Katherine's POV...
Ganda ng gising ko, unang araw ko kasi sa Music Academy. Excited na talaga ako, yun kasi ang matagal ko nang pinapangarap. Gate palang mapapatingala ka na, ano pa kaya sa naglalaking Building nito.
Hi! ako nga pala si Katherine mas kilala sa pangalan na Kathy. Simpleng babae lang naman ako wala ibang hangad sa buhay kundi ang makatulong sa magulang. Nabigyan ako ng pagkakataon para makatransfer sa isang pribadong eskwelahan nandahil sa schoolarship.
Eto na! papalapit na ako sa Room. Buti nalang may elevator sila. Nagmadali ako maglakad kasi late na ako pero hindi ko mapigilan sarili ko na di tignan ang bawat room na dinadaanan ko.
"Ano ba!"
"Awwwwwwww.. sorry sorry sorry.. di ko sinasadya... sorry tala- -"
"Tatanga-tanga kasi! Sa susunod kasi tignan mo dinadaanan mo!"
"Nako sorry talaga.. hmmp"
"Tsssss sorry sorry.. Umalis ka nga sa harapan ko.."
Grabe sobrang sama ng ugali. Nagsorry na nga ehh! nako kung may Super Powers lang ako kanina pa siya lumipad sa harapan ko! Ganda gandae ng umaga ko nasira agad. Late na talaga ako, unang araw ko pa naman ngayon tapos late agad. Eto na.. papasok na ako sa Room.
"Yes?" sabi ng Teacher.
"Hmmp Section B?"
"Ahhh.. sa kabilang Room my dear.."
"Awwww hehehe Sorry. Thank you po Maam- -" sabay talikod.
"Haaaays!"
"Sor- - -"
"Ikaw na naman?! Haaays.."
"Oh ba't di ka pa pumapasok?" sabe nung lalake sa likod niya.
"Eto kasi nakaharang.."
"Oh tama na yan ha.. pumasok na kayo and you pumasok kana rin sa klase mo sa kabila.."
"hmm Opo Maam. Sorry ulet miss"
Ano ba meron sa Araw na'to? Baket ang malas ko ngayon? Makapasok na nga lang, siguro naman tama na tong Class Room na pinuntahan ko.
Pagkatapos ng klase since wala pa naman akong kilala, nagbasa nalang muna ako ng libro ng nakayuko "Hello Girl!" sabe nung boses babae na nasa harap ko "Long time no see kat kat.." ano daw? tama ba narinig ko? tinawag niya ko na 'kat kat' O__O
"Su-su-zy?!"
"Ako ngaaaaa! ^_^ kamusta ka?"
"Di-dito ka rin pala nagaaral?"
"Ou naman.. ako pa! Kunting landi lang panlaban sa mga teachers to pero char lang hahaha!" 'tong babae na to di na talaga nagbago :) pero inaamin ko.. namiss ko talaga tong baliw ba to.. sa tagal ba naman ng panahon ngayon nalang ulit kame nagkita.. "San ka naman napadpad kanina?"
"Sa room ng malditang babae." -______-
"Ha?! Sa lahat ba naman ng room dun ka pa naligaw. Kung di ako nagkakamali si Audrey tinutikoy mo."
"Pano mo naman nalaman?"
"Siya lang naman masamang ugali dun sa Section A, isama mo na mga bruhang kasama niya.. " kaya pala -_____- halata naman sa itsura niya na mapagmataas. "Maliban nalang kung nandito ngayon si Yoseob." dugtong niya.
"Kung nandito?" O_O ibig sabihin.. hindi yung lalake na kasama niya kanina? "Sino yun?"
"Hmmm sige ipapaliwanag ko.. kung may nakita ka man na lalake na kasama niya kanina, Yun yung Boyfriend niya. Teka di mo kilala si Yoseob?" transferee nga kasi ako diba? -____- "Sabagay.. transferee ka pala.. pero kahit na! sigurado ka ba na di mo siya kilala?"
BINABASA MO ANG
My Three Second Girl
Teen Fiction[ON GOING] Anong gagawin mo pag nakapag-aral ka sa isang pribadong paaralan at dun mo nakilala yung taong magpapasaya sayo? This is a simple romance between two different people. Sana magustuhan niyo to.