Halos nais ng ikulong ni Bryan si karina sa kanyang mga bisig.
Awang awa siya sa nakitang kalagayan ni Karina.
Lihim niyang minumura sa isipan ang Kaibigang si Gardo dahil alam niya at sigurado siyang Ito lamang at wala nang iba ang may kakagawan ng sinapit ng Babae.Bryan: “AHmm., Karina.., maaari ba akong pumasok?”
__
Hindi pa man nakaka sagot si Karina ay Marahan na siyang iginiya ni Bryan papasok sa loob ng Bahay.
Iniupo ni sa Sofa si Karina nang mapansing niyang mainit ito na tila may lagnat.“Karina nilalagnat ka! Anung nangyari? Anung ginawa sayo ni Gardo?”
Nadagdagan ang pag aalalang tanong niya sa Magandang Babae.
“Si Gardo…., Sinakt….”
Bago pa niya naituloy ang sasabihin ay agad nang nag landas ang maiinit na luha ni Karina sa kanyang muka. Hindi na niya iyon napigilan.
Hindi na siya nahiya na ipa kita kay Bryan ang kanyang pag iyak.Awtomatiko namang inilapit ni Bryan ang kanyang katawan kay Karina at agad na niyakap ito.
“Ssshhhh.. Tahan na.. Wag kang mahiya sakin.. Nandito ako..”
Pag kocomfort ng Binata habang inihilig sa kanyang balikat ang ulo ni Karina na patuloy sa pag iyak.“Kahit na hindi mo ikwento ng buo ay malinaw sa itsura mo na nag hirap ka at nasaktan ng husto”
Patuloy pa din ang pag iyak ni Karina nang iangat nito ang kanyang muka, tumingin kay Gardo at nag salita.
“Salamat… Salamat dumating ka… Ang sakit sakit… Napakasakit.. Sapul mula pa lamang ay puro sakit na ang ginawa niya sakin..” pshikbing sabi ni Karina.
“Ohh Bryan, Sinasaktan ako ni Gardo… Binababoy nya din ang katawan ko.. Ang pagka tao ko..”
Ang nakaka lungkot, nakaka awa at umiiyak na pahayag ni KarinaNatigilan si Bryan sa mga sinabi na iyon ng Babae.
Ang buong akala niya ay mahal na mahal ni Gardo si Karina. Na iginagalang nito at nirerespeto ang asawa.Awang awa siya kay Karina na parang Batang nag susumbong sa kanya.
Inabot niya ang mangkok ng Noodles sa lamesita at marahang sinubuan ang kaharap habang pabaha-bahagya itong nag sasalaysay sa kanya.
Walang hindi ikinweto si Karina. Mula sa pang re-rape at pag babanta ni Gardo sa kanya kaya sya napilitan magpa kasal dito. Hanggang sa Kasalukuyang pang yayari.
Ang lalo pa nitong pag mamalupit at pang bababoy sa kanya ng malaman nitong baog sya at walang kapabilidad na magka anak.Nalaman ni Bryan ang sobrang kababuyan at Ka manyakan ni Gardo.
Naging malinaw na din sa kanya kung bakit nuong unang punta niya duon sa bahay ay walang saplot si Karina.
Tiim ang bagang.
Pinipilit na pigilan ang galit niyang pinag mumura sa kanyang isip si Gardo.“Anong klase kang nilalang!?? Paano mong nagagawang saktang, pasakitan at babuyin ang isang babaeng katulad ni Karina? Anung pag iisip meron ka?” Patuloy na bulong ni Bryan sa sarili. Mga katagang ukol kay Gardo.
Halos nangalahati ang laman ng mangkok ng noodles nang tumanggi na si Karina sa sumunod na subong inalok ni Bryan.
Nahihilo at umiikot na kasi ang kanyang paningin.
Nahalata ito ni Bryan. Nilalagnat kasi sya.Humilig si Karina sa kanyang dibdib at saka pumikit. Hanggang sa mawalan ito ng malay.
Awang awa si Bryan sa inosenteng hitsura ni Karina habang ito ay natutulog sa kanyang dibdib.
Marahan niyang hinimas ang buhok nito.
Namamaga pa din ang pisngi at putok sa labi ngunit hindi parin nuon natakpan ang taglay na kagandahan at kakaibang karisma nito.
BINABASA MO ANG
TAMA PERO BAWAL (SPG/ROMANCE) COMPLETE
RomansaSEX, REGRETS, AND ALOT MORE. Mahirap na Buhay Mapag samantalang Kapaligiran Masakit na katotohanan Maling tao Maling akala Tamang damdamin Mainit na mga tagpo Maling pagkaka taon Dito umikot ang istorya ng buhay ni Karina. Anong bukas ang nag hihint...