VII. Ang Pag-amin.

19 0 0
                                    

Mahal kita mahal kita hindi ito bola.

Tama nga dapat magpakatotoo na nga ko di ko na dapat pang itago ang nararamdaman ko para kay Venus sasabihin ko na sa kanya ang lahat at papatunayan ko na mahal ko siya.

Malapit na ako sa lugar na lagi naming tagpuan bumibilis ang tibok ng puso ko di ko alam kung tuwa ba ito o takot.

Hi Venus late na yata ko sorry ha.

Ok lang sanay na ko sayo hahaha tara dun tayo.

Hahaha lets go akin na yan ako na magdadala niyan.

Thank you.

Umupo ka na dyan ako na bahala ako mag order hahaha.

Iniwan ko siya at umorder na ko ng paborito namin. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba hindi nalang pero kailangan ko magpakatotoo bahala na sasabihin ko na sa kanya kahit alam ko malaki ang magiging epekto nito sa aking buhay.

O ito na ang paborito mo. Ayan ha huwag mo na pamukha na late ako ha hahaha.

Late ka parin kahit anon sabihin mo.

Sige na next time di na ko papahuli. Start ngayon aagahan ko na.

Sus narinig ko na yan sayo madaming beses na kaya ka nauunahan ng iba dahil mabagal ka.

Panong mabagal? Bakit may nauna ba sakin wala naman ah ang importante huli man ako dumadating parin.

Hay nako ka talaga ang slow mo. Bukas pala di pala kita masasamaham inaya kasi ako ni Bryan lumabas.

Ah ganun ba sige enjoy lang. Hindi ako mabagal ah alam ko naman kasi nanjan hihintayin mo ko pero parang di mo na din naman ako mahihintay may kasama ka na.

Parang nawalan ako ng gana sa narinig ko slow ba talga ko ito ang tanong ko sa sarili ko di ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kanya natatakot ako na baka mareject niya. Matalino naman si Venus alam niya na nagseselos ako at nagpapahaging na sa kanya. Pero di ko talaga kaya sabihin sa kanya.

Oi parang nagseselos ka ah sa mga salitaan mo ah.

Hindi ah assuming ka naman tara na hatid na kita maaga pa ko bukas eh.

Lumalaki butas ng ilong kung baga kay Pinochio ganun kadin pagnagsisinungaling.

Di nga sabi. Tara na.

Ok sabi mo eh.

Medyo badtrip di ko alam bakit ko nararamdaman to nagseselos ba talaga ko? Ito pala ang feeling ng nagseselos. Parang gusto manapak at galit ka sa buong mundo hindi ko na naririnig ang sinasabi sakin ni Venus ang alam ko lang kasabay ko siya naglalakad ngayon.

Oi August ano ka na ang tahimik mo ah para kang zombie na naglalakad walang paki ah confirm ka talaga.

Hindi nga no. Tignan mo oh nakangiti ako masaya ako kasi kasama kita. Iba ang pakiramadam ko kapag kasama kita Feeling ko ako ang pinakagwapong lalake kapag kasama kita. Kaya walang oras na hindi dapat na lumipas na hindi kita kasama. Unang pagkikita palang natin hinahanap hanap na kita. O yan masaya ka na nagsalita na ko ha hindi na ko zombie ha.

Hindi ko na alam kung ano ang mga nasabi ko kay Venus bahala na kung ano man ang maging result nito. Minsan pala di lan sa alak nakakahiram ng tapang sa kape din pala lalo na kung matapang ang timpla.

Ha ano August di kita maintindihan lasing ka ba? Alam ko kape yang iniinom mo.

Eh ikaw pala ang slow eh. Sige na wala ng dahilan pa para magpaligoy ligoy pa. Venus gusto kita mahal kita ayan.

Ha nagloloko ka lang yata mahilig ka kasi magjoke eh.

Yan ang hirap sayo di ka naniniwala. Totoo nga kaya nga kahit na alam ko bawal pinipilit ko paring maging ok. Gusto kita will you be my gf?

Huwag mo ko binibigla alam ko friends tayo diba? Di ka pa nga nanliligaw tayo na agad ang bilis mo naman yata. Tsaka pano na yung pangarap mo tatalikuran mo ba ang lahat dahil mahal mo ko?

Ano ka ba Venus di mo ba ramdam sa umpisa palang ng pagkakaibigan natin nililigawan na kita di pa ba sapat na patunay na kahit alam ko na bawal ako lumagpas sa mga limits ko ginagawa ko parin pag kailangan mo ko. Di ko pagsisihan na talikuran ang lahat para sayo maging katapusan man to ikaw naman ang magiging simula ko.

Natatakot ako sa sinasabi mo pero sa totoo lang pinipigilan ko din ang sarili ko na mahalin ka dahil sa priority mo pero ang totoo matagal na kita gusto simula nung sinave mo ko.

Huwag kang matakot Venus sabay natin haharapin ang lahat ng resulta nito.

Mahigpit na yakap ang sinukling sagot sa akin ni Venus hindi na niya kailangan sabihin pa ang kanyang sagot sa yakap na yun naramdaman ko ang takot at pagmamahal na gusto niya sabihin sa akin alam namin mahirap ang aming sitwasyon pero hanggang magkasama kami kakayanin namin ang lahat.

"Ang katotohan ang magpapalaya sa mga damdaming hindi maipahayag"

True Love Waits. Teka! sa nga ba ang waiting shed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon