Chapter 2

12 1 0
                                    

Maaga ngayong nagleave sa trabaho si Zionne upang sunduin ang kapatid sa university na pinag-aaralan nito. When she reach her sister's school ay wala pang dismissal kaya naman tumambay muna siya sa university café at nagbasa ng kabibili niya lamang na nobela habang kumakain ng mocha cake. Ang hindi niya alam ay nandoon ngayon si Haron na kakatapos lamang ng klase dahil isa itong substitute professor dun na nagtatanghalian muna bago dumiretso sa permanente nitong trabaho sa isang ospital.

Nang makita niya si Zionne ay agad siyang lumapit dito, "Can I sit here? Wala na kasing bakanteng upuan" si Zionne na tutok na tutok lang sa nobelang binabasa niya ay tumango lang kaya naman umupo na siya doon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ni Zionne ang ilang kabanata sa librong kanyang binabasa. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaki sa harap niya. Agad-agad niyang niligpit ang kaniyang mga gamit at umalis sa cafeteria. Hindi pa siya masyadong nakakalayo ng hawakan ni Haron ang pulsuhan niya upang pigilan siyang umalis.

"Can you give me a chance to explain?" pagmamakaawa niya kay Zionne.

"You lost your cha-" hindi pa man natatapos ni Zionne ang sasabihin ay dumating na ang kanyang kapatid. Napatingin ito sa kanilang dalawa at napatakip ng bibig.

Agad binawi ni Zionne ang kaniyang kamay at dumiretso sa kapatid.

"O MY~ WHY ARE YOU-" tinakpan niya agad ang bibig ng kapatid.

"It's not what you think we are not in any kind of relationship"

"Are you sure teh? Professor Zhao is so gwapo ang dami ngang estudyanteng nagkakagusto dun pati-ako" at humagikhik ito.

Sumilip si Valerie sa bandang likod ni Zionne kung san nakatayo parin si Haron. When he sees her ay nagwave ito. Kinilig naman ang kanyang kapatid pabalik.

The heck. This freaking sister of mine, ayts. Hinila niya paalis dun ang kapatid while Haron just let them be. Mamaya nalang siguro niya itatry kausapin si Zionne.

While walking towards the parking lot, a thought suddenly comes to Zionne's mind, "How come na Z-zhao ang apelyido niya? Iba ang gamit nyang apelyido dati"

"Wait, matagal na kayong magkakilala? How come?"

"Do you remember my old friend? Haron Lopez?"

"Oh, so sir Haron Zhao and him are one? Siya pala yun? Hindi ko namukhaan ang laki ng ginwapo niya kyaaaaaah"

Binatukan niya ang kapatid dahil sa taglay nitong kalandian, "Tumahimik ka na nga wag mo nang babanggitin ang pangalan nun. Naririndi ako"

Tumahimik nga ang kapatid niya ngunit mukha itong nagpipigil ng tawa. Napailing nalang siya habang hindi maipinta sa inis ang mukha.

"Teh" tawag ng kapatid niya habang binibilisan ang lakad para masabayan ang kapatid niya.

"Ano!" inis niyang tanong ng hindi ito nililingon.

"Sa bahay mo muna ako mag-iistay long weekend naman eh. Babalik din akong dorm by Wednesday"

Sumakay na siya ng sasakyan bago sagutin ang kapatid niya na nakaupo na sa passenger seat ngayon at nagseseat belt, "Sige basta wag mo gawing karaoke bar" at pinatakbo niya na ang sasakyan.

Kinaumagahan habang naghahanda si Zionne ng almusal ay may nagdoorbell. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto dahil inaantok pa siya. Nagdoorbell ulit ang nasa likod ng pintuan.

"Sagleeeet" humihikab na binuksan niya ang pintuan.

"Goodmorning~" pagkarinig nito ay agad nanlaki ang mata ni Zionne at napatingin sa sarili niyang nakapantulog pa. Agad niyang binagsak pasarado ang pintuan.

Punyemas nakalimutan kong kapitbahay ko nga pala ang lalaking yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You Only KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon