MemaUpdate Lang

865 45 18
                                    

MemaUpdate Lang

Matagal-tagal na rin pala nung huli akong nakapagsulat dito, mga ilang vernal equinox na rin siguro ang nagdaan. Ganun talaga, para rin kasi tayong mga bulkan, dumadaan sa dormancy period.

Sa totoo nga lang habang sinusulat ko 'to eh hindi ko maintindihan ang takbo ng aking utak, kung meron man. Yung tipong tinatanong ko sa sarili ko kung handa na nga ba ulit akong magsulat. Makakapagsulat ulit kaya ako nang gaya ng dati? May magbabasa pa kaya muli ng mga gagawin kong akda? Nakikilala pa kaya ako ng mga dati kong kaharutan dito? Yung mga ganyang bagay ba.

Naalala ko kung gaano kakapal ang mukha kong aminin na gusto kong maging sikat. Yung makakapaglathala ng libro at pipirma sa mga noo ng libo-libo kong fans.

Huwag mo naman akong husgahan at tawanan sa aking mga sinasabi. Seryoso ako. Gusto ko balang araw maging isang published writer. Sabi nga, hindi naman masamang mangarap. Pero hindi nangangahulugang ikamamatay ko kung sakaling hindi ko ito matutupad. Dude, dreams are far different from obsessions.

Isa lamang kasi yan sa mga ultimate dreams ko. Nariyang gusto kong maging housemate ni Kuya at makipagplastikan sa mga housemates para makasali sa Big 4; maging model ng brief kapag nagka-abs na ako; makabili ng kotse na kulay white na araw-araw kong ipapa-carwash; makapagpundar ng Panaderya tapos kukunin kong endorser si Kathryn Bernardo; makapunta ng Japan para makapagpapicture kay Naruto; makita si KZ Tandingan in person habang kumakanta ng Somewhere Over the Rainbow; magkaroon ng pitong anak, tatlong babae at apat na lalaki - ang dalawa ay kambal; at syempre ang makahanap ako ng kaldero na may lamang mahiwagang Genie upang matupad ang lahat ng nabanggit.

Gayunpaman, ang katotohan ay patuloy na sasampal sa aking mukha - na wala ako sa Wansapanataym kaya imposibleng matupad agad ang mga ninanais ko sa isang iglap lang. Kailangan syempreng pagsikapan at pagpawisan.

Kaya bilang isang "manunulat," nagsisimula ako sa puntong ito, sa tulong ng Wattpad, sa mga nabasa kong literary folios na naging inspirasyon ko, sa Publikasyon na aking sinalihan noong kolehiyo, at sa mga taong nakakasalamuha ko rito - mga mambabasa at kapwa ko rin manunulat.

Kaya nga heto ako ngayon, nakaboxer shorts habang kumakain ng pancit canton na hinaluan ng mayonnaise, napagdesisyunang sumulat muli ng mga bagay na wala mang KWENTA, pero sapalagay ko nama'y may KWENTO.

Sige, hanggang dito na lang muna. Iihi lang ako saglit sabay tumbling.

©ePhoneFive

#MEMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon