Kinagigiliwan siya ng lahat kahit saan man siya mapunta.
Marunong siyang makisama sa kahit na anong uri ng tao.
Napapasaya niya ang mga nasa paligid niya kahit sa mga simpleng bagay.
Isang masunurin, mabait, at palangiting anak.
Isang perpektong...
Pagkagising ko nagdasal lang muna ako para magpasalamat tapos bumangon na ako. Naligo narin ako dahil bibili pa kami ng sapatos nila kuya para sa pasukan.
Di kasi namin nabili kahapon dahil marami na kaming dalang mga gamit.
Kami lang nila kuya ang aalis dahil maglilinis pa ng bahay si mama. Si papa naman papasok pa sa trabaho. Kaya mag-isa lang si mama mamaya.
Pagkatapos kong maligo, bumaba nako tapos sabay-sabay na kaming kumain.
Nang matapos kaming kumain, sabay-sabay na kaming umalis nila papa. Hinatid lang kami ni papa sa mall dahil out of way daw kung sa divisoria pa daw kami bibili.
Minsan lang naman daw kami bumili sa mall kaya okay lang.
"Ingat po kayo papa. Ingat po sa daan." paalam namin nila kuya kay papa bago bumaba ng sasakyan.
Pagkaalis ni papa kaagad kaming dumiretso sa department store para bumili ng bagong sapatos.
May heels ang gusto ko para naman di kaagad masira. Ilang minuto rin bago kami nakapamili ng sapatos nila kuya.
Pagkatapos namin mamili, pumila na kami para mabayaran at makauwi kaagad. Di naman kami nag tagal dahil di naman mahaba ang pila.
Bago kami lumabas ng mall nila kuya nilibre muna nila ako ng ice-cream. Chocolate ice-cream to be exact na may toppings na springles and chocolate syrup with cherry on top.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alam talaga nila kuya ang gusto at ayaw ko. Ganyan ako ka mahal ng mga kuya ko. Pagkalabas namin ng mall kaagad kaming nag abang ng jeep na masasaktan para makauwi.
Yes, marunong kaming mag commute nila kuya. Lalo na ang sumakay ng jeep kasi tinuruan kami nila mama at papa.
Hindi porket may sasakyan kami, di na kami magcocommute. Sabi nila mama dapat daw marunong kaming sumakay sa public transportation para kahit na mawalan kami ng sasakyan, kaya naming puntahan ang dapat naming puntahan.
May kaya kami pero hindi kami pinalaking anak mayaman nila mama at papa. Sabi nga nila, kami raw ang pamilyang may kaya pero hindi mapagmataas.
Sabi nila mama at papa kahit na ano pa man ang marating mo sa buhay, dapat daw na marunong kang lumingon sa pinanggalingan mo. Dapat daw marunong kang tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sayo noong nasa baba kapa. Kung hindi dahil sakanila, hindi mo mararating ang buhay na tinatamasa mo ngayon.
Medyo nag tagal lang kami sa byahe dahil sa traffic. Before lunch nakauwi narin kami nila kuya. Halos kasunod lang din namin na umuwi si papa.
Nilagay lang namin ang mga sapatos na nabili namin sa mga kwarto tapos nagbihis narin kami.
Pagkatapos kumain ng pananghalian, bumalik na ulit si papa sa trabaho niya. Kami naman nila kuya ay nagbalot ng notebooks namin kasama si mama.
Madali lang naman naming natapos ang pagbabalot ng notebooks. Inayos narin namin nila kuya yung mga gamit namin sa bag para wala ng problema.
After nun, tinulungan namin si mama na maglinis ng bahay dahil hindi pa siya tapos. Kami ni mama ang nagpupunas ng mga furniture's tapos sila kuya naman ang nagpapalit ng mga kurtina. Sila kuya rin yung nagbubuhat ng mga gamit na mabibigat kapag nililipat namin ni mama ng pwesto.
Ako narin ang nagwalis at nagmop ng sahig. Tapos sila kuya naman yung nagtapon ng mga nakuha naming mga kalat sa paglilinis.
Hapon na ng matapos kaming maglinis nila mama at kuya. Tinulungan na namin maghanda ng hapunan si mama para sabay-sabay na kaming makapagpahinga.
Pagkatapos naming magluto nila mama, umakyat na kami sa kwarto para maglinis ng katawan. Hinintay lang namin umuwi si papa para sabay-sabay kaming kakain.