Sa gitna ng mga angyayari sa loob ng banyo ay naka buo siya ng isang desisyon.
Sasama na siya kay Bryan.
Pagkaka taon na niya upang sumama kay Bryan.Sa lalaking pinaka unang rumispeto at nagpakita ng malasakit sa kanya.
Sa lalaking tunay niyang Mahal..
SI BRYAN..
------
Nang maka alis si Gardo ay inihanda ni Karina ang sarili.
Ano man oras mamayang bandang tanghali at darating na si Bryan at agad na niyang sasabihin dito ang kanyang napag pasyahang desisyon.Habang nag iintay ng oras ay abala sa pag iisip si Karina.
Ang kalayaan sa mapag malupit na mga kamay at pag uugali ni Gardo na matagal na niyang pinapangarap ay abot kamay na lamang.Iniisip niya ang magiging buhay nila ni Bryan sa hinaharap.
Sana ay pumayag itong sa isang probinsya na lamang sila manirahan.Alam naman niya na baog man siya ay buong puso na siyang tinanggap ng lalaki.
Hindi naman kasi duon nasusukat ang pag mamahalan ng dalawang tao.
Actually para kay Bryan, ang Tunay na pag mamahal ay walang sukatan. Dahil walang nang mas hihigit pa dito.Inip man at atat ay matyaga pa din nag intay ng Oras si Karina.
Bakit nga ba kapag nag mamadali ang tao ay lalo pang tila bumabagal ang takbo ng oras?“Ahhh, hindi naman siguro,
Baka talagang excited lang ako” sawata ni Karina sa kanyang sarili.Ngunit pumatak na ang hapon at wala pa din dumarating na Bryan!
Nag smula nang mag alala si Karina.“Kung kelan handa na akong sumama sa kanya ay hindi siya darating?
Diyos ko wag naman po sana!”
Ang nag aalalang pag iisip ni Karina.
Nang tumapat ang orasan sa Ganap na ika anim ng mag gagabi ay unti unti nang nawalan ng pag asa si Karina.Nag simula nang pumatak ang kanyang luha na kanina pa nagbabanta.
Wala nang pag asa… ang nasa isip niya.Sapagkat kung hindi pa siya makaka alis ngayon ay hindi na niya alam kung kalian pa muling magkaka roon ng pagkaka taon.
Ganap na alas otso ng gabi.
Tinanggap na ni Karina sa kanyang sarili na wala na ngang Bryan na dadating upang siya ay hanguin sa lusak, pasakit at pagka bigong kanyang dinaranas.Nakaramdam siya ng pagka hilo kung kayat piñatay na niya ang Tv.
Naglakad patungo sa kwarto at pabagsak na inihiga sa kama ang kanyang nanlulumong katawan. Duon ay kanyang ipinag patuloy ang pag iyak hanggang sa maka tulog dala ng pagka hilo at antok..SA CAViTE naman alas sais ng hapon ay natapos ang unang Conference ng mag Business Partner na Bryan at Gardo.
Ang unang Conference na iyon ay masusundan pa ng dalawang Conference kinabukasan kung kaya required silang mag stay duon sa Hotel upang makaharap kinabukasan ang mga Foreign Building Investors.
Nang matapos makipag kamay sa mga ka meeting ay agad na lumapit si Bryan Kay Gardo.“Pare kelangan kong lumuwas sa Manila. I Have to pick up Bettina in the airport.”
Pag dadahilan ni Bryan sa kaibigan habang ang totoong dahilan kaya nya nais lumuwas ay upang puntahan si Karina.
Si Bettina at nakababatang kapatid ni Bryan na nag aaral sa New York..“Oh pare.., bat ngayon mo lang sinabi yan? Ehh may 2 conferences pa tayo bukas” sabi ni Gardo
“Biglaan pare eh. Alam mo naman yung kapatid ko, Very bratty. Siguro naman pare ehh kayang kaya mo na ihandle ang meeting bukas. Laki ng tiwala ko sayo." tugon ni Bryan.
“Hahaha nambola ka pa!, Wala lang akong choice eh. Sige na lumakad ka nat maiipit ka pa ng traffic kapag dika nag madali. Masikip ang traffic sa bandang Bacoor. Goodluck!”
![](https://img.wattpad.com/cover/261406936-288-k127029.jpg)
BINABASA MO ANG
TAMA PERO BAWAL (SPG/ROMANCE) COMPLETE
RomanceSEX, REGRETS, AND ALOT MORE. Mahirap na Buhay Mapag samantalang Kapaligiran Masakit na katotohanan Maling tao Maling akala Tamang damdamin Mainit na mga tagpo Maling pagkaka taon Dito umikot ang istorya ng buhay ni Karina. Anong bukas ang nag hihint...