Growing up ganon at ganon ang ginagawa nila sa kapatid ko, bugbog, sampal, sabunot dumating na nga yung times na kinukulong nila sa kwarto si nyny at di pinapakain.
Gusto ko man siyang tulungan wala den ako nagagawa bata lang den ako non at takot din ako mapagalitan.Year's past.
Syempre sabay kami nagdalaga ni nyny 19 yrs old na kami pero ako lang pinag aral ng parent's namin. Pero tinuturuan ko naman siya pag uwi ko ng bahay kaya alam niya den mga lesson's sa school ko.
Oo may little space si nyny at her age ang utak niya na sa mga 10 nag mamatured siya kahit papano pero matalinong bata siya. Narerecite nga niya ang ibong adarna sa harap ko at siya den ang tumutulong sa algebra na subject ko (basta yung lang college na algebra ganon).
Isang beses nga siya sumagot ng test paper ko pwede kasi namin iuwi un para reviewhin tapos nilagyan niya ng sagot gamit ang pencil kaya pagdating sa school binakat ko na lang ng ballpen, take note naka 100 ako sa exam dahil sa kanya.Mahal ako ni nyny kahit lagi siyang nasasaktan ng magulang namin ng dahil sakin. Basta Ok ako, ok den daw siya.
*****
Isang araw naabutan kong umiiyak si nyny tinanong ko siya anong nangyari.
Harley:nyny what's wrong why are you crying?
Harmony : kasi d-daddy p-paso me dun sa s-stove.
She cried silently ng maabutan ko siya then i saw her hands grabe ang paso sa kamay niya at nanginginig na siya habang umiiyak. Ng biglang may narinig akong sumisigaw at daddy namin yun.
Daddy: ANONG KARAPATAN MONG KAUSAPIN ANG ANAK KO?! ANONG KARAPATAN MONG DIKITAN SIYA?
At pinalo niya ulit si nyny, oo Hindi kami pwede mag usap o mag sama ni nyny palihim kaming naglalaro at nag uusap dalwa kapag wala sila mom and dad.
Harmony : t-tinatanong l-lang p-po ako ni l-lyly daddy.
Umiiyak at hagulgol na saad nito makikita mo ang takot at sakit sa mukha ng kapatid ko, pero nagulat ako sa sumunod na nangyari na ginawa ng daddy ko, binuksan niya ang stove at nagpakulo ng mainit na tubig, ng makulo yon ibinuhos niya yun sa buong katawan ng kapatid ko.
Ang mainit na tubig.Namilipit sa sakit ng katawan ang kapatid ko lalo siyang umiyak pero this time wala na siyang sounds.
Hindi pa don nakuntento ang daddy namin, Sinabunutan at kinaladkad pa siya papuntang kwarto at doon ikinulong niya si nyny sa cabinet.Wala nananaman akong nagawa para sa kapatid ko sobra akong naaawa sa kanya pero ang awa ko laging sa luha lang napupunta. Kailan ba ako magkakalakas ng loob para ipagtangol siya? Wala siyang ibang ginawa kundi protektahan ako pero ako ni hindi ko man lang maprotektahan ang kapatid ko.
Lumipas ang ilang araw matamlay na si nyny wala siyang gana kumain kahit anong pilit ko, malaki na den ang pinayat niya.
Naiisip ko baka sa mga sugat niya kaya wala siyang gana, sariwa pa kasi ang karamihan dito.Isang gabi habang wala sila mom and dad eh pumunta ako sa kwarto kasama si nyny at kinausap ito.
Harley: nyny aalis muna si lyly ah (habang nagliligpit ng mga damit).
Mag babakasyon kasi kami ng boyfriend kong si ion kasi mag anniversary na kami Pangalawang taon na namin bilang magkasintahan.
Harmony : san punta lyly? (inosenteng tanong nito).Harley: magbabakasyon kasama si ion kilala mo siya diba? Si daddy ion mo.
Daddy ion pagpapakilala ko sa kanya naging baby na din naman namin siya ni ion eh. Oo dalwang taon na ako may nobyo pero kahit kailan hindi nalaman ng magulang ko tanging si nyny labg ang nakakaalam at tanging may alam sa buhay ko.
Harmony : pwede sama nyny? (pag mamakaawa nito).
Harley: sorry nyny anniversary kasi namin ni ion eh, babawi na lang si lyly sayo ano ba Gustong pasalubong ng baby ko?
Harmony : chocolate (ngiting sabi nito).
Harley: sige pag uwi ni lyly may chocolate si nyny.
Harmony : yeheeey lyly loves me. (tuwang sambit nito).
Inantay ko na muna na makatulog siya bago ako umalis ng bahay. Sa totoo lang ayoko siya iwanan natatakot ako sa pwede mangyari sa kanya.
****