After nung nangyari kagabi ay natulog nalang ako at gumising ng maaga. Pag gising ko wala si kuya kwarto baka kay bhie natulog. Bumangon na ako at naligo at nag ayos ng damit sa bag uuwi muna ako sa lamao ayoko munang makita si kuya baka mag talo lang kami.
After kong maligo at mag ayos ay gising na si mame hindi ko na siya kaylangang gisingin para mag pahatid. 8:30 na pala kaya pala gising na siya may klase pa siya ng 9:30 kaya papagatid muna ako bago siya pumasok sa school niya papasundo den ako mamayang hapon sa kanya.
"Oh aano ka?" Tanong niya ng pumasok siya sa bango at nakita akong nag aayos sa harap ng salamin. Gulo gulo pa buhok niya.
"My hatid mo ko sa lamao sunduin mo nalang mamayang gabi." Sabi ko sakanya saka kinuha yung bag ko saka wallet saka lumabas para makapag ayos siya nag lagay akong earphones at nag patugtog.
Pag baba ko nasa baba sila ben at kuya. Gising na pala siya. Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo sa sa storage para kumaha ng tinapay.
"Morning ben," sabi ko nang nakabalik sa lamesa at kumuha ng palaman sa ref.
Habang nag lalagay ako ng palaman may napansin akong nakaupo sa sofa kaya tinignan ko kung sino siya, si bhie pala. Himala gising na si bhie ha.
"Aano ka bhie?" Tanong niya ng mapansing may bitbit akong bag.
"Sa lamao ayoko dito iba atmosphere," pabalang kong sagot saka naupo sa tabi niya.
"Doon ka matutulog?" Tanong niya kumagat sa tinapay ko.
"Hindi susunduin niyo ko mamayang gabi." Sabi ko habang nag babasa ng message sa gc namin nag kakagulo pala sila don kagabe.
"Ahh gege" sabi niya lang.
Hinihintay ko si mame apaka tagal. Nang makababa siya ay lumabas na agad kami.
"Sama ka bhie?" Tanong ko habang nag susuot ng tsinelas. Tumango siya saka kumaha ng hoodie.
Umalis agad kami dahil may klase pa si mamae habang nasa byahe ay tinanong ako ni mame kung ano oras ako susunduin sabi ko mga 6 ganon.
Nang makarating kami kala tita ay umalis na den sila agad kaya naiwan ako kumain muna ako ng breakfast kasabay nila lola saka ako pumunta sa kwarto at natulog muna pag gising ko 1pm na, lumabas ako ng kwarto nadatnan ko sila nasa sala nanonood ng tv si lolo tulog daw sa kabila.
"Kumain kana dyan, apo ko." Sabi ni lola.
Kumain muna ako bago ako umupo sa tabi ni lola. Nakikinood.
"May pera ka pa apo?" Tanong ni lola bigla sakin kaya napatingin ako sakanya.
"Opo la meron pa naman." Sabi ko saka nanood ulit, bigla siyang tumayo saka pumasok sa kwarto nila ni lolo. Lumabas sila tita para pumunta sa kabila.
Pag balik ni lola may dala ng wallet. "Oh dagdag mo sa pera mo next week pa kami uuwi nila mo doon muna kayo sa bahay ha," inabutan niya ako 3k.
"Lola itabi niyo muna yan may pera pa po ako, saka may pinatabi pa pala kayo kay mame." Sabi ko matigas ulo neto eh sinabi ng may pera pa ako.
"Itabi mo na to apo, nasaan ba ang bag mo?" Hinanap niya ibig sabihin wala na akong magagawa siya yung mag tatabi sa bag ko apaka tigas ng ulo.
Matapos naming manood ay lumabas na kami nakita ako ni lexi my little cousin.
"Ate naths why are you here? You should not leave our house the robber might get pasok and get all of my toys." Sabi niya pa.
"No, the robber will be in jail if they do that, and may tao sa house natin safe yung toys mo." Sabi ko saka siya inupo sa lap ko.