Father and Son

9 4 0
                                    


"WHERE'S DAD!?"

umalingawngaw ang boses ni Rios sa buong mansyon sa lakas ng boses nito habang papasok ito sa loob.

"Nasa kwaeto nya po sir, nagpapahinga"

Mautal-utal namang tumugon ang kasambahay ng mansyon. Umalis kaagad si Rios sa sala at nagtungo sa kwarto ng ama. Walang pasintabi nyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng kanyang ama at bumungad sa kanya ang nagsasayaw na babae habang tuwang-tuwa naman ang amang pinapanood ito.

"So ito na pala ang tinatawag nyong pahinga"

sabi ni Rios sa kanyang ama. Agad namang nagbihis ang babae tyaka tumakbo papalabas ng kwarto.

"Hey, son. How many times do i have to tell you that you should knock on the door first"

masayang pahayag pa ng kanyang ama habang nagsisindi ito ng kanyang sigarilyo.

"where did you take her?"

Seryosong tanong ni Rios sa kanyang ama habang nakasandal ang likod nito sa headboard ng kama.

"What are you talking about son"

Parang walang alam ang kanyang ama kung magtanong ito sa kanya. Alam naman nya kung sino ang tinutukoy nya.

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. KAYA SABIHIN MO KUNG SAN MO SYA DINALA DAD!"

Sigaw ni Rios sa kanyang ima, bigla naman napatigil sa paninigarilyo ang kanyang ama at matulin itong nakayingin kay Rios na animoy gusto nya na rin patayin ang sarili nitong anak.

"Hindi kita pinalaki ng bastos kong magsalita. Sumama sa iba ang iyong Ina at hindi ko na kaya pang pigilan ang kanyang nais"

Tugon ng kanyang ama. Hindi naniwala si Rios sa sinabi ng kanyang ama, marami syang nalalaman sa ukol sa mga masasamang balak nito sa mga taong inosente at kahit ang ina nito ay alam nyang itinabuyan ito nung sya ay sanggol pa lamang. Ang tanging hangad lamang ng kanyang ama ay magkaroon ng anak na lalaki kaya nya pinakasalan ang kanyang ina ng sa kadahilanan na may maipapasa sya sa kanyang trono.

"I swear hindi mo magugustuhan ang aking nais pag nalaman kong kagagawan mo kaya nawawala si mommy"

Banta nito sa kanyang ama at umalis ito sa silid ng kanyang ama na animoy galit na galit. Tinawagan na lang nito ang kanyang matalik na kaibigan upang magkita sila sa dati tagpuan ng tropa.

Tanaw na tanaw ng kanyang ama ang papaalis na sasakyan ng anak tyaka tyaka nya pinulot ang baso nitong nasa side table at itinapon sa pader ng kanyang kwarto.

"Bwisit!"

Sigaw nito, hindi maisip ng kanyang ama kung pano nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa buhay nyang pang ina. Noon sanggol pa lamang ito ay ipinaalala nya palagi sa kanyang anak na wala na ang kanyang ina ngunit nagulat na lamang sya ng maitanong ng kanyang anak ang tungkol rito. Nag isip-isip muna ang kanyang ama bago kumilos upang pagtakpan ang kanyang di kanais-nais na ginawa.

Nakarating agad si Rios sa kanilang tambayan, pagkapasok nya sa loob ng bar ay agad nyang nakita ang kanyang mga kaibigan na nag aantay sa kanya sa isang tabi. Agad naman nyang nilapitan ito at nakipag fist bump sa mga ito.

"Pare matanong ko lang hah. Nag away na naman ba kayo ni tito nuh?"

Tanong ng kanyang matalik na kaibigan na si Louis

"Kailan ba nagkakabati ang mag amang yan, kulang na lang magpatayan sila pag nagkikita"

Sabat naman ni Timothee na nagsi-cellphone sa gilid.

"Nakakahiya naman sayo pre, ikaw nga walang ginawa kundi sakit ng ulo sa magulang mo"

Sabi naman ni Louis at ininom ang alak na nasa baso nya.

"Bakit nga pala tayo nandito pare?"

Tanong ni Louis kay Rios matapos uminom ng alak.

"I need all your help"

Sabi ni Rios sa mga kaibigan nya.

"What kind of help pre?"

Tanong sa kanya ni Timothee.

"I need to find my mother before dad know my plan"

Wika naman ni Rios sa kanya at uminom ulit ng alak.

"Where can we find your mom? sa lawak ng Pilipinas ang hirap hanapin si tita, pano kaya kung i-track natin yong cellphone ng mama mo"

Tanong ni Louis sa Rios at nakipag cheers pa rito ng alak.

"G*go pre nagawa mo pang magbiro, umuwi ka na lang kung wala kang maiambag rito, nakikisawsaw ka lang samin"

Natawa na lang si Louis sa inasta ni Hero.

"Tama naman ako ah, nagprovide na nga ng paraan ayaw nyo pa"

Reklamo naman ni Louis sa sinabi ni Timothee

"Kung di ka naman kasi b*b* pre, pano natin mata-track ang phone ng mama ni Rios kung wala silang contact sa isa't isa. Sa tinagal ng nawala si tita tingin mo may communication sila"

Sabi ni Timothee sa kanya.

"Oo nga nuh. Anyways, i can help you find your mom basta pare alam mo na yong kapalit kapag ako nakahanap sa mommy mo"

Sabi ni Louis kay Rios na ngayon ay itinaas ang alak sa ere, sign na umaprove si Rios sa gusto ni Louis.

"Mukha kang pera pre!"

sigaw naman ni Timothee kay Louis at binatuhan ito ng mani na nasa mesa.

"Money is life bro"

Sagot naman ni Louis sa kanya at binatuhan rin ito ng mani. Maya't maya ay may nagsidatingan na mga girls.

"Hey boys wanna have fun tonight?"

Malanding tugon ng isang babae na nakapink na tube at nakasuot ng pekeng pekeng short

"We are free anyway basta kayo yong magpapasaya samin tonight"

Malanding sabat naman nung isang naka blue na tube at pare-pareho lang ang suot nilang mga shorts na sobrang iksi.

"Hey sluts we dont need one, kaya pwede ba umalis na kayo bago ko pa kayo ibigay sa mga bouncer"

Matalim na nakatingin si Bright sa nakapink at agad naman itong natakot sabay karipas ng alis.

"Sayang gwapo pa man din tapos ang sungit"

Sabi nung babae tatabi pa lang sana sa kanya pero dahil sa takot ay agad rin silang umalis.

"Wow bro nagbago ka na!"

Sigaw ni Hero at inakbayan pa ang kanyang kaibigan. Bumalik na ulit sa pagbabasa si Bright ng libro at hindi na pinakinggan ang puri ng kaibigan nya.

Nagtuloy-tuloy lang sa pag uusap ang magto-tropa habang ng i-enjoy sa pag iinom ng inorder nilang alak. Nagbigay na rin si Rios ng pabuya sa makakahanap sa kanyang ina na matagal ng nawawala, may kutob kasi si Rios na nandito lang ang mommy nya pero tinago ng kanyang ama kaya hindi nya ito makita sa kung saang lugar ito naroroon. Tatlong oras silang nasa bar at nagku-kwentuhan lang sa isang private table, tanaw na tanaw nila ang lahat ng tao sa kanilang kinaroroonan. Sa kanilang magkakaibigan katangi-tanging si Von lamang ang madalas na magsalita sa kanilang lahat pero lagi itong kasama sa tropa pero hindi mo sya makakausap ng matagal. Siguro iilang words lang ang lalabas sa bibig nya at most of all lagi lang itong nakatango pag kinakausap.





__________________________________________________________________________________

>Support me! #Godblesstoall
> share/comment/vote
>THANKS!

Amor A Primera Vista (Love At First Sight) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon