Chapter 3

71 5 0
                                    

(Xander pov)
Sakit ng katawan ko ah. Napalaban kahapon. Mga siraulong yun mga pikon. Naghahamon ng laban pag natalo magagalit. Mga hinayupak na yun. Pano ba naman kasi, natalo sila sa bilyar tapos nagalit, edi napalaban kami. Ang saya kaya, kaya lang masakit sa katawan.

Naghihikab akong nakikinig sa prof. Hay naku, another day, boring day. Wala akong magawa kaya nilingon ko yung katabi kong nerd. Bakit ko ba siya katabi. Pwede naman siyang lumayo.

"hoy" lumingon naman siya, oh wow, mukhang hindi takot.

"bakit lagi kang nasa tabi ko?" baka may gusto sakin to ah, bakla siguro.

"masama bang umupo dito? May pangalan mo?" wow, sumagot siya. Ang galing.

"hindi ka ba natatakot sakin?" yung iba natatakot pero siya parang wala lang? Ni hindi ko man nakitaan ng kahit anong emosyon.

"bakit ako matatakot?" napangisi nalang ako bago humarap sa teacher.

"nice" nabubuhay ang dugo ko, matapang ka bata. I-recruit ko kaya to noh? Pwede din, pero nerd eh, may laban ba to?

Isinawalang bahala ko nalang. Diretso ako sa cafeteria pakatapos ng klase habang sumisipol. Parang gumanda ang mood ko ngayon ah. Siguro dahil sa lalaking nerd na yun.

'ayan na si Xander'

Oo ako nga.

'mukhang maganda ang mood niya'

Hindi na ngayon kasi ang ingay niyo.

'ang gwapo niya talaga'

I know right.

'but he's badboy'

Oh yes i am.

'but still, he's hot!'

Nakangiti kong nilingon yung babae at kinindatan. Mukha pa siyang nagulat.

'oh my gosh, did you see that? He winked at me! Kyaahhh!'

Grabe makatili.

'ano ka ba girl, ako yun'

Geh lang mag-away kayo.

'no! Ako yung kinindatan niya!'

Assuming kayo lahat. Letse.

"eh yow!" bungad ko sa kanyang wala na namang gana habang nakatingin sa phone niya. Hay naku.

"yeah" ang tino kausap ng hinayupak na to ah.

'grabe ang hot!'

'wooh sobrang ganda!'

'akin ka nalang babe!'

'ang ganda niya'

'inggit ako'

Ang ingay nila. Nakakasakit ng tenga.

"that girl" nilingon ko yung tinititigan niya. Napasandal ako sa upuan habang nakatingin sa kanyang parang model kung maglakad. Nakangiti siyang naglakakad papuntang counter. Nakita ko yung nerd na katabi ko sa upuan na dadaan sa tabi ko kaya hinatak ko siya paupo.

"ano ba" aba sumasagot ah. Inakbayan ko siya habang nakatitig sa babaeng maarte.

"sino yun?" turo ko dun sa babaeng may dalang tray na papunta sa isang table ng mga sikat daw kuno. Magaganda at gwapo daw. Pwe!

"hindi mo siya kilala?" sinamaan ko siya ng tingin. Aba siraulo to ah.

"magtatanong ba ako kung kilala ko?" hinayupak na to.

"tsk! Bailey Asuncion, school beauty, pinakamaganda sa school" napamaang ako sa sinabi niya.

"pinakamaganda? San banda?" nakakainit ng ulo. Anong maganda sa kanya? Hindi ko yata makita.

"ang tagal mo na dito pero hindi mo siya kilala?" aba teka nga, sumosobra na tong hinayupak na to ah.

"ang tapang mo naman yata, siguro naman kilala mo ako" tinanggal niya yung braso ko na nakaakbay sa kanya bago bored ako tinitigan.

"sinong hindi makakakilala sa basagulero?" sinundan ko lang siyang naglalakad palayo.

"nakakapanibago, hindi mo yata pinatulan?" wala namang snow sa pilipinas pero napakalamig niya. Napaka. Tsk!

Nilingon ko yung babae na nakikipagtawanan. Pabebe din pala siya. Napaka arte. Nasan ang maganda? Hindi ko makita. Iniinis yata ako nun ah. Sinundan ko lang siyang tumayo at lumabas ng cafeteria. Lagot ka sakin conyo ka.

'ay ang gwapo niya talaga!'

'sinabi niyo pa!'

Haisht! Ang ingay nila ah. Nakakarindi na. Lagyan ko kaya ng tape yung bibig para magtigil.

Sinundan ko lang siya hanggang pumasok siya ng ladies room. Siyempre hindi ako sumunod. Rinig ko pang nagtilian yung mga babae. Edi wow.

Nang makasigurong wala ng ibang tao ay pumasok ako at ni-lock ko yung pinto. Hindi ko siya gagawan ng kung ano ah. May respeto ako sa babae. Mag uusap lang kami. Nakasandal lang ako sa pinto ng lumabas siya ng cubicle. Mukhang nagulat nung makita ako.

"you again? Manyak!" pinasadahan ko siya ng tingin. Bakit hindi ako nagagandahan sa kanya.

"hindi ka naman maganda" napamaang siya bago ako sinamaan ng tingin.

"hey you! Manyak na guy na humipo sakin!" napairap nalang ako sa kulit nitong babaeng to.

"hindi nga sabi ako yung may gawa nun!" mukhang nagulat pa siya sa sigaw ko bago nag cross arm at tinaasan ako ng kilay. Ang arte. Maldita din yata.

"you're the one at my back, you smile pa nga eh, kadiri kang pervert ka!" putcha! Ako talaga yung pinagbibitangan niya.

"excuse me, hindi ko gagawin sa'yo yun! At isa pa, hindi ka naman sexy para hipuan ko. Kala mo napakaganda ng katawan mo?!" napasinghap pa siya bago tumingin sa salamin.

"how dare you! You are so nakakainis! Sino ka para sabihin na i'm not sexy huh?! Fyi, i'm the most maganda sa buong school!" nakakarindi yung ka-konyohan niya.

"wala akong pake! Gusto kong mag-sorry ka sa pagsipa at pagsampal mo sakin! Wala kang ebidensiyang ako yung gumawa nun!" pinag iinit ang ulo ko eh.

"ikaw lang naman yung nasa back ko kaya i know it's you!" blah blah blah!

"may kasama ako, pano kung siya yung may gawa huh? Hindi lang din naman ako yung nandun! Nambibintang ka agad eh!" nakakainis tong babaeng to eh.

"no! It's you!" napapikit nalang ako bago hinablot ako braso niya.

"ouch! Masakit!" ang arte, hindi naman ganun kahigpit yung hawak ko.

"wag kang maarte, hindi mahigpit ang hawak ko" ah grabe, inirapan lang ako. Grabe siya.

"i'm not gonna say sorry, duhh!" pinaningkitan ko siya ng mata na nakataas lang ang kilay sakin. Aba lumalaban ah. Binitawan ko siya at nginisihan.

"okay, i'll let you off...sa ngayon" kita ko pang inirapan niya ako bago ako tumalikod.

"see you tomorrow, Bailey Asuncion"

Nararamdaman kong maganda ang araw ko bukas.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

The Badboy And The Conyo (on-hold)Where stories live. Discover now