savirino ang dela Vega Group.
"Puwede naman nating sabihin na binili na ng Savirino Enterprises ang dela Vega," Luci suggested. Faye was even surprised that he's really interested about their meeting. Akala niya ay nandoon lang ito bilang display.
"Hijo, hindi puwedeng ganoon ang gagawin natin," anang Ama nito. "We don't need to buy the company. We need to help the company regain it's power. Para mangyari iyon, kailangang maidikit ang pangalan natin sa dela Vega."
"The investors doesn't want to waste their money on a falling company. Kung bibilhin natin ang dela Vega Group mapapalitan iyon ng pangalan at mawawalan ng karapatan ang mga dela Vega roon. And we cannot give it back to them because it's risky. Malalaman din iyon ng board," Lucas said seriously.
"Then, what are we gonna do?" Xhyraine asked them.
Ilang segundo pang natahimik ang lahat ng nasa mesa hanggang sa muling nagsalita si Lucas.
"We can still lure the investors by releasing a statement about my wedding with Faye."
Nanlaki ang mga mata ni Faye saka gulat na binalingan ang binata. "Hindi ka ata nakikinig, Lucas. Walang mangyayaring kasal."
"I don't want to get wedded with you, too." He raised a brow. "Pero hindi naman nila malalaman kung nagpakasal nga ba tayo, o hindi."
"A fake marriage, you say?" tanong ng kaniyang Ama.
"Yes, Senyor," Lucas licked his lower lip before glancing at her. "We can release some statements saying that we have been married secretly. I can pull some strings about those legal documents needed. After that, once that the board and the investors have their trust back on us and give the support we badly needed, dela Vega Group will also have their power back."
Faye gritted her teeth. Parehas din iyon! Mawawalan pa rin siya ng kalayaan. Kahit na hindi sila totoong ikakasal, sa tingin pa rin ng publiko ay may nangyari ngang ganoon. That's the purpose of Lucas' plan after all. To make everyone believe that a Savirino and a dela Vega tied a knot.
"I don't like it," she said, glaring at Lucas. "I don't like your idea."
"Why?" Tinapatan ng binata ang nanlilisik niyang mga titig. "Do you have something in mind? A better one?"
"If you really wanna help us, just invest in our company."
The side of Lucas' lips rose. He scoffed sarcastically while looking at her. Naningkit ang kaniyang mga mata. At talagang iniinsulto pa siya nito.
"You don't need our money, Faye. You need our name in order to survive," Lucas said. "Kahit ilang daang milyon pa ang ipasok namin sa kumpanya niyo, hindi 'yon makatutulong. Kami ang kailangan niyo ngayon, Ms. dela Vega. Hindi ang pera namin."
BINABASA MO ANG
Heartbeats and Mistakes (Mistake Series #5)
RomanceTHIS STORY IS EXCLUSIVELY AVAILABLE ON DREAME APP! Mistake Series #5 (Completed) "I wanted to stop my heart from beating because of you. Because it feels like it is a mistake. Falling for you is a mistake." *** Contradictory to what other people kno...