Chapter 40

30 4 0
                                    

(Xander pov)
4 days na siyang absent. Hindi din siya umuuwi. Nasa bakasyon ba siya?

"ang lalim ng iniisip mo" nilingon ko si Miles sa tabi ko. Nandito kaming dalawa sa rooftop.

"ang weird kasi. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, hindi din siya umuuwi sa condo" may problema ba?

"miss mo na?" miss ko na?

"medjo, wala kasi akong mapagtripan" trip lang ba yun? Kasi hindi ko alam, hinahanap ko siya pag wala siya.

"anong gagawin mo kung sakaling ma-engage sila ni Dharion" nagtaka akong napatingin sa kanya.

"may lagnat ka ba?" pero inirapan niya lang ako.

"i'm serious" ano nga ba.

"i don't know. Hindi ko naman mapipigilan yun" lalo na kung parehong pamilya ang gusto silang ipagsama.

"really? Sa tingin ko kasi hindi mo gustong magkatuluyan sila" ano bang problema nito. Ang weird.

"may gusto ka bang sabihin?" para kasing may sasabihin siya.

"you know what Xander, kaibigan kita. Hindi ka makakapagsinungaling sa'kin. Lokohin mo sarili mo, pero hindi ako. Alam ko naman gusto mo siya, ayaw mo lang aminin. Nakikita ko yun pag nakatingin ka sa kanya. Bakit kasi hindi mo sabihin sa kanya" natahimik nalang ako sa sinabi niya.

"you think so?" tumango lang siya bilang sagot.

Ganun ba yun? Pag wala siya, hinahanap ko siya. Pag nandito siya, masaya ako. Gusto ko siyang asarin kasi nakakatuwa ang mukha niya, kahit may pagkamaldita at maarte siya.

"hindi ko talaga gustong sabihin to kasi may pinag-usapan kami" anong sasabihin?

"don't tell me...kaya ka ba nawawala nitong mga nakaraang araw? Wag mong sabihin na nakikipag-away ka at hindi mo ako sinasabihan?" ganun kasi siya nung ilang araw. Pag tinatanong ko, sasabihin niya lang na uuwi daw siya at gustong magpahinga. Tapos lalayo siya pag may kausap siya sa phone niya. May tinatago talaga siya?

"actually, may nangyare kay Bailey" what?

"anong...nangyare?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"she's in the hospital, she had an accident-"

"what?! Naaksidente siya?!" kaya ba wala siya? Kaya hindi siya umuuwi?

"chill, minor injuries lang naman ang nakuha niya" kaya pala.

"is she okay?" tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi.

"see? Nag-aalala ka. You like her" tsk! Yeah right.

"tsk! Fine. Okay, panalo ka na" oo na gusto siya.

"gusto mo bang sumama? Pupuntahan ko siya mamaya pag wala ang parents niya. Mahirap na, magkakagulo pag nalaman nila" tsk! What for, we already broke up.

"actually, ayaw ipaalam ni Bailey sa'yo ang nangyare sa kanya" nilingon ko siya ng may pagtataka.

"why?" is it because it does'nt concern me?

"maybe because ayaw niyang mag-alala ka" so...she cares about me?

(Miles pov)
Hindi ko masabi na alam ni Dharion ang relasyon nila.

"what about Dharion, imposibleng hindi siya pupunta dun" hay naku.

"i'll call her para hindi kayo mag-abot" pero ano nga yung ibig sabihin ni Bailey na usapan para bantayan si Xander.

Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. Mukhang iniisip niya yung nangyare kay Bailey.

Hay naku kayo.

(Xander pov)
Hindi ako mapakali sa loob ng kotse. Hinihintay ko si Miles para makapunta na kami sa hospital. Iniisip ko kung ano bang sasabihin o itatanong sa kanya.

"haah!" napasandal ako at napapikit. Kinakabahan ako.

"let's go" pinaandar ko na ang kotse nang makapasok siya. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada pero siya ang nasa isip ko.

"are you sure na hindi sila pupunta? Baka mamaya nandun ang parents niya" baka mamaya nandun sina Dharion.

"yeah, tinawagan ko na siya" tsk! Sana lang talaga wala sila.

Pumasok agad kami nang makarating sa hospital. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makatapat kami sa isang pinto.

"oh, right...hindi ko sinabing kasama kita" huh? Is that supposed to be a surprise?

Nasa gilid lang ako nang buksan niya ang pinto.

"hi Miles. Ikaw lang ba? Where na ba si Nikita" imbes na sumagot ay tumingin lang siya sakin bago pumasok.

"kasama mo ba?" teka, bakit ba ako nagtatago.

"no, may iba akong kasama" tsk!

"uh...X-Xander?" gulat na gulat siyang nakatingin sa'kin bago nilingon si Miles.

"w-what is he doing here?" tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makatapat ako sa kama niya. Hindi pa din matanggal ang gulat sa mukha niya.

"why did'nt you tell me?" huminga siya ng malalim bago ako samaan ng tingin.

"what's in it to you ba? You don't care naman" huh? Ang taray, inirapan pa ako.

"ahem, bibili lang ako ng pagkain" narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto.

"ang taray mo, bakit ka ba naaksidente? Hindi ka ba tumitingin sa daan?" bakit nga kaya siya naaksidente.

"kasalanan mo!" nagulat pa ako sa pagsigaw niya.

Huh? Ano daw? Kasalanan ko?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

The Badboy And The Conyo (on-hold)Where stories live. Discover now