( Note : Jaycee and Blaze Chapter .- KyPendleton )Chapter 9 - Can I Court You ?
Blaze' POV
( Note : Parehas lang ng araw like last chapter ok ? )
Pagtapos kong magwalk out kila Angelo ay dumiretso na ako sa garden nitong school . Mabuti pa dito. Tahimik . Presko ang hangin . Walang makakaistorbo sa akin . Matutulog muna ako sa bench .
.
.
.
." Blaze " - napamulat ako ng aking mga mata nang may narinig akong tumawag sa akin ... Si Jaycee pala.
" Oh Jaycee , bakit ? " - ako . Umupo na ako ng maayos .
" Wala lang . Ang boring kasi eh. Saka di pa naman nagbebell kaya tumambay muna ako dito . " - Jaycee sabay higa sa lap ko .
Wala kaming relasyon ni Jaycee. M.U kami ? Oo parang ganun . Mahal ko siya . Unang beses ko palang siyang makita nagkaroon na agad ako ng interes na makilala siya . At ayun na nga. Haha .
Nakatulog siya sa lap ko habang nakatitig ako sa kanya... Pero ...
*kringgggg
Patay nagbell na .
" Jaycee nasan k-- Blaze ? " - sabi ni Denice .
" Oh Denice , wait lang ah gigisingin ko lang tong bestfriend mo . " - sabi ko.
Inalog ko siya at pagmulat ng kanyang mga mata ang nagtagpo ang aming mga tingin .
*dug *dug *dug *dug .
Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing mangyayari to . Mahal ko na talaga ang babaeng ito.
" Nagbell na Jaycee . " - sabi ko sa kanya.
" Ah ganun ba ? " - sabi niya .
Tumango ako. Tumayo na siya at aalis na kasama ni Denice pero. ..
" Jaycee . " - tawag ko.
Napalingon siya sa akin.
" Bakit ? " - siya .
" Magkita muli tayo dito pagkatapos ng klase natin . May pupuntahan tayo. " - sabi ko.
" Saan ? " - sabi niya.
" Basta malalaman mo. " - sabi ko sabay alis na .
Nauna na ako sa kanila . Paniguradong magugustuhan ni Jaycee ang sorpresa ko mamaya. Well sana nga.
Jaycee's POV .
Pagpasok namin sa classroom ....
" Ang sama na naman ng aura ni Kyra " - EJ
" Ganyan talaga yan kapag problemado. " - sabi ni Denice .
" Hayaan niyo na muna siya . Malalim lang ang iniisip niyan . " - ako .
Pagdating ng History teacher namin ... Well naglesson na siya at wala akong naintindihan . Iniisip ko parin kasi yung sinabi sa akin ni Blaze kanina . Ewan ko ba , pakiramdam ko masisiyahan ako sa pupuntahan namin na ewan .
Napalingon ako sa kanya . At nagulat akong nakatingin pala siya sa akin . Iniwas ko na lang ang tingin ko at nakinig na lang ako sa guro namin kahit napakaboring ng subject.
FAST FORWARD .....
*KRINGGGGGG
Uwian na . Nauna na ang mga kaibigan ko. Well may mission kami mamayang gabi pero mamaya pa naman yun . Kung ano yun ? Malalaman niyo next chapter . Haha .

BINABASA MO ANG
If You Fall In Love ( BaekYeon )| EDITING |
SonstigesIf you fall in love , there are many trials to experience before you'll achieve the so called happily ever after . Many people are victim of heartaches , they suffer a lot until they achieve forever .My name is Kyra Issabelle Aguilar , and I experie...