Lagim: Kwarto

96 2 0
                                    

May mga panahon talaga na kapag ikaw lang ang mag-isa sa kwarto, hindi nawawala ang mga bagay na mahirap maipaliwanag. Mga bagay na walang kahit sino ang makakapag sabi kung bakit ito nangyayari. Kung akala mo na nag-iisa ka sa kwarto mo, hindi, marami sila at lumabas lang sila kapag mag-isa ka na lang.

Ako si Francine, 18 years old. Galing akong manila at bumalik kami dito ni Mama at Papa sa probinsya para pangalagaan ang bahay at lupa na ipinamana ni lola sa nag-iisang anak ni lola na si papa. Wala na kasing ibang magbabantay sa bahay na ito kaya pagsamantala muna kaming titira dito. Syempre, dahil ako ang nag-iisang anak ni Papa, ako ang naunang pumili ng kwarto ko. Dahil hindi naman ako masyadong mahilig sa malalaking kwarto, pinili ko na lang ang kwarto na maliit ng konti. Bukod sa maliit ito, sobrang linis pa. Parang hindi masyadong nagamit. Ang sabi ni papa, dati daw itong guestroom pero ipinasara daw ni lola itong kwarto na ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napansin ko rin na may banyo ang kwarto ko.

3:00am na nang may narinig ingay sa loob ng banyo. Hindi kasi ako nakakatulog kapag may nakikita akong ilaw kaya pinatay ko ito. Balik tayo sa narinig kong ingay, dahil nga nakapatay ang mga ilaw, hindi ko alam kung ano amg nangyayari sa loob ng banyo. Siguro mga patak lang ito ng tubig galing sa gripong may tulo kaya bibalewala ko na lang ito. Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ko ang isang buhos ng tubig na galing sa isang tabo na parang may naliligo. Inisip ko na lang na sa kanila Mama at Papa na banyo siguro yon. Magkatabi lang kasi kami ng kwarto. Bigla namang tumahimik ang paligid pagkatos iyong mangyari. Bumalik na rin ako sa pagtulog dahil ramdam ko pa rin ang pagod galing sa biyahe. Akala ko makakatulog na ako ng mahimbing nang may narinig ako galing muli sa banyo. Naririnig kong bumubukas ito ng dahan-dahan at pagkatapos, may mga yapak ng paa naman akong narinig. Sa sobrang takot ko, agad-agad akong nagtakip ng kumot at hindi ko na inisip ang init na nadarama ko. Mahigit isang oras din bago ako nakatulog.

8:00am Hindi ko pa sana gustong bumangon dahil lulang pa ako sa tulog at hindi pa ako maka move on sa nangyari kagabi. Pag bukas ko naman ng pinto, nagulat ako dahil mukha agad ni mama na may facemask sa mukha. "Anak! Tara sa baba! May ipapakilala ako sa'yo." Pagdating ko sa baba, nakita ko ang babaeng napakapamilyar ang mukha. At naalala ko na, sya si Meg. Sya ang kababata ko. Mahigit limang taon na kaming hindi nakapagkita kaya ganon na lamang ang yakapan namin sa isa't-isa.

"Oh sige, maiwan muna namin kayo dito, may pupuntahan lang kami ng papa mo." Sabi sa amin ni mama.

"Pa, sandali lang tatanggalin ko lang facemask ko." Habol nya kay papa.

Tuluyan na ngang umalis sina Mama at Papa. Habang tinitignan kong lumalayo na sila Papa, tuloy pa rin ang pagsasalita ni Meg. Miss nya na talaga ako. Palalim na ng palalim ang usapan namin. Habang nagtatawanan kami, naririnig ko naman na may sumasabay sa pagtawa namin. Boses lalaki ito at sa umpisa mahina lang ang tawa nya, habang tumatagal, mas lumalakas ang tawa nya. Sa sobrang pagtataka, tinanong ko na si Meg kung may naririnig ba syang tumatawang lalaki pero wala naman daw. Siguro guni-guni ko lang yon.

1:00pm hapon na pala at wala pa kaming lunch. Sinamahan nya akong bumili ng makakain sa may karindiria kaya iniwan namin ang bahay.

8:00pm gabi na at wala pa rin sila mama. Hindi ko alam kung bakit sila matagal at uuwi na rin si Meg. Ayaw kong mag-isa dito dahil sa nangyari kagabi.

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon