C6

5.4K 181 7
                                    

"Denden pwede ba kita matanong?" sabi ko sakanya.

"Sure, ano ba yun?"

"Matagal naba kayo ni Alyssa?" tanong ko.

"9months nadin.. Bakit mo natanong?" sagot nito sa akin.

"Wala naman.." sagot ko, nanghina ko bigla ang tagal na pala nila.

Maya maya dumating na yun prof namen.

Ang boring, algebra kasi ang subject namen, kaya pasimple kami nagkwentuhan ni Den.

Nagpipigil si Den ng tawa, kahit na corny ng mga jokes ko ee natatawa padin siya.

"Ms. Lazaro and Ms. Valdez!" sigaw ng prof namen.

"Care to share? Mukhang mas nakakainteresado yan pinaguusapan niyo kesa sa dinidisscuss ko." pataray na dagdag pa nito.

"Sorry po Ma'am.." sabay naming sabi ni Den, tinaasan lang kami ng kilay ng prof namen at bumalik sa pagtuturo.

Pagkatalikod ng prof namen ay nagtinginan kami ni Den at pareho kami nagpipigil ng tawa.

Kinuha ko yun notebook ko at nagsulat doon.

"Nahuli tayo, tawa ka kasi ng tawa eh.. Hahaha"

Pinakita ko kay Den yun at binasa niya, kumuha din siya ng notebook at nagsulat doon.

"Para ka kasing mais.."

Nagsulat ulit ako sa notebook.

"Ha bakit?"

Nagsulat ulit siya at pinakita sakin.

"Ang CORNy mo kasi HAHAHA XD"

Natawa ako dahil bumabanat nadin siya. Hahaha

Natapos ang klase ng hindi kame nakikinig ni Den.

Wala kameng ibang ginawa kundi magusap sa notebook.

HAHAHA old school, parang highschool na nagliligawan.

"Alyssa, halik na.. I'm hungry na, nadigest na yung nilibre mong bfast kanina.." sabi nito sa akin at tumawa

"Sa payat mo'ng yan ang takaw mo.." asar ko sakaniya

Where I fell inlove with a Stranger - AlyDen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon