This is a short story, a fan-fiction of Christina Perri's song, "Arms". Well, not actually a fanfic pero may part kase ng story na related sa song kaya ayun haha. Tho ibang song song ang ginamit ko as bg music.
Lahat ng nilalaman ng story na to ay galing mismo sa imagination ko.
---
"Nepthalie are you okay?”- tanong sa akin ni Duke.
“Yes.” –sagot ko.
Actually, I lied. Hindi ako okay at alam kong never akong magiging okay. Kinakabahan ako. Kanina ko pa pinapakiramdaman ang paligid ko dahil pakiramdam ko mahuhuli na nya ako. Malalaman na niya ang pinag-gagagawa ko habang wala siya sa bahay. Ang alam nya ay naghahanap ako ng trabaho, pero mali sya.
Habang naglalakad ay pasulyap sulyap ako kung saan saan tila ba hinahanap ko siya. Ano kayang gagawin ko pag nahuli na nya ako? Natatakot ako, natatakot ako sa maaari nyang gawin sa akin. Natatakot ako sa ksnya.
Natawa na lang ako sa sarili ko. Really Nepthalie?
Muli akong sumulyap sulyap sa paligid ko at ang kanina pang hinahanap ng mga mata ko ay nakita ko na. Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko, naramdaman ko namang hinawakan ng mahigpit ni Duke ang kamay ko. Sa lahat ng nakakaalam ng nangyayari, tanging si Duke lang ang nakakaintindi’t dumadamay sa akin.
Bakit ba kase kasal na ako nung dumating si Duke sa buhay ko? E di sana sa kanya ako nakatali ngayon at hindi sa isang walang kwentang lalaki.
Na mahal na mahal ko. Naisip ko, ang pagmamahal ko kaya sa kanya ay may kwenta?
Nakatingin pa rin ako ngayon sa direksyon ng asawa ko at pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Inabutan ako ni Duke ng panyo pero di ko tinanggap. Kahit namang ilang luha ang mapunasan ng panyo na iyon, hindi ko pa rin maitatanggi na nasasaktan ako, na sobra na, hindi pa rin nun maiaalis ang sakit.
Dahan dahan kong inihakbang ang aking mga paa, papunta sa kanya. Nung medyo malapit na ako'y alam kong nakita na nya ako't napansin kong nanlaki ang mata nya't kumunot ang noo.
Hawak hawak pa rin ni Duke ang kamay ko, siguro'y nagtataka ang aking asawa kung sino ang kasama ko at bat magkawak kami ng kamay.
Habang papalapit ay nararamdaman ko na ang tensyon lalo na nung tumayo ang aking asawa at alam kong papunta na sya dito, sa akin.
Ayaw kong mag-eskandalo pero di ko mapigilan ang sarili ko kaya't pagkapuntang pagkapunta nya sa akin bago pa man nya ako bulyawan ay inunahan ko na sya, sinampal ko siya.
Agad kaming pumukaw ng atensyon sa ibang taong nalalapit rito sa kinaroroonan namin. Naririnig ko ang mga bulungan nila't may mga nakikita akong naglalabas ng cellphone, vivideo-han ata kami.
Oh God. Tiyak bukas na bukas trending na kami.
Hindi ko na lang sila pinansin. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa isang walang kwentang tao na nakatayo sa harapan ko. Hawak hawak nya ang namumula nyang pisngi.
Kulang pa yan Ysmael! Kulang pa yan!
Tinignan nya ako ng masama at hinila ako. Hindi ako bumibitaw kay Duke para di ako mahila ni Ysmael. Ayaw kong magpahila, natatakot ako. Naramdaman kong may mga bisig na umakap sa baywang ko, kay Duke pala. Ginagawa nya iyon para hindi ako mahila ni Ysmael ngunit biglang lumuwag ang pagkakaakap nya sa akin at nawala rin ang pagkakahawak ng kamay ni Ysmael sa akin.
Nakita ko na lang na nakabulagta na sa may sahig si Duke at dumudugo ang labi.
Agad akong tumabi sa kanya para tulungan sya.