"Ano ayos ka lang?" Tanong saakin ni kuya hans ng makabalik ako sa table namin, tinanguan ko lang siya hindi na ako umiiyak ngayon inayos ko nalang yung sarili ko para hindi mahalata nila ate justine.
"Oo, sadyang kaylangan ko nalang talagang pakawalan yung past at mag simula ng panibago ngayon." Sabi ko, tumango lang naman siya saka pinagpatuloy yung paglalaro niya.
Siguro nga kaylangan ko na muling buksan ang puso ko para sa iba. Oo masyado akong bata para sa ganto pero hindi yon naging hadlang para magmahal ako tawagin man nila akong malandi or what atleast alam ko sa sarili ko na masaya ako at gusto ko to, hindi naman ibig sabihin na bata ako hindi ko maiintindihan yung mga bagay na ganto dahil hindi ako ganon mag isip pinanganak na nga akong bukas ang isip dahil lahat ng bagay naiintindihan ko kahit nung murang edad pa lang ako.
Yung relationship namin para sakin sobrang perfect kung papipiliin ako if gusto ko bang balikan lahat ng memories at gawin lahat ng pinangako namin sa isa't isa o tuluyan ko na itong kalimutan? Mas pipiliin ko pa ring balikan at gawin lahat ng yon kase alam ko na kapag balikan at ginawa namin ng sabay at magkasama yon mabubuhay kami ng masaya at punong puno ng pagmamahalan. Isa sa pinaka magandang pangako niya ay noong sinabi niya saakin na "mahal one day kapag may trabaho na tayong dalawa at hindi na tayo gipit sa pera at tama na ang panahon para satin papakasalan kita, pangako ko yon sayo. Kase isa yon sa dream mo before your intern right? You want to get married before your internship so hintayin natin ang isa't isa pangako ko papakasalan kita. Hihintayin kita sa bawat tapos ng segundo minuto oras buwan taon pa yan pero isang bagay lang ang pinaka worth to wait na gagawin ko? Yung paghihintay ko kaso sa harap ng altar. Hihintayin kita hanggang sa mapunta ka ulit saakin at sabay tayong manunupa sa harap ni lord. I can't wait to marry you mahal, mahal kita sobra sobra ikaw yung babaeng papakasalan ko pangako." Yan yung pangako niya na sobrang labo ng mangyari, yan yung pangako niyang gusto kong mangyari pero mapaglaro ang tadhana at hindi niya pinayagan pero ayos lang malay ko bang meron dadating na mas worth it sakanya hindi man niya natupad pero alam kong masaya siya para saakin. Mahal salamat sa lahat ng support,care and love na binigay mo saakin, pero hanggang dito na lang tayo. Be happy i will love you until then.
Hindi naman sa lahat ng bagay kasama ko siya tulad ngayon malabong ng bumalik kami sa dati, simula nung araw na natapos ang lahat saamin hindi na nawalan ng what if's yung utak ko. What if hindi ko siya nakilala? What if hindi ako pumasok sa school na yon magiging maayos kali ang buhay ko? What if hindi kami nag kita hindi ko siguro mararamdaman yung gantong sakit ano? There's so many what if's in my mind pero mananatili siyang what if pero kahit kailan hindi ako nag regret hindi ko niregret na minahal ko siya kase kusa ko siyang minahal sadyang minahal talaga siya ng puso ko.
Natapos lang yung guni guni ko ng may biglang sumigaw ng pangalan ni mika. Tinignan ko kung sino yon putangina si ser at maam pa bakit ba laging magkasama yung dalawang to? May pandemic nat lahat lahat ampt.
"Kuya c.r lang ako," sabi ko tumango lang siya saka ako pumunta sa c.r. Pag labas ko nandon na sa table sila ate tine nakatake out yung food i mean konti lang eh chao fan siguro yon.
"Oh bakit naka take out?" Tanong ko nung makalapit.
"Ahh nagkaayaan silang lumipat ng greenwich so namili lang kami ng chao fan saka SHANGHAI ni HANS,"sinigaw niya pa yung shanghai e nakakahiya tuloy pinagtinginan kami.
"Oo na oo na tara na ingay mo," pagmamadali ko sa kanila dahil lahat ng tao nakatingin kay tine.
"Gaga pag tingin ko kase sa card na hawak ko nathalie so it means card mo yung pinangbayad ko sa shanghai niya puta." Gigil na sabi ni tine kaya napatingin ako kay kuya hans i gave him a what-the-heck look ngumisi lang naman siya tapos nung natingin ako kala mika saktong nagtama yung tingin namin ni ser kaya nanlaki yung mata niya saka bitaw sa kutsarang may halo halong hindi niya nasubo.