I. Comfort Room/ Comfort Zone?

71 1 0
                                    

Malamig tagos sa makakapal na damit nanunuot at dumidiin hanggang sa kailalim ng aking mga buto ang hanging nagdadala ng pighati sa akin.

Tunay ngang mahirap mapalayo sa piling ng iyong mahal sa buhay. Tanging mainit na tsokolate, liwanag ng apoy ang aking kapiling at mga tugtuging malumanay na naghahatid ng diwa ng kapaskuhan ang nagbabalik sa akin sa bayang aking nilisan.

Silent night o holy night...... paulit ulit na aking pinakikinggan upang maalis ang kalungkutan na aking nararamdaman. Matagal na din na hindi ko kapiling ang mga naiwan ko sa Pilipinas kumusta na kaya sila?

Dalawang taon na lang akoy babalik na dala ang pangarap para paglingkuran ang aking bayan.at hindi ko pinagsisihan ang iwanan ang lahat para sa aking pangarap.

August ano pare sasama ka ba? Lalabas ka ngayon. Huwag mong ikulong ang sarili mo magpakasaya ka naman labas na jan pare sa comfort zone mo.

Ok mga bro sunod na lang ako tapusin ko lang tong assignment ko susunod ako.

Sige bro asahan ka namin.

Tama nga sila dapat minsan lumabas ako sa comfort zone ko para mabawasan ang kalungkutan na nararamdaman ko. Mabigat man ang aking katawan pinilit kong tumayo at lumabas sa kwarto na kinalalagyan ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng aking mga paa, patuloy ako sa paglakad na walang patutunguhan hanggang dinala ako nito sa isang kamukhang lugar na kung saan hinantay ko ang tunay na Pag-ibig at duon ko nasagot ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

True Love Waits. Teka! sa nga ba ang waiting shed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon