"Sige na, Tin! Chill top mamaya." Pagyaya sa akin ni Aira. Napakakulit naman nito.
"Ayoko nga. Busy ako." Sabi ko, pero sinabi ko lang talaga yun para makaiwas ako sa pagyaya niya.
"Ang KJ naman, Hunyo." Sabat naman ni Jonas. Napaikot ko na lang mga mata ko at inaayos ang mga papel sa desk ko.
"Alam niyo naman kung paano ako pag lasing..." Tumawa naman ang dalawa nung sinabi ko yun. Napasapo na lang ako sa noo ko nung naalala ko na naman mga pinag gagawa ko. Masasabi ko na lang na hindi ako pwede malasing.
"Ano ba, Tin! Hindi naman tayo iinom." Sabi ni Aira. Napatawa naman ako nang sarkastiko.
"Ang scam niyo."
"Pero pag nalasing ka, akong bahala sayo." Sabay kindat pa sa akin ni Aira.
"Sama kana. Mag juice kana lang mamaya." Sabi ni Jonas, "At oo na, libre ko na." Dagdag pa niya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"G!"
Nandito na kami ngayon sa Chill Top. Nakaupo kami malapit sa edge na kitang kita ang view. Ang ganda ng city lights. Gustong gusto ko talaga yung ambiance dito. Sobrang... chill.
"At least dito, mawawala agad yung pagkalasing mo. Malamig ang hangin ngayon." Sabay langhap ng hangin ni Aira. Bahala sila diyan. Basta, wala akong balak magpalasing ngayon.
"Hindi nga ako iinom. Juice lang."
Scam.
"Jonas, bili ka pa ng isang tower please. Huhuhuhuhuhu."
"Masyado mong inaabuso yung libre ah! Kala ko ba juice ka lang?!"
"Ang kuripot mo! Kala ko ba li-bwe!" Medyo umiikot na paningin ko at napasandal na lang ako sa balikat ni Aira.
"Tin, ang hina hina mo talaga! Hahahaha!"
"Malakas ako. Tignan mo!" Tumayo ako. "Pupunta akong C.R. tapos iihi ako mag-isa!" Sabay lakad papuntang C.R.
"Ingat! Baka maflush ka!" Sigaw ni Aira. Lumingon naman ako sa kanya at sumaludo.
"Okay! Paalam. Huhu" Nakapout ako papasok ng C.R. Pagktapaos kong umihi, nag hugas na ako ng kamay. Sabi ko sa kanila malakas ako eh. Tinigan ko sarili ko sa salamin. Ngumiti ako.
"Waaaah. Ang ganda ko. May pa rosy-cheels. Hindi na kailangan lagyan ng cheek tint." Sabay hawak ko sa dalawang pisngi ko. Tumalikod na ako at lumabas na ng C.R. Ipapatingin ko kanila Aira kung bagay ba sa akin ang rosy cheeks.
Hahakbang pa sana ako nung may nakita akong lalaki nakaharap sa railings. Lumapit ako sa kanya at pumunta sa tabi niya.
"Kuya, tignan mo may rosy cheeks ako," tinuro ko yung kanang pisngi ko, "bagay ba sa akin?" humarap sa akin ang lalaki... at nakita ko siyang umiiyak.
"Hala, Kuya! Bakit ka umiiyak? Huhu." Nalungkot ako at pinunasan ko ang luha niya. Niyakap ko siya.
"Kuya, sorry. Bakit ka malungkot? Huhu. Dahil ba nagan---"
"Oh my gosh, Tin!" Naramdaman ko na lang may humila sa braso ko at napasubsob naman ako sa isang paso.
"Pare, sorry. Pag pasensyahan mo na lang yung lasing." Rinig ko kinakausap ni Jonas si Kuyang umiiyak. Tumayo ako nang maayos at pinagdikit ang dalawa kong kamay.
"Sowwyyyyyyy."
"Shh! Ano ba, Tin!" Saway sa akin ni Aira. Hinila niya naman ako.
"Alis na tayo." Sabi ni Jonas.
"Kuyaa, bye! Hug kita nang matagal next time." Sabi ko at tinignan lang ako ni Kuya nang malungkot. At tuluyan na akong hinila palayo nila Aira at ni Jonas.
"Sabi ko sayo sa condo mo na lang tayo." Nakababa na kami at naghihintay na lang kami ng masasakyan.
"Hoy, Aira. Wag mong kalimutan ikaw nag-aya dito."
"Oh bakit? Sumunod lang naman kami sayo kasi ikaw ang manlilibre!"
"Stoooooop! Bakit ba kayo nag-aaway? Huhu. Masama yan sabi ni Mama!" Pag-awat ko sa dalawa. Nagsisisihan pa. Na enjoy ko naman ang Chill Top. Ang saya saya kaya doon!
"Isa ka pa!" Sigaw nilang dalawa sa akin. Napayuko na lang ako at umiyak. "Sorry talaga! Huhu! Hindi ko sinasadya. Hinug ko lang naman si Kuya kase umiiyak siya. Cinomfort ko lang naman siya." Pinahid ko mga luha ko.
"Oo na! Huwag kana umiyak diyan. Iuuwi kana namin." Sabi ni Aira.
"Hoy. Kaya ko naman. Diba malakas ako? Okay lang! Book ako ng grab. Malayo pa kayo kung ihahatid niyo ako. Hanapin ka pa ng parents niyo. Lagot kayo!"
"Kaya mo ba talaga mag-isa?" Tanong ni Jonas. Tinarayan ko siya. Masyado niya akong inaunder estimate.
"Oo nga! Tignan mo oh," pinakita ko sa kanya yung phone ko, "nakapag book na ako ng grab. In 1 minute, parating na si Kuya driver. Kaya go na! Shoo! Text ko kayo pag nakauwi na ako. For sure, pag-uwi ko hindi na ako lasing. Ayan, arrived na daw siya!" Hinahanap ko yung kotse at tinuro yung white sedan na papalapit. Huminto ito sa harap naming. Bumaba ang isang Manong.
"Si Christine po?"
"Present!" Taas ko ng kamay at sumakay na sa may back seat. Nakita kong kinakausap nila Aira at Jason si Driver. Pumunta naman si Jason sa may bandang likod ng kotse at nakita kong may pinicturan siya. Binaba ko ang window ng kotse.
"Hoy, Jason! Masama yan! Portrait rights yan ng kotse ni Manong. Hahaha!" Lumapit siya sa akin at pinitik niya noo ko. "Aray naman!"
"Umuwi ka nang buhay ah! Sasakalin kita."
"Gusto mo akong buhay, pero sasakalin mo ako. Anong shabu mo, friend?" Walang logic naman itong si Jason. Narinig ko na stinart na ni Manong yung kotse, at lumapit naman din si Aira sa akin.
"Mag-ingat ka, bruha! Text mo kami pag nakauwi kana ha?!" Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Sure sure! Ano ba number mo?"
"Lasinggera!" Sabay tulak ni Aira ng ulo ko at natumba ako pahiga sa may upuan.
"Manong, pakisara na po yung bintana at i-lock po ang mga pinto. Salamat po!" Umayos na ako ng upo at magpapaalam na ulit ako pero nakasara na ang bintana at umandar na ang kotse. Pinagkrus ko ang braso ko.
"Ang sama mo, Manong. Mag babye lang naman ako sa friends ko. Hmp!"
"Sorry po, Ma'am." Sumandal na lang ako upuan at pumikit.
Onting-onti dumidilat ang mga mata ko dahil sa liwanag.
Nakuha na ba ako ni Lord?
Umupo ako sa kama ko at hinawakan ang ulo ko.
"Aray."
"Finally, you're awake." Narinig kong may nagsalita sa malalim na boses at tinignan ko siya.
"Sino ka?"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
hi! :) how's my first update? hope I can hear a feedback from you. Hug!
BINABASA MO ANG
The 5th Date
RomanceUnfortunately, Tin must find a date for Deo in order to pay him back as he was the one who took care of her when she was drunk.