Chapter Two

65 2 1
                                    

EVERY breath you take… Every move you made… Every bond you break, every step you take, I’ll be watching you…

Tila nangilo ang buong kalamnan ni Yanno dahil sa awiting na tila pumapailanlang sa paligid. That can’t be true. Hindi niya gusto ang kanyang iyon. Saan nanggagaling iyon?

Pabigla siyang bumangon kahit pa hindi niya magawang maidilat ng husto ang mga mata.

Oh, can’t you see? You belong to me…

What the heck was that?

Sa loob ng kanyang silid nagmumula ang tunog kaya naman ipinilig niya ang ulo hanggang sa maidilat na niya ang mga mata. Bumaling siya sa side table hanggang sa makita niya ang umiilaw na handphone. He picked it up and stared blankly at it. Doon nagmumula ang tugtog. And it was his fucking ringing tone. Fucking Every Breath You Take.

Kailan pa nangyari ito? Kailan pa siya nabaliw at pinalitan ang kanyang ringing tone sa stalker-like music na ito?

Nang tuluyan siyang makapag-focus at makita na ang kasintahang si Eloisa ang tumatawag sa kanya ay sinagot na niya ang tawag.

“Surprise!” ang mataginting na tinig ni Eloisa hindi pa man nakapagsasalita si Yanno.

“Hi, sweetheart,” he cleared his throat.

“You’re surprised aren’t you?” punong-puno ng sigla ang tinig ni Eloisa. “I’ve changed your ringing tone. I love that song. I think it fits us perfectly. It will be your ringing tone kapag ako ang tumatawag sa’yo. You love it, don’t you?”

Napanganga si Yanno. Buong panggigilalas na tiningnan niya ang screen upang tiyakin kung si Eloisa nga ba ang tumatawag sa kanya.

“I… I… love you, sweetheart,” sa huli ay iyon lamang ang kaya niyang sabihin.

“Oh, I love you, too. By the way, sweetheart, I’d like to tell you na hindi ako matutuloy sa pagpunta ng Kanaway tomorrow. Sa weekend pa ako totoong makakarating. May deal ako na kailangang i-close. I know you understand. Right?”

He nodded despite the fact that she’s not in front of him. “Of course.”

“Alright! I’ll see you in five days.”

Nang mawala na sa kabilang linya ang kanyang kasintahan ay tumitig pa rin si Yanno sa screen.

He always understands. Eloisa was into marketing. Priority nito ang trabaho and he promised that he won’t get in her way. Dahil gusto niya na maging ganoon rin ito sa kanya. At sa course nga ng kanilang relasyon ay naiintindihan nila ang shortcomings ng bawat isa. Kaya rin marahil sila tumagal. They’re not getting into each other’s hairs. They understand and support each other.

But this changing of the ringing tone was new to him. She never did that before. Or siguro ay na-excite lamang si Eloisa sa kanilang engagement. It was a week ago since he proposed to her. At sa loob ng isang buwan ay ikakasal na sila.

She agreed na dito sa Kanaway ganapin ang kanilang kasal. She’s excited about the traditional wedding as well. Siya rin naman ay natutuwa na ikakasal na rin siya tulad ng ibang pinsan. Mauunahan pa niya si Dashiell. And that makes him giddy.

Until this morning. This very morning. He hadn’t heard that song in ages. Bakit bigla na lamang niyang narinig at si Eloisa pa ang may kadahilanan?

It isn’t romantic. Not a bit. That song was for stalkers.

Somebody told him those words some time ago. At simula nga noon ay hindi na niya talaga pinakinggan ang kantang iyon. He totally agrees with her.

Naiiling na bumangon siya. Kinuha niya ang remote control at pinindot upang bumukas ang malalaking kurtina. The morning isn’t shining so brightly. Malamig na ang panahon ngayong magpapasko na naman. The weather was always cloudy and windy.

Kanaway 5: Pagkakataon (Soon to be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon