Hi! Ako nga pala si Nathalie Tria u can call me "lucky" yung story na to tungkol to sa taong minahal ko ng sobra pero hindi pa rin pala pwede.
Habang nag lalakad kami papuntang canteen ay kanina pa reklamo ng reklamo itong si jhaycee akala mo naman bumabagsak sa math class namin.
"Alam mo ikaw reklamo ka ng reklamo akala mo naman bumabagsak ka doon," singhal sa kanya ni thea.
Jhaycee and Thea is my elem friends hanggang ngayon magkakasama kami kung nasan ako nandon sila kulang nalang sakin sila tumira.
"Lucks san tayo?" Tanong ni jhaycee sakin.
"Ahh wala na naman tayong class after nung math class diba?" Tanong ko sa kanila.
"Oo baket? May balak ka nanaman no?" Sabay pa nila sabi jusko kung meron lang akong kasama iniwan ko na yung dalawa na to eh, daming reklamo sasama din naman sila sakin mga bruhilda ng buhay ko tong mga to eh.
"Mall tayo may bibilhin akong ballpen at notebook." Sabi ko at nag pauna na ng lakad.
Pumayag sila basta libre transpo at lunch, hindi na kasi kami kumain ng lunch sa school alas 2 na den naman sa mall nalang. Nag jeep nalang kami papuntang mall at habang nasa jeep napag pasyahan nilang sa condo ko muna sila matulog dahil exam week na namin next week.
"Kaya ngaaa don nga muna kami sayo para next week di kami pupunta para makapag review!!!" Sigaw nila sakin kahit sana jeep kami minsan nakakahiya kasama tong dalawang to napakaingay.
"Alam niyo nakakahiya kayo kasama ang iingay niyo." Kunwaring inis na sabi ko sakanila.
Nang makarating kami sa mall ay marami ng students ang nagkalat palibhasa friday na kaya maraming tao, ito namang si jhaycee maghahanap daw siya ng pogi.
"Hoy pre wala ka parin bang pinalit kay tobi? 5 years ago na yon sis hanap den aba tignan mo si jhaycee laging hanap ng pogi, galaw galaw den sis," sabi sakin ni thea habang naglalalad kami papasok.
"Meron naman ah siraulo nga lang HAHAHA" sabi ko sakanya.
"Oo nga kaso hindi mo naman minahal yon tas sinaktan ka pa, saka diba hinahanap mo si tobi? Ano update? Wala paring lead?" Usisang tanong niya.
Oo hinanap ko siya kahit wala akong lead sakanya, after 5 years hinahanap ko parin yung taong magpasaya sakin, siya si tobi yung taong minahal ko ng sobra.
"Wala eh tinutulungan naman ako nila kuya pero minsan hinahayaan ko na tagal na din naman yon eh," sagot ko sakanya.
"2 years gap niyo diba? Edi 3rd year college na siya?" Biglang sulpot ni jhaycee nasa tabi ko na pala siya.
"Oo bali dalawang taon nalang may attorney na parents niya," ngiting sabi ko sakanya.
2 taon nalang matutupad niya na yung pangarap niya, 2 taon na lang atty na yung taong sinusuportahan ko. Kamusta na kaya siya? Kamusta na sila nung babaeng minahal niya ng sobra? Sila pa ba? If sila pa masaya ako para sa lalaking mahal ko.
"Hoy lutang ka na naman kanina ka pa namin tinatawag, lika na kakain na tayo," hatak sakin ni thea.
Wala na, siya ulit yung laman ng isip ko hanggang sa matapos kaming kumain. Inaya ko sila sa oxygen para bumili ng tshirt at makakapal ang mukha gusto nila sila den.
"Tenchuuu ms. Naths thankyou in advance para sa tteokbokki ang soju later," sabi pa nila.
"Alam niyo kung meron lang talaga akong makakasamang iba di ko na kayo sinama," singhal ko sa kanila.
Habang naglalakad kami tinanong ni thea yung dati kong friends...
"Hindi na kayo nagkaayos?" Tanong niya