UPUAN

3.5K 50 4
                                    

"UPUAN"

Sa unang araw ng pasukan
lumipat ng walang kinalaman
Na dito pala kita makikita
Sa dinami-dami ng makikilala

Sa loob ng kuwadradong silid-aralan
Malayo ka sa aking inuupuan
Sa isip ko'y hanggang sa tingin na lamang
Pagkat ika'y nagiisa sa parang

Natapos ang taon na hindi kita nakilala
Mga araw na sanay naging kaibigan na kita
Puso ko'y nasasaktan sa nadatnan
Na hanggang kaklase lang ang turingan

Sumunod ang taon sa unang upuan
Puso'y nagalak nang ika'y sa aking likuran
Lumilipad ang puso't isipan
Mga paru-paro sa aking tiyan

Ngunit ako'y nabigla sa iyong ginawa
Upuan ko'y iyong tinatadyakan
Isip ko'y litong-lito
Kung ako ba'y magagalit sa'yo

Ito ang unang araw
Na ang puso ko't isipan ay nagaagaw
Pilit ko mang isipin
Ngunit ayaw ko ring pilitin

Ito ba ay sinasadya mo
Para mapansin ng puso ko
Subalit araw-araw mong ginagawa
Ang pang-iinis at di ako naaawa

Nagdaan ang mga araw at gabi
Nadarama ko sayo ay wala ng silbi
Pagkatapos ng taon ay walang ibang paraan
Na matatapos ang pag-ibig ko sa'yo...

sa UPUAN.

Please dont forget to like and if you want more just comment thanks God bless....

Isa sa mga pahina ng puso mo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon