18

145 15 71
                                    

Gusto kong bumangon sa pagkakahiga pero hindi naman nakikisama ang katawan ko. Sobrang hilong-hilo ako ngayon at pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Masyado ko yatang napabayaan ang sarili ko, paano ba naman ang dami naming inasikaso since graduating students kami. Ang daming activities, exams, mga ipapasang term papers and research tapos mga performance tasks pa na laging pasakit sa buhay ko.

"'Nak, gising na. Recognition ngayon ng kapatid mo, sumama ka." Pangigising ni mama sa'kin. Mas tinalukbong ko lang ang sarili ko ng kumot. "Ma, masama pakiramdam ko."

Chineck ni mama ang temperature ko. Alalang-alala naman 'to nang kapain ang noo ko. "Nilalagnat ka, ang init mo."

Wala na ako sa mood magsalita kaya pinahinga ko nalang ang sarili.

"Ipinagbilin na kita, papasalubungan ka nalang namin."

Tumango na lang ako dahil wala na akong lakas para magsalita pa. Narinig ko namang nakaalis na sila mama at papa kasama ang kapatid ko. Excited pa naman 'yon dahil top 1 siya. 

Ilang oras na din ang nakalipas nang umalis sila. Sa totoo niyan, nahihirapan akong matulog. Papalit-palit ako ng pwesto kasi init na init ako sa pakiramdam ko. Idagdag pa na nagugutom na rin ako pero wala naman akong lakas para bumangon at magluto.

Jusko naman! Para naman akong baby damulag nito.

Kahit hirap sa pagtulog, pinilit ko ang sarili sa pamamagitan ng pagpikit. Tumalab naman ito para makapagpahinga ako ng maayos. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog, basta nagising na lang ako kasi may tumatawag sa pangalan ko.

"Bea.."

Todo ang katok nito sa gate namin. Kaya kahit tamad na tamad akong pagbuksan ang kung sino mang nasa harapan ng bahay namin ngayon ay ginawa ko pa din. Balot na balot ako ng kumot no'ng nilabas ko siya. Sinisipon din ako kaya malamang ang pula-pula ng ilong ko.

I look terrible! Grrr!

"Aviel, ba't ka andito?" takang tanong ko. Bago niya pa ito masagot, nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Umupo siya sa sofa at nagtanggal ng sapatos.

"Tumawag ang mama mo kay Nishi, ipinagbilin ka. Kaso ngayon siya magpapasa para sa college admission sa UST kaya pinakiusap sa'kin ni Nishi na ako nalang ang mag-alaga sa'yo."

Ang haba naman ng paliwanag niya. Hinayaan ko nalang siya sa sala kaya bumalik na 'ko sa kwarto ko't humiga. Nagtalukbong din ako ng kumot dahil inaantok na 'ko. Nakakairita na nga dahil kanina pa ako bahing ng bahing.

"Kumain ka na?" tanong niya at pumasok sa kwarto ko. Kagaya ni mama, chineck niya din ang temperature ko. "Init mo oy."

Tinarayan ko nalang siya at pumikit. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na naman ako. Kaso, pinabangon ako saglit ni Aviel para mas maayos niyang mapunasan at madampian ng maligamgam na tubig ang katawan ko. Hindi na rin naman ako nag-inarte kaya hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon. Nilagyan niya din ako ng bimpo sa noo ko. Somehow, it helped para gumaan ang pakiramdam ko.

"Matulog ka lang jan, magluluto na muna ako." Seryosong sabi nito kaya umalis na siya ulit. Kahit hindi niya naman sabihin, talaga namang tutulog ako dahil ang sama pa din ng pakiramdam ko 'no.

"Madam, kakain na."

Marahan nitong tinatapik ang mukha ko. Nagtalukbong naman ako ng unan. 

"Viel masakit nga ulo ko, ayaw."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Panigurado, nagtitimpi na lang ito sa'kin. "Para nga makainom ka na ng gamot, dali na. Favorite mo 'to oh, ramen."

He Was Never Yours To Begin With (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon