Chapter Three

67 2 0
                                    

THE wedding was moved two weeks earlier from their planned date. Hindi pwede si Eloisa sa date na nauna nilang napagkasunduan. Ipapadala raw ito ng kompanya sa Singapore at doon na rin ang magiging honeymoon nila.

Kagagaling lamang ni Yanno sa pagkikipag-meeting sa wedding planner na siyang mag-aayos ng mga kakailanganin para sa kasal nila ni Eloisa.

He will be hitched in two weeks.

At hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Some hours he would want to run away and go anywhere far from this place. And some hours he would feel excited. Then there are fears, anxiety… somberness. But most of all there’s doubt. Hindi niya alam kung saan nagmumula. Basta na lamang niyang naramdaman. Pero buo pa rin sa kanyang loob na pakasalan si Eloisa.

Ngunit pilit nyiang itinatatak sa isipan na kaya lamang siya nagkakaganito ay dahil sa stress. Dahil na rin wala si Eloisa sa kanyang tabi. Ngunit tatlong araw pa at magkakasama na rin sila upang magtulong sa pag-aayos ng kanilang kasal.

Nang papasok na ng Kanaway ang minamaneho niyang black Subaru Forester ay nag-menor siya. It has been a tough day at the firm as well. Isa sila sa mga pinamimiliang firm ng isang realty company upang siyang mag-design ng mga bagong condo units na itatayo sa Malate. It was a huge deal. Sa ngayon ay walang ibang target ang kanyang Uncle Orlando kundi iyon lamang. Kapag sila ang firm na napili ay maaring sa kanila na rin ipaubaya ang iba pang condo units na itatayo sa iba’t ibang panig ng bansa ng realty company na iyon.

May dalawang plano siya na ginawa. Mula roon ay mamimili ang kanyang uncle.

Malayo pa lamang siya sa bahay ni Mrs. Acosta ay natanaw na niya ang isang malaking truck na nakaparada sa may harap niyon. Ibig sabihin ay lumipat na ang mga bagong titira roon.

Papalagpas na siya sa bahay ng matanaw niya ang isang babae na naglalakad palabas ng pinto. He caught a glimpse of her face and he just stepped on the break. Halos masubsob siya dala ng impact niyon. Hindi na niya nakikita ang babae dahil nakaharang na sa kanyang sasakyan ang truck.

Dali-dali siyang bumaba at tumakbo patungo sa bahay. Hindi niya alintana kahit pa naiwan niyang nakabalagbag sa gitna ng kalsada ang kanyang kotse. He walked slowly. Ini-instruct nito ang mga lalaki na may buhat na kahon. It was really her except for the hair.

“Dahan-dahan lang ho dahil mga babasagin ang laman ng kahon na ‘yan. Sobrang importante.”

Tumahip ng husto ang dibdib ni Yanno. It’s her voice. It is really her. He stepped forward hanggang sa nasa likuran na siya nito.

“At saka ho iyo’ng may nakasulat na––”

Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin dahil hinawakan niya ito sa braso at pinihit paharap sa kanya. He inhaled sharply. “Angie…” he said her name like a prayer. She was all but the same. Her heart-shaped face, dark rounded eyes, the small pointy nose. The pinkish lips without any trace of lipstick. “Angie…”

He hugged her as tight as he can. Dinig niya ang pagsinghap nito subalit wala siyang pakialam. Ang tanging gusto lamang niyang gawin ngayon ay yakapin ito hanggang sa makatiyak siya na tunay nga ito.

He hadn’t seen her for such a long time. He should have but he didn’t. Dahil bigla na lamang itong nawala. Hindi na nagpakita.

He was right all along about the writing on the window. It was fate telling him that morning when he heard her most hated song that he was about to see her again.

“I can’t believe I’d see you here. Right now…” he kissed her head. “God, I missed you. I missed you so…”

“S-sandali lang,” nagpipilit itong kumawala subalit mas lalo lamang hinigpitan ni Yanno ang pagyakap dito. He’s not ready to let go of her yet.

“B-bitawan mo ako, hindi kita kilala!”

Doon tila natauhan si Yanno. Hindi niya dapat na ginagawa ang ganito. Ang tagal na panahon nilang hindi nagkita. Maaring siya na lamang ang nakakaalala rito at ito ay hindi siya natatandaan. May mabigat na pakiramdam na sandaling nagdaan sa kanyang dibdib. Pinakawalan niya ito. She stumbled back at muntik ng matumba kung hindi lamang sa maagap na pag-alalay ni Yanno sa magkabilang braso nito.

“It’s me, Yanno. Don’t you remember me?” hindi niya ito pinakawalan at pilit na pinagsalubong ang kanilang mga paningin. She will remember. She has to remember.

Subalit walang bakas ng anumang rekognisyon sa mga mata nito. Sa halip ay umiling ito. “I’m sorry you’re freaking me out here. Hindi talaga kita kilala,” nagpilit itong pumiksi.

“You know me, you do,” giit pa rin ni Yanno. “We’ve met a long time ago––”

“Hey! Sino ka?”

Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang humahakbang palapit sa kanila mula sa loob ng bahay. At ng tuluyan itong makalapit ay pinalis nito ang mga kamay ni Yanno sa mapuwersang paraan. He didn’t resist. Pagkuwa’y hinila ng lalaki si Angie sa tabi nito in a possessive manner. Pinaglipat ni Yanno ang tingin sa mga ito.

Oo nga pala. Ang sabi ng mga pinsan niya ay ikakasal na raw ang mga ito. Next month. At doon pa sa clubhouse na siya ang nagdisenyo. May nadama siyang pagrerebelde.

Gayunpaman ay hindi niya gustong sumuko. Hindi niya matanggap na nakalimutan siya ni Angie gayong nanatili ito sa kanyang ala-ala. He ignored the man and looked directly into her eyes.

“You know me and I know you. We’ve met in Palawan like four years ago. We’ve shared two meals. We went to the underground river and the monkey trail. You’re a ballet dancer. You wanna be a part of Lines Ballet someday. You hate the song Every Breath You Take. You want me to go on? There’s so much more I know about you Angie. I know you remember me.” He must’ve look foolish dahil kapwa nagbago ang ekspresyon sa mukha ng mga kaharap niya.

Namutla ang mga ito. And then they looked sad. Their eyes were gloomy.

What did he say? Did he say something wrong?

Yumuko si Angie habang ang lalaki naman sa tabi ay naging napakaseryoso ng ekspresyon. “I don’t know how to say this. It was clear that you really know Angie. Our Angie,” may bahid ng lungkot ang tinig nito. “But my fiancée here is not Angie or Angelika to be precise.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Yanno. “I’m sure you are Angie.” Humarap siya sa babae at dito ibinuhos ang kanyang atensiyon. He wanted to touch her face upang tumingin ito sa kanya subalit wala siyang karapatan na gawin iyon sa mismong harap pa ng fiancé nito.

Good thing she raised her face. He can’t get enough of her beautiful face. Hindi niya alam kung ano ba ang ipinaglalaban niya at ang kanyang maa-accomplish sa ginagawang ito. He just needed her to remember him. To look at him again with recognition.

“I’m not Angie. My name’s Amelie.” Her face softened, her eyes became cloudy. “My twin sister, Angelika… is dead.”

SHE was dead.

His search was over just like that.

Kaya naman heto siya ngayon at mag-isang umiinom sa may tabi ng dine-develop na hotspring. He was looking at the moonlight or at the water where the light reflects. Hindi maalis ang lungkot na bumabalot sa kanyang puso.

Para bang may kabigatan na bigla na lamang bumalot roon. And it doesn’t seem to go away anytime soon.

Sa totoo lamang ay hindi niya naisip kailanman na maaring patay na ang babae na nakasama niya ng ilang oras. He spent a few hours with her a million hours ago. But he had never forgotten about those few hours. Precious hours. Sa kabila ng lumipas na mga taon ay nananatiling iyon ang pinakamagandang araw ng kanyang buhay.

Those memories never fail to bring smile in his face.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kanaway 5: Pagkakataon (Soon to be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon