[Special Entry] : MemaAnezz Lang --LazyKnight

277 17 24
                                    


MemaAnezzLang Ang Kabalyerong Tamad


"Is Chivalry Dead?"

Yan ang bagay na nababasa ko kamakailan lang. Merong isang mainit na usapin na kumalat sa internet dahil merong isang babae na di umano'y nag post sa social media ng kanyang sama ng loob sa isang lalaking di nagpaupo sa kanya sa isang sikat na pampaserong tren (kontrobersyal pa nga kung tama yung tren na naaalala ko sa kwento).

Naging viral ang nasabing post sa kadahilanang ang babae ay pinost ang litrato ng isang lalakeng nakaupong nakayuko sa loob ng isang tren na kinuha niya mismo sa araw na naganap na iyon. Sinasabing ang lalake sa litrato ayon sa post ng babae (Kung tama ang pagkakaalala ko ) ay kinaiinisan niya raw sa kadahilanang kita naman na raw na nakatayo na siya sa harapan nito eh di man lang daw siya inalok ng upuan, ni tinignan o pinansin man lang. Ani'ya pa niya hindi na nga 'raw' kagwapuhan ang nasabing lalaki; hindi pa daw ito gentleman. Na meron daw siyang mga gentleman na kaibigan na kesyo ganito na kesyo ganyan, buti pa yun sila, ayon, lahat blah blah blah tsuk tsuk tsuk che chenalin eklabu hanggang sa makuha natin ang punto niyang galit na galit siya.

Dahil di kasi daw ito gentleman.

Syempre dahil sa kontrobersiyal na post at sa dami nang nakakita nito (dahil meron isang page na inirepost ito). Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa iba't ibang panig ng kasarian at karamihan sa mga ito ay puro negatibo. Dahil pa nga dito merong isang magazine na nag post ng isang artikulo ayon sa nasabing kontrobersya na naglalaman ng isa sa mga mahihinua mong ideya na, wala na ba talagang 'gentleman' sa panahon natin ngayon?

Kung totoo man ito o hindi (na wala na nga ba talagang gentleman). Wala na akong kamalayan doon.

Dahil unang-una hindi naman natin alam ang dalawang side ng kwento o tama pa ba ang pagkakaalala ko sa artikulo. Pangalawa, wala tayong karapatan na husgahan kung ano ang paguugali ng milyong-milyong lalaki sa mundo. At ang Pangatlong dahilan na dugtong sa pangalawa, hindi naman kasi natin alam kung lalaki pa nga ba sila.

Pero kung tatanungin ko ang aking sarili o di kaya ikaw na nagbabasa nito ay tatanungin ko. Meron pa nga bang maginoo sa panahon natin ngayon?

Bago natin sagutin yan ay magpapakilala muna ako. Una sa lahat, lilinawin ko, hindi ako ang may akda nitong binabasa mo. Sa madaling salita ay hindi ako yung tumatumbling mong author. Maski ako hindi ko alam kung papaano o bakit ako napunta sa akdang ito. Basta ang alam ko na lang nagsulat ako, dumating siyang tumatumbling sa akda ko at heto't pinasulat niya ako ng isang beses dahilan kaya nababasa mo ngayon ang isinusulat ko.

Kung tatanungin mo kung sino ako, hayan at malaya kang basahin ang titulo sa taas.

Ngayong nabasa mo na ang kabuuan kong pangalan. Ngayon alam mo na kung bakit ukol sa chivalry ang ating paguusapan? Tama ka. Trip-trip lang.

Bilang kabalyerong hayahay palagi at mahilig magsurf sa FB habang kumakain ng tinapay na may palamang maling. Nabanaag ng aking mata ang isang artikulo na kung saan labis na pumukaw ng atensyon ko dahil tila ba bilang isang mamayan ay isa ako sa mga sinasalamin nito. At nang mabasa ko ang nilalaman nitong tila ba Is Chivalry Dead? kuno. Ako ay labis na nasaktan.

Unang-una dahil sa negatibong komento na nababasa ko na tila ba ilan na nagsasabing sa modernong panahon ay wala na daw ganito. Pangalawa dahil naniniwala akong meron pa kahit tingin ng iba ay wala na.

No, it's not yan ang sagot ko sa artikulo kanina. Oo meron pa namang gentleman kung tatanungin ko naman ang aking sarili...

. . . dahil nandidito pa kasi ang isang kagaya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#MEMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon