Nene
February 15, 1902 Manila, Philippines
Isang magandang umaga para sa manga taong mahilig magbasa ng mga nakakatakot na istorya. Ako si Stella at bagong lipat lang ako ng trabaho bilang isang katulong. Madali lang akong natanggap dahil halos ako lang ang nagtangkang magtrabaho sa bahay ng mga Cruz. May mga tsismis kase na marami daw ang mga ligaw na kaluluwa sa bahay nila. Hindi ako nagpatinag dahil mas mahalaga ang pera kaya naman pinilit ko ang sarili ko para sa pamilya ko. Akala ko magiging masaya ang aking trabaho ngunit kabaliktaran pala ng aking iniisip.
Isang araw, ako ang naiwan sa bahay ng mga Cruz dahil may appointment sina Ma'am at Sir sa Doktor dahil walong bwan ng buntis si Mrs. Cruz. Dahil ako lamang ang naiwan sa kanilang bahay, napag-isip ko munang linisin ang kwarto ni Mrs. Cruz at pagkatapos ay ang sala, banyo at ang pinaka huli ay sa kusina. Wala naman akong kakaibang napansin maliban na lang sa kanilang garahe. Tanghali na ng makarating ako sa kanilang garahe sa likod ng bahay nila. Maliban sa mga lumang gamit, isang luma at sirang kotse ang nakita ko. Nang malapit na akong matapos, bigla na lang akong may narinig, ang pintuan ng kotse na nag-lock mag-isa. Hindi lang isa, kundi ang apat nitong lock. Biglang tumaas ang aking balahibo at dali-dali kong tinapos ang paglilinis.
Akala ko yun na ang una at huli kong ingkwentro sa mga bagay na hindi maipaliwanag pero umpisa pa lang pala ito. Madaling araw ng magising ako noong oras na 'yon. Pumunta agad ako sa kusina para maghanda ng almusal nila Ma'am at Sir. Tandang-tanda ko ng mga oras na 'yon ay lumabas agad ako ng bahay para bumili ng pandesal at pagbalik ko sa bahay, may narinig na akong matulis na tunog. Parang pamilyar ang tunog na 'yon kaya dali-dali akong tumakbo sa kusina at nakita ko ang takore na may kumukulong tubig sa loob. Pinatay ko agad ang kalan baka kasi magkaroon ng sunog. Tamang-tama, lumabas naman si Sir para tignan kung ano ang nangyayari. "Kanina pa yan ah. Nakalimutan mo ba?" Sabi sa akin ni Sir. Kinilabutan naman ako sa narinig ko. Kung tulog si Ma'am at Sir tapos ako nasa labas, sino ang nagpakulo ng tubig?
Tanghaling tapat ng narinig kong sumigaw si Ma'am sa kanyang kwarto. Maya-maya pa ay lumabas silang dalawa ni Sir at puro dugo na ang damit ni Ma'am. Mukhang manganganak na sya kaya dali-daling tumakbo si Sir sa kotse at ako na naman ang naiwan sa bahay. Dahil tapos ko na lahat ng dapat tapusin, naisipan ko munang matulog sa sofa sa sala. Makalipas ang ilang segundo, narinig kong may kumalabog sa kwarto ni Ma'am at biglang may sumigaw na naman. Sa sobrang takot ko, tumakbo na ako palabas at hinintay kong bumalik si Sir. Ngunit maghahating gabi na at nakausap ko na lahat ng aming kapit bahay, wala pa rin si Sir kaya bumalik ako sa loob ng bahay nila. Madilim na ang paligid ng mga oras na 'yon kaya kinakapa ko na lang ang pader. Nang nararamdaman ko na ang switch ng ilaw, napansin kong may nakapa akong mahabang buhok. Mabuti na lang at napindot ko na ang switch ng ilaw at lumiwanag ang paligid. Para mawala ang takot ko, naisipan ko munang mag novena sa harap ng altar. Maya-maya pa ay dumating na rin si Sir at may dalang pagkain. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at sinabi ko na kay sir ang mga nararamdaman ko dito sa bahay. Ang sabi nya na lamang sa akin ay, "Sanayan na lang yan. Hindi naman nila tayo kayang saktan." Kung ganon, matagal na pala nilang alam na may mga ligaw na kaluluwa dito sa bahay. Bigla namang napalitan ng magandang balita ang takot ko dahil dalawang lalake daw ang anak nila at kambal pa. Kaya't ginanahan pa akong magtrabaho dahil alam kong marami na kami dito sa bahay.
May 6, 1905 Manila, Philippines
Naririnig kong umiiyak ang panganay nilang anak na si Miguel kaya pumunta agad ako sa kanyang kwarto. Kahit anong gawin ko, ayaw talagang tumahan ni Miguel kahit binigyan ko na ng gatas. Ayaw nya rin naman matulog. Maya-maya pa ay narinig ko si Miguel na may sinasabing pangalan, "Nene... Nene... Nene..." Tinanong ko kung sino si Nene, ang sabi nya nasa kisame daw at ang sama ng tingin sa akin. Dahil bata, alam kong malawak ang kanyang imahenasyon kaya sinakyan ko na ang kwento nya para tumahan. Ang sabi ko ay, "Hayaan mo si Nene aalis din yan." Sabi ko kay Miguel pero imbis na tumahan, ang malalakas nyang iyak ay napalitang ng malalakas na sigaw. Bumababa na daw si Nene sa pader. Tumaas ang balahibo ko sa aking narinig. Bumibilis ang tibok ng puso ko at gusto ko na talagang tumakbo palabas ng kwarto pero hindi ko maigalaw ang mga katawan ko. Dala na rin siguro ng takot. Bigla namang lumakas ang sigaw ni Miguel at nasa likod ko na daw si Nene. Sa sobrang takot ko humingi na ako ng tulong kina Ma'am at Sir. Dali-dali naman silang pumasok sa kwarto. Kinwento ko sa kanila si Nene at ang sabi nila, sya daw ang unang tumira sa bahay na 'to ngunit nagpakamatay daw at ninais na dito sya ilibing sa bahay na ito. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung saan nakalibing si Nene, pero may dahilan kung bakit sya nagmumulto.
Isang araw, pagbaba ko ng hagdan ay may matandang babae namang nakaupo sa sala, hindi sya multo, sya yung nanay ni Mrs. Cruz at ako ang magaalaga sa kanya. Magandang balita na naman ito para sa akin dahil madadag-dagan na naman ang makakasama ko sa bahay ngunit makalipas ang isang linggo, nagluluto ako noon ng makakain namin sa kusina ng may napansin akong babaeng naghihingalong lumabas sa banyo. Alam kong may nagpaparamdam na naman kaya hindi ko ito tinignan. Nakikita ko sya pero sa gilid lang ng mga mata ko at makalipas ang ilang segundo nawala na rin ito bigla. Nang tatawagin ko na si Lola Auring para kumain, nakita ko syang isa nang malamig na bangkay.
Marahil may mga bagay na hindi kapani-paniwala pero wala namang mawawala kung maniniwala ka na may mga ligaw na kaluluwa sa tabi mo. Hanggang dito na lang--
-Stella