One

178 13 16
                                    


Akira's Point of View:


The day has finally come. Today is officially the beginning of my life as an adult. I just recently graduated from college and have decided that I want to start a new life in a different place. I want to learn how to live on my own and be an independent man.

Just a little background about myself – my name is Akira Morishita, most people call me Aki. I'm 21 years old and an only child. I'm half-Pinoy and half-Japanese. Pilipino ang nanay ko at ang tatay ko naman ay Hapon. Ten years old lang ako nang maulila ako sa aking mga magulang. Namatay sila sa isang aksidente nung nakatira pa kami sa Japan. Naiwan akong mag-isa. Mula noon, ang lola ko na ang kumupkop sa'kin. Inuwi niya ako sa Pilipinas at sa Cebu na ako lumaki. My grandma took care of me, raised me well and made me feel loved each day of my life.

Sadly, my grandmother passed away right before I finished college due to a kidney disease. After going through different treatments and a lot of dialysis sessions, she still didn't survive. Matanda na rin kasi talaga si Lola. Once again, I was so devastated because I lost someone I loved so much. Mag-isa na naman ako.

Mula nang mamatay si Lola, nagkagulo na ang pamilya namin. Mayaman kasi ang lola ko at ngayon, pinag-aawayan ng mga anak niya ang mga naiwan niyang ari-arian. Hindi sila sang-ayon sa ginawang paghahati ng mana na ginawa ni Lola sa last will and testament niya, hindi raw patas. Halos araw-araw nagtatalo-talo sila sa bahay at nakakasawa nang marinig ang pagbabangayan nila. Ayoko nang makisali sa gulo nila kaya napagdesisyunan kong umalis na lang.

Nagpaalam ako sa mga tito at tita ko at nagsabing gusto kong subukang tumira sa Maynila at doon magtrabaho. Pero ang totoo, gusto ko lang talagang lumayo sa kanila at sa gulo nila.

Another reason why I want to go away is because of my relatives being homophobic. Yes, I'm gay. I have known it for a long time but I just kept it to myself. No one knew about my sexuality. All my life I've been afraid of showing people my true self because I didn't want to be judged. My family has always been vocal about their dislike towards homosexual people, so I made sure they wouldn't find out about me being gay because I knew they would disown me.

Pero pagod na akong magtago. Gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang maging malaya.

Kaya heto ako ngayon, handang makipagsapalaran at magsimula sa panibagong yugto ng buhay ko. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari pero kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.

Hindi naman ako kinalimutan ni Lola, naglaan siya ng isang bank account para sa'kin. Kaya kahit papano, makakatulong sa'kin yung savings na yun para makapagsimula.

Bago ako umalis sa'min ay naghanap muna ako ng pwede kong maging tirahan sa siyudad. Naghanap ako online at may nakita naman akong isang condo unit na for sharing, may kanya-kanyang kwarto naman ang occupants kaya kahit papano ay meron pa ring privacy. Nakausap ko yung owner at pasok naman sa budget ko yung expenses. Maganda rin ang location nung condo kasi nasa loob ito ng isang business city, tamang-tama para sa'kin kasi maghahanap din naman ako ng trabaho. Ayoko rin naman kasing gastusin agad yung perang iniwan sa'kin ni Lola, gusto kong kumita ng galing sa pinaghirapan ko.



Gabi na nang lumapag sa NAIA ang eroplanong sinakyan ko galing Cebu. Mukhang mabait naman yung may-ari ng condo at nag-offer pa na sunduin ako sa airport. Hindi naman ako tumanggi, wala pa rin naman kasi akong masyadong alam sa Maynila. Pagpunta ko sa arrival area ay sumalubong agad sa'kin ang sign na "AKIRA MORISHITA. WELCOME TO MANILA!" Nakasulat ito sa isang puting kartolina at hawak-hawak ng isang lalaki na sa tingin ko ay mas bata sa'kin ng ilang taon. Pagkakita sa'kin ng lalaki ay agad siyang kumaway-kaway sa'kin na para bang sobrang excited siyang makita ako.

Bright: a BGYO FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon