Acceptance

20 0 0
                                    

Acceptance

Naranasan mo na bang magkagusto,
Sa isang taong matagal mo ng gusto maging sayo,
Yung gusto mo lang maging masaya,
Na sayo ngingiti ang mga labi niya,

Pero may salita PERO,
Na lahat may dulo,
Na kahit saang angulo,
Imposibling maging kayo,

Dahil hindi na pala pareho ang tibok ng puso niyo,
Kaya kailangan mong tangapin na ito na ang dulo,
Na sasaya ka kahit wala siya,
At kailangan mo lang gawin ay maging malaya,

Itaas ang kamay na walang dalang problema,
Yung titingin ka sa kanya ng may saya,
Saya na okay kana,
At wala na,

Walang iniisip na iba,
Walang sakit na dinadala,
Walang alinlangan,
Na sarili muna ang ingatan,

Isa sa mga pahina ng puso mo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon