Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mamulat sa konsepto ng pag-ibig at pagmamahal. Malinaw sa akin na hindi masaya ang pagsasama ng aking mga magulang. Lumaki ako na mulat sa bigat ng responsibilidad at hirap ng pag-aasawa.
Akda 1: Ang Pag-ibigHindi ko batid ang kahulugan ng salitang pag-ibig
Hindi ko nauunawaan ng lubos ang masidhing damdaming tinutukoy nila
Sa murang edad, malabo ang konseptong itoMas nauna ko pang natutunan ang mga ingay ng lasenggo sa tapat ng bahay
Habang lumalaki, nahubog ng mga babasahin at palabas ang aking murang kaisipan
Ang pag-ibig ay masaya at makulayIsa rin ako sa mga babae na nangarap makatagpo ng prinsipeng sasagip
Pinilit sa realidad ang piksyon mula sa iba't ibang porma ng media
Isang porma ng pagtakas sa realidad na kinamulatan
Sa pagdadalaga, namulat sa konsepto ng paghanga
Mababaw at kulang sa karanasan ang puso
Kilig ang pangunahing nararamdaman
Sapat na ang malaman ang ngalan at masulyapanNariyan ang pagtanaw sa malayo sa tuwing maglalakad siya sa pasilyo
Sa oras ng kanilang uwian, pinipili rin magpaalam sa guroAt dumating ang unang pagkadurog ng puso
Nalaman na may kasintahan ang tinatangi
Naging sa pantasya, puso ay tila nasawi
Sa ganap na pagiging dalaga, namulat sa pag-ibig na kakaiba
Tila ang nagtatakda ng sino, paano at ano ay ang ibang tao
Palaging iniisip ang iisipin kung tama ba sa paningin nila
Sa unang beses ay nagkaroon ng nobyo
Sa mga unang araw at buwan ay masaya, nakakakilig
'Di pansin ang anumang mali o hindi magandang gawi
Bulag at alipin ng pag-ibig ang dilag
Sa kanyang isipan, siya ang mundo
Ang sagot sa mga hiling at dasal na idinaan na yata sa lahat ng santo
Ngunit, dumating ang mga dagok at unos
Nalunod sa karagatan ng kawalan,
Tila isang sanggol na walang lakas upang lumaban
Natutunan ko na ang sakit ay kalakip ng pag-ibig
Sa muling pag-ahon, tumungo sa isla
Sa lugar kung saan maaaring puso't isip ay mamahinga
Patuloy pa rin ang pagtuklas sa pag-ibig
Batid na ito ay may iba't ibang anyo at kahulugan
Ngunit hindi maitatanggi na ito ay pwersang tunay na makapangyarihan
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ng Isang Manunula(t): Koleksyon ng mga Akda
PoesiaAng aklat na ito ay naglalaman ng mga salaysay, tula at kwento ng kabiguan, pagmamahal, sakit at pag-asa.