16

153 15 41
                                    

It was a tiring day for the both of us. Ang daming estudyanteng nakapila kaya inabot kami ng siyam-siyam sa pagpapasa palang ng documents. Halos mag-aalas tres na din ng hapon nang matapos kami.

"Kailan sched mo ng exam?" tanong ko agad kay Argel nang makalabas kami. "Feb 21, 9-11AM."

"Nice, same tayo!" I'm so happy.

Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad. Tirik na tirik ang araw kaya siya 'yong may hawak sa payong.

"Gutom na 'ko buuun," angal ko.

"Sa'n mo ba gustong kumain?"

"Kahit saan." Napailing naman siya sa sinagot ko. "Buohin mo isip mo, 'yan ka na naman."

I pouted, he's being cold na naman sa'kin. Ang moody talaga ng lalaking 'to. "Kahit saan nga, hindi na ako mag-iinarte since gutom na talaga ako."

Ang ending, kumain kami sa karinderya. Okay lang naman sa'kin dahil makakatipid kami.

"Sa'n tayo pagkatapos nito?"

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. Punong-puno 'yong bibig ko ng pagkain e. Nagulat naman ako nang kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko. "Ang amos mo kumain kahit kailan."

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Sinagot ko nalang 'yong una niyang tanong. "Tinatamad ako gumala ngayon e, gusto ko matulog."

"Pagod 'no?" Tumango lang naman ako. Nakakadrain ng energy talaga.

After naming kumain, naglakad na naman kami sa initan. Sumakay kami ng jeep at sumiksik naman ako sa tabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya para makatulog at sinuotan ang tenga ko ng earphones.

Days passed that turn into weeks, wala namang masyadong naging problema sa no label relationship namin ni Argel. Halos lahat ng kaklase ko, kinukwestyon kung ano ba talagang meron sa'ming dalawa- but we chose to stay silent.

Wala namang bago sa mga kaganapan, nakikinig lang ako sa mga lectures and discussions then pagka-uwian ay nagpapirma naman ako ng attendance sa adviser namin. Ang tropang lakad ang kasabay ko sa pag-uwi. Hindi na nga lang kami kumpleto kasi si Bernard at Joy busy sa choir. While si Peter naman, hindi na nakakasabay gawa nang hinahatid niya pauwi 'yong nililigawan niya- the girl from ABM named Deedrae sa pagkakatanda ko.

"Nakakamiss naman umuwi ng kumpleto tayo." Pagrarant ni Charles.

"Pa'no ba 'yan? Magiging third wheel ka na kina Bea. Starting na ako sa work bukas, 'di na din ako makakasabay pauwi," pagkukwento ni Janjan. Mas lalo namang nagtampo si Charles. "Wala na din pala akong kasama mag LOL."

"Anong work 'yan Jan?" tanong ko.

"Sa comshop lang Bea," sagot naman nito.

Dahil na rin sa conflict ng schedules, hindi na kami nagkakasabay sabay umuwi. Si Argel nalang lagi ang nakakasama kong maglakad, since si Charles ayaw maging third wheel sa'min- mas napapalapit siya ngayon kina CJ at Ryu.

"Arat inom Bea?" pagyaya ni Ekang sa'kin. Kakatapos lang namin magsulat ng lectures sa CPA.

"Pass muna ako, kailangan ko mag-aral for entrance exams. Malapit na din kasi 'yon." Pagtanggi ko. Tumango lang naman ito sa'kin at inakbayan si Aviel.

"Ikaw 'Viel? Sama ka na, inom!" ani Ekang.

"Ipagpahinga mo naman atay mo 'Kang, baka magkasakit ka na niyan kakainom mo." Pinagsabihan siya ni Aviel. Hindi nalang tuloy nagsalita si Ekang at naglaro nalang sa cellphone niya.

He Was Never Yours To Begin With (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon