CHAPTER 3: First Day of Class

8 3 0
                                    

Third Person's POV

Unang araw ng klase ngayon sa SIA at kasalukuyan na naglalakad papasok ang magpi-pinsan na Garcia sa loob ng eskwelahan ng mapansin nila ang mga kapwa estudyante na may kaniya-kaniyang kumpulan at bulungan samantalang ang iba ay tinitingnan sila na parang binigyan ng babala at may iba naman na parang nae-excite sa magaganap.

'Anong meron?' tanong ng magpi-pinsan sa kaniya-kaniyang isipan.

Nagkatinginan silang lahat ng may nagtatanong na tingin.

'OMG! NANDITO NA ANG MAYERS!'

'WAAAA! TIN-TAN MAYERS!'

'MAS LALONG NAGING GWAPO SI TAN. WAAAA!'

'OO NGA! GANO'ON DIN SI TIN! MAS GUMANDA!

'OHMYGOSH! TAN! SOBRANG GWAPO MO!

'TIN, MY LOVE! ANG GANDA MO!'

Tilian ng mga estudyante nang makita ang magkapatid na Mayer.

Lumingin naman sa pinanggalingan ang magpi-pinsan at hinintay ang paglapit ng mga 'to.

"Ei Mayers, meet our other cousins. This is Lindsey Soberano and Lenjames Soberano." pagpapakilala ni Arnna sa dalawa,"And guys this is our friends Tin and Tan."

"Hello Guys!"nakangiting bati ni Tin sa kanila. Bumati naman sila pabalik ng nakangiti.

Nagsimula na silang naglakad patungo sa bulletin board para alamin kung anong section sila nabibilang habang nagu-usap pa'rin.

"Hey Mayers! Kamusta bakasyon niyo?" pangungumusta ni Vianne.

"Ayos naman at syempre super enjoy kami!" masayang balita ni Tin.

"Tch."angil ni Tan.

"Ayy! Hindi pala. Ako lang, walang 'kami' '' bawi ni Tin sa unang sinabi. Nagtatakang tumingin naman silang lahat sa kaniya.

"O bakit ikaw lang?"tanong ni Lindsey.

Umirap naman ito,"Eh kase naman kahit saan kami pumunta, may mga babaeng umaaligid-aligid diyan kaya paanong makakapag-enjoy 'yan?"sabi nito. Natawa naman sila.

"GUYS!"tawag ng isang boses babae 'nung ilang dipa nalang ang layo nila sa bulletin board, kung saan maraming mga estudyante ang nagkukumpulan at inaalam ang kanilang seksyon.

Tumigil na sila ng nasa harap na sila ng bulletin board at doon nakita ang may-ari ng boses na tumawag.

"O Elle? Ang aga mo ah?"komento ni Vianne.

Elle Kainah Valderama, isa rin itong malapit nilang kaibigan.

Maarte naman nitong hinawi ang buhok."Of course! Dapat lang noh, first day eh. Ang pangit naman kung first day tapos late. Nakakasira ng image. Duh!"maarte pa nitong sabe. Ngumiwi naman sila, maliban kay Tan na walang ekspresyon.

Perfectionist [ON-GOING]Where stories live. Discover now