Chapter 48

454 23 0
                                    

"You bitch, pakawalan moko. You know nothing." Ngumisi lang ako sa kanya.

"Really? What if I say to Carter what you did to Celigh years ago." Nakita ko ang gulat sa kanyang mata kaya mas napatawa na lang ako.

"Na ikaw ang pumatay kay Celigh, Flyyn also, and worst Carter's parents. Kayo ng ama mo." I gritted my teeth habang sinasabi yon. They are the reason why Carter lost his parents. Hindi nila alam kung ano ang pakiramdam ng lumaking walang magulang. And I'm glad I didn't experience all of those.

"Sa tingin mo ba may awang pinatay ng ama ni Alexander ang mama ko?" Napakunot naman ang noo ko. Tumawa ito habang naglalandas ang kanyang luha sa kanyang pisngi.

"Yes Saveena, pinatay ng walang hiyang Luis Carter na yon ang mama ko. Hindi nakapagbayad si Dad sa utang namin sa mga Carter dahil bumagsak ang kumpanya namin. Tinakasan namin ang mga Carter pero natunton parin kami ng Tatay ni Alexander. Wala si Dad sa bahay ng mangyari ang lahat ng iyon. I'm there, watching how they ruthlessly killed my mom. I can't do anything, I'm just a young girl that time. Binuhay ako ng mga Carter dahil alam nilang wala rin namang paki si Dad sakin. Sino nga ba ang magkakapaki pag namatay ako? I'm just an adopted daughter of the Dixon's,  but mom? She treated me like her own. Ng mamatay si mom, dun lang din namin nalaman na buntis sya. Dad is so mad, wala silang sariling anak tapos ng nagkaroon ay namatay kasama si Mom, Dad didn't treat me like he use to be. Sinisisi nya 'ko. Nakabangon kami pero di ganon ka angat gaya ng mga Carter. Pinlano ni Dad patayin si Luis Carter, inalisan nya ng break ang kotseng sinasakyan ng mag asawang Carter. Pero masamang damo nga talaga ay mahirap patayin, ng mangyari ang aksidente ay nabuhay pa si Luis Carter ngunit nandoon si Dad at nagmamasid, di nya hinayaang mabuhay ang ama ni Alexander, sunod sunod nyang pinaputukan ito at sinunog ang kotse siniguradong walang ebedensyang matitira, ngunit di lang doon nagtatapos ang lahat. Gusto ni Dad na patayin din si Alexander at walang itira sa kanila. Kaya nakipagsabwatan kami sa tatay mo, dahil uhaw sa yaman yang walang hiya mong tatay pumayag sya. Pero hindi ako papayag na patayin nya si Alex, I love him, naging malapit kami sa isa't isa pero nagbago ang lahat ng iyon ng dumating si Celigh, nagugustuhan nya si Celigh pero di naging sila. Kaya ko pinatay ang babaeng yon dahil traydor sya. Inagaw nya sakin si Alex. At si Flyyn? Sya lang naman ang nakakaalam ng lahat kaya kailangan nya ding patahimikin." mahabang lintaya  nito kaya di na ako nag dalawang isip na bigyan sya ng malakas na suntok sa mukha nya. Napakatigas.

Alam ko na nung una pa lang na ang Celigh ngayon na nagpakita ay hindi talaga ang totoong Celigh. Nakasulat ang lahat sa notebook ni Flyyn. At nakumpirma ko ang lahat nung mag eskandalo si Kelly or let just say, Celigh's twin sister. Ng mangyari ang pagkikita sa Cafeteria ay nakita ko si Lian. Lian treated Celigh as a best friend. Walang alam si Lian sa nangyari kay Celigh. Ang alam ng lahat ay naglaho at nakalabas ng Campus si Celigh. Si celigh lang ang naging malapit kay Lian kaya nagalit si Lian ng malamang iniwan sya ni Celigh na inakala nyang nakatakas. Kaya ayaw na ayaw sakin ni Lian dahil naaalala nya sa akin si Celigh. Hindi lang si Lian kundi ang buong Campus ay ganon. Simula ng mawala si Celigh ay naging impyerno na ang buhay ng lahat. Si Carter? Ang alam nito'y trinaydor sya ni Celigh, walang nakakaalam na patay na talaga si Celigh maliban kay Flyyn na nakasaksi sa pagpatay kay Celigh at si Calyyn na pumatay rito. What a bitch right?


"I doubted kung naramdaman mo ang suntok na yon sa tigas ba naman ng pagmumukha mo." Kulang pa nga yon kung tutuusin.

"Nakalimutan mo atang I'm still a Herris." Ngisi ko dito pero agad din nagsalubong ang aking kilay ng tumawa ito ng pagkalakas lakas.

"A Herris? Pareho lang talaga kayo ng Tatay mo, nagpapabulag sa lahat ng taong nasa harap nila. Look around you Saveena, sa tingin mo ba yang tinatawag mong pamilya ay mapagkakatiwalaan mo? Or specifically si Alex." Agad ko itong kinuwelyuhan.

"What do you know huh? You know nothing." Ngumisi lang ito sa akin.

"You're the one who know nothing, I know something or actually, everything." Bibigayan ko na sana sya ng isa pang sapak ng makarinig kami ng malakas na pagsabog. Nasa loob parin naman kami ng Campus pero malayo sa mga estudyante.

Agad bumukas ang pinto  kaya napatingin ako dito.

"Stop Herris, let Kelly manage that bitch, may nangyayaring atake." Napanguso naman ako sa sinabi ni Lian.

Alam na nya ang lahat, pati ang tungkol sa nangyari kay Celigh. Umiyak sya dahil nagtanim sya ng galit sa kaibigan. Sinapak nya rin si Kelly dahil umasa daw talaga syang buhay si Celigh. Pati ako bilang isang Herris ay alam na rin nilang dalawa ni Kelly.

Walang alam si Carter sa plano ko lalong lalo na si Alvin. Dahil wala akong tiwala sa Alvin na yon. Ginamit ko lang naman si Scott para lumayo na muna sakin si Carter. Diko magagawa ang pagpapanggap kung nakabantay sya palagi sa akin.

"Sige na Herris, ako ang bahala sa babaeng yan, how dare her kill my sister, babalatan ko sya ng buhay." Kelly angrily said.

Tumango lang ako saka lumabas na don kasama si Lian. Narinig ko pa ang sigaw ni Calyyn sa loob.

"Agh! Walang hiya ka Ash, di pa tayo tapos." Napatigil ako sa pagglalakad dahil sa binanggit nitong pangalan. Ash? I know I heard it somewhere.

"Saveena, halika na, may mga kalaban talagang nakapasok sa Campus." Pukaw sa akin ni Lian. Pinilig ko na lang ang aking ulo saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkababa namin ng abandonadong building na yon ay naglakad na kami hanggang sa maabutan namin ang nagkakagulong mga estudyante. May building narin don na tinutupok na ng apoy.

Ako rin ay naguguluhan sa naabutan namin. Malalim na ang gabi pero dahil sa nagbabagang apoy ay kitang kita ko ang mga nangyayari.

"Mag hiwalay tayo." Suhestyon ko kay Lian at maglalakad na paalis ng hawakan nito ang aking braso. Napatingin ako sa kanyang kamay bago sa kanyang mukha. Nakita ko ang pag aalala doon.

"Don't die." Paalala nito. Tipid akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay.

"Diko pa alam ang totoo Lian, gusto kong mamatay ako ng walang katanungan na di nasasagot sa utak ko." Magsasalita pa sana ito ng agad akong tumakbo paalis. Papunta sa likod kung saan ang mansyon. I want to see him.

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now