Alyssa
Dahil sa nangyari kaniang umaga, mukhang ilag ang mga kaklase ko sa akin.
Mamaya iniisip nila basagulera ako, o kaya umiiwas sila dahil ayaw nila madamay.
Ayaw nilang sila naman ang mapagtripan ng mayayabang na varsity players na yon.
Kaya eto, mag-isa ako kumakain sa cafeteria. Perfect diba!
Sa mga ganitong pagkakataon namimiss ko yun dalawang ugok ko na kaibigan eh.
Wala naman akong pakialam , hindi naman ako yun taong nagpapaapekto sa mga sinasabi at iniisip ng kusg sino man jan.
Kilala ko naman ang sarili ko at wala akong natatapakan o nasasaktan na tao.
Siguro pag tumagal makakalimutan din nila yun nangyari, at maiisip nila na mali yun pagkakakilala nila sa akin.
Tahimik lang akong kumakain at background music ko ang mga kwentuhan ng mga kapwa ko studyante.
Pero sa lakas ng boses at tawanan parang kilala ko na kung sino yun parating, yung mga mayayabang na ungas kanina.
Paglingon ko tama nga ang hinala ko, sila nga.
Pero ngayon mukhang kasama pa nila yun mga syota nila.
So yun nga kasama nila yun mga girlfriends nila, yun iba magka-akbay, yun iba magka-holding hands.
Sa totoo lang wala naman ako pakialam kung dumating sila eh, hindi naman ako nagmamay-ari ng cafeteria para pagbawalan sila dito.
Kaso nawalan ako ng gana at di makapaniwala sa nakikita ko.
Bumilis ang tibok ang puso ko, pakiramdam ko hindi ako makahingan at namamawis ang palad ko.
Yung babaeng kasama ni La, yun babaeng inaakbayan niya ngayon.
Sigurado ako hindi ko pwedeng magkamali.
Kahit iba na yun buhok niya, yung dating maiksi ngayon ay mahaba na, yun simpleng ayos niya ngayon iba na.
Akala mo modelo o sikat na artista na.
Pero sigurado ako siya talaga yun, siya yung babaeng nasa ulanan.
Yung babaeng hindi ko alam bakit ako hinalikan, pero tinakbuhan naman.
Yung babaeng nagpatibok at nagmamay-ari ng puso ko.
Dito ko lang pala siya makikita.
Ang tagal ko siyang hinanap.
Ang laki ng pinagbago niya, maganda parin siya, hindi mas lalo pang gumanda.
Pero yun babaeng mukhang maamo noon mukhang palaban n ngayon.
Ano kaya nangyari sa loob ng isang taon?
Ganun pa man, ganun parin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi nagbabago, lalo pang lumala.
At isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
Aagawin ko siya.
What do you think guys?
Any comment out there?
Thanks for reading this.
And dont forget to hit the vote button.
BINABASA MO ANG
Where I fell inlove with a Stranger - AlyDen fanfic
FanfictionThis is going to sound crazy, but... from the moment I first set my eyes on her I haven't been able to stop thinking about her. My name is Alyssa Valdez and this is my story where I fell in love with a stranger.