UNANG KABANATA

22 1 0
                                    

(Pananaw ni Hiwaga)

"uyyy grabe ang gaganda at ang kukulay ng mga Higantes ngayong taon na ito ano Hiwaga!?" 


"Oo nga Ningning, napakaganda"
Sambit ko habang nakatitig sa kaniyang mukha na mala-anghel, napakarikit.


Nandito kami ngayon, ako at si Ningning sa labas ng bahay namin,nanonood ng mga parada ng Higantes.Taon-taon namin itong inaabangan simula pa noong mga bata kami. Labingsiyam na taon na ako at si Ningning naman ay labingwalong taong gulang na at hanggang ngayon ay pukaw na pukaw pa rin ng mga ito ang aming atensyon.


"Sana'y sa susunod na taon ay ganito pa rin o kaya'y sana lalong magyabong ang kapistahan ng Angono 'no?" aniya


"Hindi mo lang alam ito'y nagyabong na." bulong ko sa aking sarili.


"Huh?ano ang iyong tinuran Hiwaga?" Aniya habang nakatitig pa rin sa mga Higantes at mga taong nakasuot ng makukulay na damit.


"Ang sabi ko Ningning iniibig kita!" sambit ko


Ngunit tila yata hindi niya ito narinig dahil sa ingay ng paligid at napapasalamat ako roon.


Totoo ang sinabi ko, iiniibig ko si Ningning,wala akong lakas ng loob upang harapan itong sabihin sa kaniya. Dahil na rin siguro ito ay isang ipinagbabawal na pag-ibig.


"Ano ulit iyon? Pasensya na Hiwaga sapagkat ako'y tuwang-tuwa sa aking nakikita kaya't hindi kita napagtutuonan ng pansin.Siya nga pala nakita ko si Ina kumakaway, tila yata tinatawag na tayo upang mananghalian, halika na't tayo'y magtungo na sa ating tahanan"


"Ahhh sige"


Binagalan ko lamang ang aking lakad at nagpahuli sa kaniya.


Natawa ako ng makita siyang nadapa dahil nasagi siya ng isang malaking mama.


"HAHAHAHA ano bang iyong ginagawa riyan at ikaw ay nalangoy kahit walang tubig,HAHAHA"


"Ano ba! tila yata ikaw ay sayang-saya dahil ako'y nasaktan"



"Uy hindi ahh,natawa lamang ako HAHAHAHA"


"Eh kung tinutulungan mo na ako bumangon 'diba?!,napakahirap bumangon dahil napakahaba ng aking saya"


"Ito nanga eh HAHAHAHA,tutulungan ka na 'diba?"


Tinulungan ko siyang tumayo mula sa pagkakadapa,sabay tawa ng malakas.


"HAHAHAHA aking hindi pa rin makalimutan ang nangyari sa iyo kanina lamang"


"Suskopo ,manahimik ka na nga" naiinis niyang niyang sambit


"Tanong ko lamang, ilang isda ang iyong nahuli?".


"Ahh kairita" turan niya sabay takbo papunta sa aming bahay


"Hintayin mo ako Ningning HAHAHA asar talo ka talaga kahit na kailan"


Hayss buhay nga naman, bakit ba napakabilis magalit ng mga kababaihan.
Kita niyo? Wala akong ginawang mali diba.


Tumakbo na rin ako papuntang bahay dahil kapag natagalan pa ay malalagot ako nito.
Ang lapit lang naman ng puwesto namin kanina pero bakit kaya parang ang layo namin nang pauwi na. Hayss ewan ko ba haha.


"Hoy Hiwaga, ano at nakabusangot na naman ang kapatid mo? Iyong ininis na naman ano?" sambit ni Ina


Hala,ano kaya iyon alam na alam talaga ni Ina ang pag uugali naming magkapatid haha.


Oo kaya nasabi ko kanina na bawal ang pag-ibig na ito dahil nga ay magkapatid kami ni Ningning.


"Nako ina wala akong ginagawang masama sa kaniya ah!" aniko



"Anong wala ah? Ako'y nadapa nanga, hindi mo pa ako tinulungan at pinagtawanan mo pa!" -Ningning



"Edi HAHAHAHA nakakatawa naman kasi talaga eh "


HAHAHAHA mainisin talaga.


"Tumigil nanga kayong dalawa at tayo ay kakain na" sambit ni itay "tawagin na pala ang inyong bunsong kapatid, nasa kalapit bahay nanaman iyon, hindi talaga mapirmi rito"



"Nandito na po ako"- Bahaghari


Buti naman at hindi na ako lalabas! Nakakapagod kaya. Lagi kasing nasa labas iyang si Bahaghari, siya ay labinganim na taong gulang na, ngunit mahilig pa rin makipag laro, puro pambabaeng laro ang nilalaro,hinahayaan na lamang nila inay at itay. Basta daw ay mag-iingat siya dahil maraming mga nag-iikot na tauhan ng Heneral, bawal kasi magsama ang lalaki at babae liban na lang Kung ito ay magkaanak.


"Oh siya nandito na ang lahat kumain na at Maya-maya ay pupunta na kami ng iyong itay sa Mga Guilermo upang magsilbi"



Naawa ako bigla nung marinig kong pupunta na naman sila sa kanilang trabaho, napaka lupit kasi ng mga Guilermo eh, matanda na ang inay at itay, ngunit wala pa akong magawa sa ngayon.


Kaya talaga sinisikap kong matuto sa ekslusibong paaralan ng mga mayayaman , mahirap dahil kailangan kong magpanggap na mayaman din at galing sa mataas na angkan, pero ayon na lang ang paraan upang matuto ako at magkaroon ng maraming oportunidad. Kapag nagkahulihan bahala na.


"Opo" -kaming tatlong magkakapatid.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TALINGHAGAWhere stories live. Discover now