Hi Guys!
This is a Completed story.For more upcoming Stories,
please Subscribe to this acct.
Add our story to your Reading List
and click the ⭐ above to Vote 😘😘Enjoy Reading! 😉
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
____
SYA SI KARINA.
Isang babae na nag tataglay ng kakaibang ganda at alindog na hindi maaaring di mapansin ng kahit na sino lalo na ng mga kalalakihan.
Nag tataglay sya ng malalantik na pilik mata, mapula at manipis na labi. Kutis na kay kinis, Mahabang alon-alon na buhok na ok lang kahit wag suklayin, Malaki at tayong tayong dibdib, Balakang at pang upo na may napaka gandang korte na ika nga ng iba ay napaka “yummy.”Ngunit sa kabila ng kanyang mga pisikal na katangian, mababakas sa mata ng magandang si Karina ang kakaibang emosyon.
Malungkot at tahimik na tila ba may knikimkim sa kanyang damdamin.
Ito marahil ay dahil sa kanyang kasalukuyang buhay.Mula lamang sa mahirap na pamilya si Karina. Ang kanyang Ama ay isang Kartero sa Post Office sa Maynila, habang ang kanyang Ina naman ay Matagal na naka ratay sa higaan dahil sa Sakit na Diabetes na di kalaunan ay lumala at pumanaw na rin.
Nang dahil sa pang yayaring iyon, Nabaon sila sa pagkaka utang. Nasangkot ang kanyang Ama sa isang Holdapan sa Binondo na syang naging dahilan ng pagkaka kulong nito.Ang Boss ng kanyang ama, na kanyang Ninong, Si Renato Valdez, ang nag salba sa kanila. Nakalabas sa kulungan ang kanyang ama, at binigyan pa nito ng Scholar ang kanyang dalawang kapatid.
Nang maka labas naman sa kulungan ang kanyang ama ay nag bago na ito. Hindi na ito pumapasok sa trabaho at nagging madalas na ang pagiging mainitin ng ulo. Lagi na itong lasing at galit.
Dahil naman sa si Karina ang panganay. Nahihiya siya sa kanyang ninong dahil sa pag tigil ng kanyang tatay sa trabaho. Kung kaya sya naman ang namasukan sa Post Office bilang Stamper.Sa Post Office ay Dumalaw ang anak ng kanyang Ninong na si Gardo. Si Gardo ay isang Inhinyero. May Itsura ngunit halata agad sa mga kilos nito ang pagiging mayabang o presko. Ipinakilala sa kanya ng kanyang ninong si Gardo na galing pa daw di umano sa US.
Hindi naman na lingid sa pakiramdam ni Karina ang kakaibang tingin, pahiwatig at pagkaka gusto sa kanya ng Binata sa unang pag kikita pa lamang nila.
Itoy hindi niya kinatutuwa.
Naiilang pa nga siya dahil hindi niya type ang mga lalaking tulad ni Gardo na kung maka tingin ay Parang hinuhubaran na sya.Mula sa unang pag dalaw ay nasundan pa ng ilang ulit ang pag punta ni Gardo sa Post Office.
Sa mga pagkaka taong iyon ay hindi na upang puntahan ang ama nito kundi ang tahasang pag papa hiwatig na nito ng interes at pagkaka gusto kay Karina.
Labag man sa kagustuhan ay napipilitan ang dalaga na sumama sama sa lalaki, kumain sa labas, at mag pa hatid sa kanilang bahay. Ito ay dahilan sa kanyang matinding pag kaka-hiya sa kanyang ninong na masyado namang Vocal sa pag mamatch-make sa kanilang dalawa ni Gardo.
Hindi iisang beses na naramdaman niyang binabastos siya ni Gardo. Mula sa mga biglaang pag akbay nito sa kanya. Sa pag patong ng kamay sa kanyang hita at higit sa lahat ang mala Manyakis nitong pag hagod sa kanya ng tingin.
Paulit ulit siyang umiiwas, at iniiiwas ang kanyang katawan upang hindi madampian manlamang ng Bastos na si Gardo. Tahasan niyang ipinadarama dito ang kanyang pagka dis-gusto sa mga gawi nito.
Labag man sa damdamin ay pinipigilan niya ang kanyang sarili na sampalin ito.Ngunit sa kabila ng lahat ay alam nyang hindi titigil ang lalaki. Ramdam niya ang desperasyon nito na matikman sya.
Ramdam niya ang nag iinit nitong katawan sa tuwing hahagurin nito ng nag papahiwatig na tingin ang kanyang kabuuan.AT NANGYARI NGA ANG BAGAY NA KANYANG PINAKA KINATATAKUTAN..!
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
thank you for chosing this story!
Please Subscribe,
add this story to your Reading List and Click the ⭐ to Vote 😘♥️🥰See you on the next Chapter!
BINABASA MO ANG
TAMA PERO BAWAL (SPG/ROMANCE) COMPLETE
RomanceSEX, REGRETS, AND ALOT MORE. Mahirap na Buhay Mapag samantalang Kapaligiran Masakit na katotohanan Maling tao Maling akala Tamang damdamin Mainit na mga tagpo Maling pagkaka taon Dito umikot ang istorya ng buhay ni Karina. Anong bukas ang nag hihint...