Lagim: Room 666

37 1 0
                                    

September 24, 2009 Metro Manila, Philippines

Almost 1:00 am na at nasa gitna pa rin ako ng kalsada naabutan na kasi ako ng bagyong Ondoy. Masyadong mabagal ang takbo ng aking sasakyan dahil na rin sa traffic. Sa sobrang lamig, pinatay ko na ang aircon. Dahil delekado na sa daan dahil may mga yero na nagliliparan at tumataas na ang tubig, naisipan kong sumilong muna sa isang hotel. Room 666 ang natitirang room. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang "pamahiin" kaya kinuha ko na ang kwarto.

Pagpasok ko, nakita ko ang higaan, lababo at pintuan papuntang banyo. Mukhang wala namang kakaiba sa loob ng silid kaya kahit basa pa ang damit ko ay natulog na ako. 3:00 am na at bigla akong nagising... Nakita kong makalat ang kwarto at nakabukas ang pintuan. Lumabas ako para tignan kung ano ang nangyari pero wala naman akong nakitang mga tao.

Habang naglalakad ako sa hallway, bigla namang may tumawag ng aking pangalan mula sa aking kwarto. "Nelson... Nelson... Nelson..." Sinundan ko ang boses at dinala ako sa isang pintuan papuntang C.R. Binuksan ko ng dahan-dahan at hindi... Hindi sya mukhang banyo kundi pulang kwarto. Pumasok ako at may dalawang lalake na naghihintay. Hindi sila pangkaraniwan. Mukha silang nakakatakot at nanlilisik ang mga mata. Biglang gumuho ang sahig at nakita ko ang hagdanan pababa. Pagbaba namin, napansin kong umiinit na ang paligid at may mga naririnig na rin akong mga taong naghihiyawan. Habang palapit kami ng palapit, lalo naman lumalakas ang tunog na 'yon. Kinakabahan na ako sa mga nangyari. Noong una akala ko panaghinip pero ngayon, mukhang totoo na.

Nagumpisa na akong mag panic dahil kung tama ang iniisip ko, nasa impyerno na ako! Pero imposible dahil hindi naman ako namatay. Dinala nila ako sa isang lalake na nakaupo sa trono na sunog na rin ang malaking katawan. Sa tabi nya ay nakita ko ang isang napakalaking malapad ba bato at biglang lumabas ang aking sarili mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Ipinakita sa akin ang mga nagawa kong kasalanan at kamalian na hindi ko napagsisihan. Tuluyan na akong hinatulan at hinagis na nila ako sa dagat ng apoy. Ang init at ang sakit sa buong katawan. Unti-unti na ring pumapangit ang aking balat. Naaamoy ko ang paligid na amoy iniihaw na aso. Marahil sa amoy ito ng mga taong nasusunog. Gusto ko nang mamatay sa sobrang sakit ngunit alam kong patay na ako. Ramdam ko ang init sa lahat ng aking katawan at kahit isang segundo man lang ay makaalis ako dito ay tatanggapin ko. Biglang may humila sa akin paalis sa dagat ng apoy. Akala ko ay ligtas na ako pero nakita kong kinakatay ang mga kaluluwa sa lugar na ito. Nakita ko ang mga sikat na artista, politiko at kahit bayani ay nakita ko dito. Naririnig ko ang mga sigaw nila na nagmamakaawa pero walang naaawa sa kanila. Nakita ko ang isang babaeng binubuhusan ng natutunaw na bato. Napansin kong may mga tatak sila sa mga noo nila na "666" nilalagyan din nila ng kadena ang mga paa namin at pinapalakad ng sobrang layo. Wala daw itong katapusan na paglalakad. Ako na ang susunod na tatatakan ng "666" sa noo. Pinatingin nila ako sa itaas at natanaw ko ang mga kaluluwang hinihila pababa ng mga demonyo. Parang mga buhangin sa disyerto. Matapos akong tatakan sa noo, dinala nila ako sa tabing dagat ng apoy at inihanda nila sa akin ang isang babaeng namimilipit sa sakit.

"Bago ka kumain, maghugas ka muna ng kamay."

At tinuro nya ang nagliliyab na dagat. Wala akong magawa kundi sundin ang kanyang utos. Sinawsaw ko ang aking mga kamay sa mga nagliliyab na apoy at sumigaw sko ng pagkalakas lakas. Tinanggal nya ang daliri ng babae at ipinakain sa akin. Pagkagat ko, narinig kong sumisigaw ang babae at ramdam kong gumagalaw pa ang daliring ipinakain sa akin. Isinuka ko agad at sinalok ng isang demonyo at ipinainom ito sa akin kasabay ang tawanan nilang lahat. Tuwing sinusuka ko ang aking mga kinakain, sinisibat naman nila ako. Nakita ko ang isang sikat na singer. Binuksan ang kanyang bunganga hanggang sa tuluyan na itong humiwalay sa kanyang panga. Umiiyak na lang kaming lahat at walang wala na ang pagasang maka alis sa lugar na ito.

*****

Huminga ako ng malalim at pagdilat ng mga mata ko ay isang liwanag ang aking nakita.

"Sir, okay po ba kayo?"

Tanong sa akin ng babaeng nakaputi

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa Hospital po kayo. Nakita na lang daw po kayo sa kwarto nyo na nakabulagta. Mabuti na lang at may staff na pumasok sa kwarto nyo para i-check kung ano ang nangyari sa inyo. Mabuti na lang at dinala kayo dito kaagad." Paliwanag nya sa akin.

Tinignan ko ang mga kamay ko at hinawakan ang aking mukha.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto nakita ko ang mga bangkay na namatay sa bagyo at nakita ko ang bangkay ng babae na nakita ko sa impyerno. Hindi iyon isang panaghinip.

*****

Hindi na ako babalik sa hotel na 'yon dahil maswerte ako't nakagising pa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon