I'm Back Love

4.9K 110 82
                                    

Warning: May contain sensitive topics.Please be aware.

-------------------------------------------------------------------------

"Gab-Gab" how many years na tayong magkaibigan?" 

Napakunot ang noo niya. This is always his reaction every time magatatanong ako sa kanya.        " Why are u asking me that?"

"Nothing." I shrugged." I just want to know."

Until now I can't remember anything. It's been 3 years. Feeling ko may kulang sa akin. May bahagi sa aking nakaraan na gusto kong maalala. Something inside me is missing and I don't know what it is.

He took a deep breath bago nagsalita. " May napanaginipan ka na naman ba?" he asked me in a low voice.

Marahan akong tumango. Recently palagi akong nananaginip. I don't know if it's a dream or it's part of my memory. Basta ang alam ko lang nagigising ako ng madaling araw  na nanginginig at pawis na  pawis na parang may humahabol sa akin. 

It keeps repeating for three weeks now. At kapag pinipilit kong alalahanin ang mga yun sumasakit ang ulo ko. Para itong binibiyak sa sobrang sakit.

There are times na hindi din ako nakakatulog , parang may naririnig akong mga boses pero hindi naman klaro sa akin ang mga salita. Hindi ko na alam anong nangyayari sa akin. Am I going crazy? Am I losing my sanity na ba?

" Ynah, don't be too hard on yourself. You'll remember everything. Your doctor said makakasama sa'yo kung pililitin mong alalahanin ang nakaraan."Kita ko ang awa sa mga mata niya. Those beautiful blue eyes that so familiar to me. I don't know what's with his eyes but every time he stares at me I felt something na hindi ko kayang ipalawanag.

I sighed." I w-want to remember everything Gab" My voice started to break, I can feel my eyes watered. "W-why is it so hard for me to r-remember ? I c-can not stay like this f-forever. I a-always feel e-empty Gab. B-bakit ba kasi sa akin pa n-nangyari to?" 

"Shhh..don't cry." he gently wiped my tears. "Do you want to see your Doctor? I will come with you"

I shook my head. I don't want to see my doctor dahil feeling ko wala namang pagbabago sa akin. I even stop taking my medication 6 months ago. And beside sabi niya babalik din naman ang alaala ko, yun nga lang hindi ko pwedeng pwersahin itong utak ko. Makakasama daw ito sa akin and worst baka mabura pang tuluyan lahat ng mga alaala ko. 

"Bakit ka nga pala nandito?" I changed the topic. I don't want to be emotional again. Minsan na nga lang kami magkita nitong kaibigan ko magdadrama pa ako sa kanya.

"Ouch!" He act as if  offended with my question."Bakit ayaw mo na bang makita ang bestfriend mo?"Nakahawak pa 'to sa dibdib, napaka oa talaga. "Masama bang dalawin ang bestfriend ko? miss ko na kasi siya eh."

"Sus!" I smacked his arm, ang tigas ng muscles alagang gym. "Ang drama mo. Hindi mo kinagwapo yun" Irap ko sa kanya.

"Yeah?"

"Oo!"

"Cge nga. Look at my eyes".

 Umiling ako" Ayaw".. 

"C'mon" mayabang na hamon nito sa akin. Sabay hawak sa panga ko para mabaling sa kanya ang aking paningin. But I closed my eyes, pag-iinarte ko sa kanya. "C'mon open your eyes. Kung hindi hahalikan talaga kita"

Agad kong iminulat ang mga mata ko. The moment I did that, he burst into laughter, na parang mamamatay na siya kakatawa. Ang lakas ng tawa niyang pumuno dito sa apartment ko. Napapaluha na ito at nakahawak pa siya sa kanyang dibdib na parang nahihirapang huminga sa sobrang kasiyahan. Tuwang-tuwa ang loko.

I'm Back, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon