Pinanganak ako sa buwan ng mga patay pero ako na yata ang may pinaka masayang pagdiriwang sa buwan na ito.
Araw kasi ng mga puso ng ginawa ako nila mama at papa. Siguro sobra-sobra ang pagmamahal nila sa isa't-isa ng araw na iyon. Hihihi
Tuwang tuwa ang lahat ng miyembro ng pamilya noong ipinanganak ako. Isang malusog at magandang bata ika nga nila lala at lolo.
Ako daw ang naging buhay ng pamilya.
Ako ang bunso sa aming magkakapatid at ang nag-iisang prinsesa sa bahay lalo na sa buhay nila.
Lagi kong kalaro ang mga kuya ko kahit malayo ang agwat ng mga edad namin. Si kuya Nathan, bente tres ang panganay. Bente uno naman ang kuya kong si kuya Nico.
At syempre ako. Ako naman si Ella ang nag-iisang prinsesa. Labing pitong taon nako.
Malapit nako mag dalaga. Pero ako parin daw ang nag-iisang prinsesa nila mama at papa lalo na sila kuya.
Malambing sila kuya sa akin pero strikto rin. Lalo na kapag may nanliligaw sa akin.
Naalala ko tuloy noong grade school pa ako, grabe ang pag ayaw ng mga kuya ko sa pag kakaroon ko ng escort ng Kinuha ako bilang muse ng teacher namin.
Kinailangan ko pang maglambing ng husto kila kuya para pumayag sila. Kahit alam ko na payag naman sila mama at papa. Iba parin kasi pag nandyan sila kuya sa tabi ko.
Sila kuya ang nagiging photographer ko, tiga ayos ng buhok, ng damit lalo na ang pag alalay sakin pag umaakyat ako ng stage.
Ako na ang may pinaka maswerteng kuya dahil sila ang naging kapatid ko.
Kaya kapag Namatay ako, sinabi ko sa sarili ko na pag na buhay ulit ako, gusto ko na sila parin ang pamilya ako.
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
©MizzKhimmy
BINABASA MO ANG
Until the End
Novela JuvenilKinagigiliwan siya ng lahat kahit saan man siya mapunta. Marunong siyang makisama sa kahit na anong uri ng tao. Napapasaya niya ang mga nasa paligid niya kahit sa mga simpleng bagay. Isang masunurin, mabait, at palangiting anak. Isang perpektong...