NAKAPAMULSA si Yanno habang naglalakad at nakikisiksik sa karamihan ng mga tao. Magarbo ang grand parade ng Kalap Festival sa Calapan City sa Oriental Mindoro. Maingay rin ang buong kapaligiran na sanhi ng musikang sinasabayan ng mga street dancers. Makukulay ang suot ng mga kalahok sa street dancing.
He loves seeing this kind of feast. Sa Kanaway ay maraming piging ang nagaganap. Mayroong para sa pagsalubong ng anihan at mayroon din para sa pasasalamat. And if there’s a wedding? The prince and princess of any kingdom would be ashamed.
Kaugalian na nakasanayan at hindi na nila gustong balewalain. Kahit mas malamang sa kaanyuan ng mga de Gala ang Spanish decent nila ay pusong Pilipino pa rin sila at pusong Igorot. They love their roots, their place. Para sa kanya ay Benguet ang pinakamagandang lugar sa Pilipinas kahit pa nagalugad na niya ang maraming lugar sa bansa. That’s where he belong kahit saang lugar pa man siya makarating.
Ikaapat na araw na niya ngayon sa Calapan. Isinama siya ng girlfriend niyang si Eloisa at pinag-leave sa trabaho. Pumayag siya dahil matagal na rin ng huli siyang nakapag-out of town. Moreover, he can go anywhere whenever he wants dahil sa pag-aaring negosyo ng pamilya siya nagtatrabaho.
Nahikayat rin siya ni Eloisa dahil sa paninigurong matutuwa siya sa bayan nito. Hindi pa siya nakarating sa bahaging Calapan, Mindoro. At dahil target niyang mapuntahan ang bawat sulok ng Pilipinas ay isa rin iyong katuparan ng pangako niya sa sarili.
Limang buwan na silang magkasintahan ni Eloisa. Nagkakilala sila ng minsang akyatin niya ang Mount Halcon. Sumama siya sa grupo ng mga mountaineers kung saan kabilang ito. They got to talk a lot during the whole course of their hike. They exchanged numbers and the rest was history. Nagkasundo sila ng husto dahil tulad niya’y adventurous din ito.
Wala silang gaanong pinagtatalunan. Their relationship is almost perfect he may say. Kahit pa para na rin iyong long distance dahil kung hindi sa Manila ay sa Mindoro nananatili si Eloisa. Kahit sino ang nasa kalagayan niya’y wala ng hahanapin pa. She’s gorgeous, smart and charming.
Naisama na niya ito ng isang beses sa Kanaway. Nagustuhan naman ito ng kanyang mga pinsan. And Eloisa loved the place as well. Kahit hindi pa niya ito natatanong ay malaki ang posibilidad na gugustuhin rin nitong manirahan sa Kanaway.
Kaya nga isang konkretong plano ang kanyang nabuo para sa araw na ito. Ilang linggo rin niyang pinag-isipan ang gagawing proposal kay Eloisa. Ngayon ay desidido na siya. Sa kasal na rin naman talaga ang pupuntahan ng kanilang relasyon. Ito ang pinakamatagal at pinakaseryosong karelasyon niya. Tanga na lang siya kung pakakawalan pa niya ito.
Bumagal ang mga hakbang ni Yanno habang hinugot niya mula sa bulsa ang isang kahita. Nakangiting humarap siya kay Keyon na kasama niyang nag-iikot ngayon. Pinsan niya, nakababatang kapatid ni Lucas at siyang kasama niyang tumungo rito sa Mindoro. Naiinip raw ito at gusto ng bagong atmosphere kaya naman ng alukin niya na sumama sa kanya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ito.
Lucas was slightly younger than him. Twenty-eight ito habang siya naman ay twenty-nine. While Keyon was twenty-four. Lucas and Keyon was slightly identical though para sa iba ay magkamukhang magkamukha talaga ang dalawa. Pero kahit ganoon ay napakalayo ng personalidad ng magkapatid. Sa pag-aalaga pa lamang ni Keyon ng pusa ay madi-distinguish na kaagad ang kaibahan.
May nakababata at nag-iisang kapatid rin si Yanno, si Migo, twenty-seven years old. A professional and international golfer. Ngunit kahit mas higit siyang matanda sa kapatid ay mas nauna itong nag-asawa. And he already has a three-year old son. But his marital status right now was slightly complicated.
Si Yanno lamang at Keyon ang nag-iikot ngayon dahil na rin pamimilit ni Eloisa. Abala kasi ito sa paghahanda para sa paghuling gabi ng kasiyahan bilang ang ama nito ang mayor ng Calapan. Dahil wala rin naman silang maitutulong ni Keyon ay sumang-ayon na rin siya.