May 28, 2021
Maaga kaming nagising nila kuya dahil pupunta kami nila mama at papa kila lala.
Bibisitahin namin sila sa probinsya.Doon daw muna kami sabi ni papa tutal weekends naman daw. Matagal tagal na rin naman ang huli naming bisita kila lala. Hindi naman nakakainip doon. Malawak ang lupain nila lala kaya madalas, naglalaro kami nila kuya ng habulan doon.
Maaga kaming nag almusal kaya ngayon, inaasikaso na namin yung mga gamit na dadalhin namin. Dalawang araw at isang gabi lang naman kami doon. Kaya hindi naman ganoon ka hassle ang mga dadalhin namin.
Mayroon naman kaming mga damit doon kaya talagang kaonti lang ang dadalhin namin.
Matapos Kong mag ayos ng mga dadalhin ko, naligo nako at nagbihis. Simpleng floral dress lang ang sinuot ko para presko.
With white sneakers at yung small backpack ko. Ganyan lang karami ang gamit na dala ko. Halos walang damit dahil isang t-shirt lang naman dala ko.
Diba sabi ko sainyo eh, konti lang talaga ang dala Kong gamit. Pagkatapos Kong mag ayos bumaba na kaagad ako.
Pagbaba ko ako nalang pala ang hinihintay nila mama. Tinignan lang muna namin lahat ng mga outlet kung walang naiwang nakasaksak. Tapos nun sumakay na kami sa kotse at umalis.
Kung hindi traffic, makakarating kami kila lala ng mga tanghali or before lunch. Habang nasa byahe, kaming tatlo nila kuya ang naglalaro ng Mobile Legends. Nung una nga lagi Kong ginugulo sila kuya pag naglalaro pero ngayon na naglalaro na rin ako, ako naman yung ginugulo nila.
After one hour nag stop over muna kami para mag cr. Bumili na rin kami ng mga junk foods para may kutkutin kami sa daan. Pagbalik namin ng kotse nag music nalang kaming lahat. Sakto naman na "My heart will go on" ang kanta.
"Ladies and Gentlemen I would like to sing a song for all of you".
Pagkasabi ko nun nagpalak pakan naman sila mama. Di pa kasi nila alam na sintunado ako kaya sila kuya ayaw akong pakantahin.
"Mama wag mo na pakantahin yan si Ella. Magsisisi ka po pag narinig mo bosses nya. Di ka po makakatulog sa gabi."sabi ni kuya Nico na akala mo palaka yung kakanta.
" Opo mama wag na po. Mabuti pa pong matulog nalang siya para payapa tayong lahat. Wag kana kumanta bunso matulog ka nalang."pagsang ayon ni kuya Nathan.
Hindi ko sila pinansin at nagsimula na akong kumanta.
" Ehem Ehem! Para sainyong lahat ito. "sabi ko na akala mo nasa isang concert.
" Every night in my dreams
I see you, I feel you
That is how I know you go onFar across the distance
And spaces between us
You have come to show you go on"Nakatakip naman ng tenga sila kuya habang nakanta ako. Nasulyapan ko rin na ayaw din ni mama.
"Near, far, wherever you are
I believe that the heart does go on
Once more, you open the door
And you're here in my heart
And my heart will go on and onLove can touch us one time
And last for a lifetime
And never let go 'til we're goneLove was when I loved you
One true time I'd hold to
In my life, we'll always go onNear, far, wherever you are
I believe that the heart does go on (why does the heart go on?)
Once more, you open the door
And you're here in my heart
And my heart will go on and onYou're here, there's nothing I fear
And I know that my heart will go on
We'll stay forever this way
You are safe in my heart and
My heart will go on and on""Thank you everyone for listening to my song."proud na sabi ko na para bang nasa isang malaki g concert ako.
" Sabi naman namin sainyo mama wag nyo na pakantahin si Ella ehh. Masisira na yata eardrums ko. "
" Mahal ka namin bunso at sosoportahan namin ang mga gusto mo basta wag lang ang pag kanta. Baka mabingi lang kaming lahat nyan ehh."
"Matulog kana anak at baka napagod ka pa sa pag kanta mo." natatawang sabi ni mama.
Buong byahe kaming nag tatawanan at nagkakantahan nila mama at papa. Pa minsan minsan inaasar ako nila kuya tapos tatawanan.
Ganun lang kami hanggang sa makarating kami kila lala.
BINABASA MO ANG
Until the End
Fiksi RemajaKinagigiliwan siya ng lahat kahit saan man siya mapunta. Marunong siyang makisama sa kahit na anong uri ng tao. Napapasaya niya ang mga nasa paligid niya kahit sa mga simpleng bagay. Isang masunurin, mabait, at palangiting anak. Isang perpektong...