Chapter 1

7 1 0
                                    

Zionne's 30th birthday is just around the corner and yet she's still unmarried. All this past 10 years puro lang trabaho ang inaatupag niya; tinutupad ang pangarap ng mga magulang niya na nakaligtaan niya ng humanap ng kapareha.

In the middle of this unsolved problem, eh chill lang siya. Walang pake kung makapangasawa o hinde basta maging forever fan ng kanyang paboritong PPop group, ang SV910.

It was late at night. She is in her room. Mag-isang nanonood ng programa sa LED TV habang ngumunguya ng popcorn.

"...Miyembro ng sikat na PPop group na SV910 na si JC Santosidad umaming kasal na sa kanyang long-time non-showbiz girlfriend. Makakapanayam natin..."

Tila nabingi si Zionne ng marinig ang balita kasabay ang pagkalaglag ng popcorn na hawak niya sa sahig habang patuloy na nagsasalita ang host ng isang programa sa TV.

Teka paanong-paanong kasal na siya ni hindi ko nga nabalitaang may gf siya eh.

Dali-dali niyang pinatay ang TV at tiningnan ang mga posters ng idol niya sa dingding ng kwarto niya. Tumayo siya at walang habas na pinagtatanggal ang mga ito. Tinipon niya rin ang mga magazines na nasa front page ang idolo niya pati narin ang solo albums nito na nakalagay sa kanyang bedroom table.

Dinala niya ang mga ito sa terrace ng bahay niya. Gamit ang lighter ay sisilaban niya na dapat ang mga magazine at posters, at isa-isang sisirain ang dvd albums ngunit ng maalala niya kung gaano kamahal ang bili niya sa mga ito ay napahagulgol nalang siya.

Fortunately, walang siyang kapitbahay dahil ang isa ay bakanteng lote at ang isa naman ay wala pang umuokupa ang harap naman ay isang lawa kaya walang makakarinig sa pagdadrama niya. Maliban sa-isa.

Napadaan ang isang guard na naglilibot sa subdivision na kinabibilangan ng bahay niya. Napatingin mula sa baba ang guard at napailing. Kalagitnaan ba naman ng gabi at nagdadrama si Zionne. Nagpatuloy sa kanyang trabaho ang guard.

Kinaumagahan mugto ang mata ni Zionne kakaiyak buong gabi. Naghanda siya para pumasok sa trabaho at nagsuot ng shades para hindi mahalata ang kanyang mata.

Nang lumabas siya sakay ng sariling sasakyan ay nakita niya sa kanyang peripheral vision ang Haus Movers truck na nagbababa ng mga kahon at mga furnitures sa katabi niyang bahay.

Wow magkakaroon na pala ng tao sa malahaunted house na yan isip niya at dumiretso na sa patutunguhan.

Nang makarating sa bankong pagmamay-ari niya ay binati siya ng mga employees na ginantihan niya ng matipid na ngiti.

Nang makarating sa kanyang opisina ay bumungad sa kanya ang tumpok tumpok na papeles sa lamesa. Napahawak na lang siya sa sintido.

"Hays, para saan ba itong paghihirap ko?" tanong niya sa sarili.

Tila nanlulumo siya kapag iniisip na nasa kanya na lahat specifically kagandahan (na siya lang ang nakakaalam) at katalinuhan pero wala parin siyang lovelife hanggang ngayon.

Natatanong niya tuloy sa sarili niya kung masyado lang ba siyang nalugmok sa pagtupad ng pangarap niya noon o masyado lang mataas ang standards niya sa mga manliligaw niya kaya wala siya ni isang naging boyfriend hanggang ngayon.

Sinimulan na niya ang napakahectic na work schedule niya.

After work ay dumiretso agad siya sa bahay niya. Wala naman siyang ibang mapupuntahan. Sarado na ang mga malls at pasyalan ng matapos siya sa trabaho niya at hindi naman siya makapunta sa mga magulang niya dahil nasa Cebu ang mga ito samantalang siya ay nasa Manila.

When she reach her house napansin niyang nakabukas ang ilaw sa ikalawang palapag ng katabi niyang bahay.

Yes! May kapitbahay narin sa wakas. Maghahanda nga ako ng house warming gift para bukas.

Binuksan niya ang kanyang kitchen cabinet at pumili ng isang wine. Binalot niya ito sa gift wrapper at nilagay sa counter ng kanyang kusina para hindi niya makaligtaan bukas. Tila nakalimutan niya na ang kalungkutan niya kahapon dahil sa kanyang celebrity crush.

Kinaumagahan, dumiretso agad siya sa kabilang bahay. (Paalala: Huwag gagayahin kung ayaw makasuhan ng trespassing) Dahil hindi naman nakalock ang gate ay pumasok siya at dire-diretsong pumunta sa veranda.

Napatigil sya bago pa makaabot sa pinto. Hindi ba parang tresspassing itong ginagawa ko? Sa isip-isip niya pero after ng ilang minutong pag-iisip ay dumiretso sya.

Kumatok siya sa pinto na abot tenga ang ngiti.

Bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaki na kasing edaran lamang niya, "Goodmorning miss?" hindi siya sumagot bagkus ay nawala ang abot tenga niyang ngiti kanina at nabitawan ang regalo na nasalo naman agad ng lalaki. Ilang segundo ding nakatulala si Zionne sa kanya at hindi gumagalaw sa pwesto nito. Samantala tila nagliwanag ang mukha ng lalaki ng mamukhaan siya.

"Zionne?" kumurap-kurap si Zionne, "It's been forever! Kumusta ka naman?" dagdag tanong ng lalaki.

Nangunot naman ang noo ni Zionne, "Kumusta your face! After all this years ngayon ka lang magpapakita sakin?! Goodbye!" at dali-dali siyang umalis doon papunta sa sarili niyang bahay.

Hindi niya na ito hinabol pa dahil naiintindihan naman niya ang dahilan ng galit nito sa kanya. Napatingin na lamang siya sa regalo nito sa kanya at binasa ang letter card na nakadikit dito.

"Welcome to your new home, my first ever neighbor!"

Ngumisi ang lalaki, Welcome huh? I think not, at bumalik na siya sa loob ng kanyang bahay.

************************************

Authors Note:

This novel will update every Thursday or Sunday.

If there is any reader of this story, please give me your thoughts. It will help me to improve. Thank you!

If You Only KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon