ION'S POV.
Nakatulog na si harley sa balikat ko kakaiyak dahil sa kapatid niya, well sino bang hindi araw araw ganon ang nakikita niya sa bahay nila kung ako yun baka nga na trauma na ako.
Pero iba tong kambal na to ang tibay matatag sila well siguro ganon talaga kapag kambal matatag kapag lagi magkasama.(tok tok tok).
Ion: o mom ano po ginagawa niyo dito?
Mom: tulog naba si harley anak?
Ion: kakatulog lang po mom bakit may problem po ba.
Mom: need ka namin makausap ng daddy mo.
Ion: s-sige po sa labas na lang po baka po kasi magising yung kambal.
Mom: o sige anak tara don tayo sa kwarto namin ng daddy mo.
Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba sa puso ko.
Ion: mom dad ano po ba ang problema?
Dad: anak si harmony.
Ion: A-ano pong problema kay harmony?
Dad: Madami dugo ang namumuo sa katawan niya mahina na din ang mga organs niya kaya nawawalan sya ng gana.
Mom: kailangan CT-scan siya para makita ang damage sa buong katawan niya. Base kasi sa x-ray na ginawa ng daddy mo kanina eh may bali ang buto niya sa tagiliran at doon den ay may pagdudugo si harmony.
Dad: kailangan mo sabihin ito sa GF mo anak hindi ko kaya ipangako na mabubuhay si harmony, sa tindi ng palo at bugbog sa kanya hindi ko alam kung kakayanin ba niya.
Hindi ko alam na ganon na pala kalala ang kalagayan ni nyny kaya pala di na siya masyado kumakain ay dahil hindi na niya ito kaya lunukin at hindi na din tumatangap bg pagkain ang katawan niya. Lalo akong naawa sa kakambal ni harley hindi ko na din napigilan ay tumulo na ang luha ko mahal na mahal namin ni harley si harmony hindi ko den siya kaya mawala.
Harley's POV.
Naalimpungatan naman ako ng may narinig akong umiiyak na tao, kaya bumangon ako akala ko si nyny hindi pala, nakita ko naman bukas ang banyo kaya sinilip ko at don nakita kong umiiyak si ion.
Harley :babe may problema ba? Bakit ka umiiyak?
(agad naman niya pinunasan ang luha niya).
Ion: babe we need to talk, tara don tayo sa verandah.
Harley: s-sige.
Dumiretso naman kami sa may verandah, bakit ako nakakaramdam ng kaba bakit parang may Mali.
Harley : babe what's wrong? Bakit ka umiiyak kanina? Is it about harmony? Or me?
Ion: is it about your sister, babe malala na pala ang sakit ng kapatid mo kaya daw hindi siya kumakain ay dahil ayaw ng Tangapain ng katawan niya ang pagkain. Pinipilit lang niya kumain pero tuwing kakain siya nasasaktan siya dahil sira na lahat ng organs niya dahil sa pambubogbog ng tatay niyo sa kanya.
Base din daw sa x-ray eh may nabaling buto sa kanya at meron din siyang malalang pagdudugo sa loob ng katawan niya. Kailangan niya CT-SCAN bukas para makita kung ano pa ang nagdudugo sa kanya at kung gaano ka grabe ang damage ng katawan niya.Halos manghina ako sa nalaman ko p-pano na yung kapatid ko papano na siya, ayoko ayoko pa siya mawala ngayon ko lang naipaparamdam ng husto ang pagmamahal ko sa kanya.
Harley: b-babe ba-bakit ganon kawawa naman yung kapatid ko wala siyang kasalanan bakit niya kailangan pagdusahan yon. (paghagulgol ko at niyakap naman ako ni ion para i comfort).
Harmony : wag na kayo iyak nyny will be fine.
Harley : nyny bat ka bumangon di mo pa kaya. (agad na saklolo ko sa kanya. Tumingin ito sakin at ngumiti).
Harmony : lyly i want to see a moon can i stay here?
Harley: o-o: course baby halika aalalayan ka namin. (pinaupo naman namin siya ni ion sa parabg swing na upuan doon, at doon pinagmasdan niya ang maganda at maliwanag na buwan).
Harmony : lyly tabi ka kay nyny please. (nanghihinang tugon nito).
Tumabi naman ako sa kanya, at sinuklay suklay ang buhok niya, gusto niya kasi yon kapag nanonood o tinititigan niya ang buwan.
Harley: nyny mahal na mahal kita.
Harmony : nyny loves you too lyly.
Lyly, aalis na ako. Makikita ko na yung buwan ng malapitan. (nakangiti na saad nito).Nilagay ko ang ulo niya sa balikat ko at hinaplos haplos ko naman ang buhok nito.
Harley: nyny kung pagod kana pwede kana magpahinga. (umiiyak na sabi ko dito) alam mo sa pupuntahan mo wala ng mananakit sayo, wala kana sakit na mararamdaman don, doon malaya ka magiging masaya ka don. Wag mo isipin si lyly nandito naman si daddy ion mo eh he will take care of me. Magpahinga kana baby ko.
Habang sinasabi ko yun nakaramdam naman ako ng patak na luha mula sa kapatid ko. At doon, naramdaman ko na unti unti na siyang bumibitaw sa kamay ko.
I can't help it but to cry ganon den si ion.atleast kahit papano nasabi at naiparamdam ko sa kapatid ko na mahal ko siya hangang sa huling hininga niya.
Rest In Peace My HARMONY.